Such a Small World

15.3K 367 3
                                    

DANGEROUS PASSION

CHAPTER 4

NAPASAPO si Vernon sa pumutok niyang nguso.Di niya akalaing ganito kalakas ang suntok ng dalagang kaharap, gayong wala sa hitsura nito ang pagiging maton!

"Hey, ang sakit no'n ah!" sabi ni Vernon at diretsong tumingin sa mga mata ni Belize.

"Kulang pa 'yan dahil sa kabastusan niyang mga mata mo!" nanggigigil na sabi ni Jillian Belize sa kanya.

Muling napatingin si Vernon sa magandang dibdib ng dalaga. "Magsusuot ka ng ganyan, tapos magagalit ka sa mga taong makakita niyan?Kaya nga ba marami na ang mga nagagahasa sa panahon ngayon." Umiiling na sabi ni Vernon.

Sasampalin pa sana ni Jillian ang binata sa mukha nang biglang makalapit ang magandang babae mula sa kotse nito.

"Hon, what's the matter here?" sabi nito. At biglang ipinulupot ang mga kamay sa braso ng binata.At napansin nitong pumutok ang nguso ni Vernon. "Ano'ng nangyari dyan?"

"Wala naman 'to." Tugon ni Vernon ngunit ang mga mata'y sa magandang labi ni Jillian nakatingin. Ang mga labing alam niyang kaysarap halikan at ang katawan nitong tiyak niyang kahit sinong lalaki ay sasambahin siya!

"He's blowing his horn like crazy that I just had to stop my car!" Sabi ni Jillian na nanggigil pa rin.

"Miss, you'r car did bump mine. Considering na kakabili ko lang nito." Sabi ng binata.

"Wala akong pakialam kung talagang lampa ka lang kung magmaneho!" singhal ng dalaga and her phone is ringing.Imbes na sagutin ay pinatay na lamang niya iyon.

"Wow naman, Miss. Ako pa ngayon ang lampa kung magmaneho! Eh ikaw itong kahit maliit na daan eh dinaraanan mo.Violation ang ginagawa mo sa pagmamaneho. Kung hindi mo mahal ang buhay mo, pwes I love mine!" sabi nito.

"Magkano ba ang kailangan mo upang manahimik ka na dyan?" naiiritang tanong ni Jillian at kinuha ang kanyang wallet.

"Well, I don't need your money!" sabi ni Vernon. "Basta't mag-iingat ka na lang sa pagmamaneho sa susunod." At tinignan ni Vernon ang gilid ng kanyang Ferrari ngunit di naman iyon nagasgas.Di niya kotse ang nagasgas kundi ang kay Jillian mismo.
Napapangiti ang binata habang nakatingin doon. Trying to figure out how would this woman may react to.

"Kung ayaw mong bayaran kita.." sabi niya at sinundan ng tingin ang mga tingin ni Vernon. At ang bago niyang kotse ay nagasgas pala. "What the hell?"

"Ang bilis naman ng karma!" sabi ni Vernon na napapailing at agad na itong tumalikod kasama ng babaeng kasama niya. Naiwang nanggagalaiti sa galit si Jillian.

"Damn!" sigaw ni Jillian sa papalayong binata kasama ng babaeng iyon.Tinitignan pa niya nang mabuti ang gasgas sa kanyang kotse at nasaktan lamang siya. Ilang sandali pa ay umalis na ang Ferrari ng binatang mukhang nagmamadali yata.
Galit na galit si Jillian habang minamasdan ang kanyang kotseng nagasgas. "Maaksidente ka sana!" sabi ni Jillian at pumasok na rin sa kanyang kotse.
She breathe in and breathe out. Trying to calm herself.Paano nga ba siya kakalma nito? She fasten her seatbelt and starts to drive again.Driving off to her Ninong's house.


Di nagtagal ay narating na rin niya ang bagong bahay ng Ninong Raul niya.Isa na itong Modern mansion ngayon.Kaylaki na nga ng ipinagbago ng mga buhay nito. But if she has to compare it to her Papa Anton's Mansion in America ay walang binatbat ang bahay na 'to. She silently comes out of her car. Suot niya ang kanyang shades at ini-on niya ang kanyang Cellphone. She starts dialing her Ninong's number.

"Jillian? Ikaw na ba 'yang nasa labas ng gate, hija?" tanong ng Ninong niyang pinatanda na ng panahon. Nasa terrace ito ng bahay nila kaya kitang-kita siya.

"Dangerous Passion"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon