Unprejudiced

10.8K 254 0
                                    

DANGEROUS PASSION

CHAPTER 23

PAGKALIPAS NG MAHIGIT ISANG BUWAN..

Tuluyan na ring naka-recover si Jillian mula sa operasyon niya sa kanyang likuran. She is now training again.

Kailangan niyang paghandaan na muna ang araw ng pagpunta niyang muli sa gubat at nang sa gayon ay makuha niya ang mga ebidensyang ibinaon sa lupa.
Curiousity is what's leading her to do so.

"Hija, sure ka na ba sa gagawin mo'ng 'yan?" tanong ni Señor Anton.

"Papa, nais ko lamang hong malaman kung sinu-sino ang mga connection ni Mirabuena.
It's just that, masyado na siyang nagiging mailap. At kung bakit di siya basta-basta nahuhuli ay isa sa mga ipinagtataka ko pa." Sabi ni Jillian.

"What do you, mean?" tanong ng kanyang Papa.

"Gusto kong malaman kung sinong mga otoridad ang mga alipores ni Mirabuena. Di kasi kapani-paniwalang lagi ay natatakasan niya ang mga kaso niya at kung paano sila nakakagawa ng mga transaction ng mga illegal nilang gawain at makapag-angkat nito nang maingat ay mas lalo lamang na nakakapagtaka." Sabi ng dalaga.

Saglit na natigilan si Señor Anton, napabuntong-hininga rin ito at maya-maya'y muling nagsalita.

"Kung ako sana ang masusunod ay ayaw ko na sanang sumabak ka pa sa delikadong mission na 'yan. I want you to live a peaceful life, hija." Sabi ni Señor Anton.

"Papa, this is not for me.This is for mommy and daddy Leonel. All their life, they have been fighting for what's right. Now,I'd like to return the benefits for them. All I want is justice for them. At makakamtan ko lang 'yon kapag nabalikan ko na't natuklasan ang laman ng Video tape at ang mga pangalan ng bawat miyembro ng sindikatong nakasulat sa blue book." Sabi ni Jillian at yumakap sa likuran ng ama.

"Let me do it for you,hija.I don't wanna loose you, not now." Sabi nito.

"Papa, let me do it. Just this. At kapag nakamit ko na ang hustisya para kina mommy,I promise you that I'll quit my job." Sabi ni Jillian na may seguridad ang tinig.

"Is that a promise?" tanong ni Señor Anton. Itinaas ng dalaga ang kanang kamay na para bang nanunumpa sa ama.

"I promise you, Papa." Sabi ni Jillian na nakangiti saka yumakap dito nang buong higpit.

Nakangiti na rin si Señor Anton at muling nagpatuloy na sa training ang dalaga. Jogging at maraming workouts ang kanya pang sinusubukan, upang mas lalo pang maging malakas sa pagsuong muli sa naghihintay na panganib.

Sina Vernon at Señor Abelardo naman ay tumulak tungo sa America, upang magkasama-sama ulit nina Señora Athena Martina at ng mga kapatid niyang sina Martin, Chloe at Aaron.

"When are you planning to marry her, hijo?" tanong ni Señora Athena nang sila'y dumating na dito sa loob ng ilang Linggo.

"I wanna marry her as soon as possible, Ma.I'm only waiting for her to say, yes!" tugon ng binata sa ina.

"I can't wait for that day, son." Sabi ni Señora Athena.

"Me, either, Ma." Sabi ng binata, saka ito hinagkan sa noo.

Wala silang ibang ginawa kundi ang mag-bonding sa pamamasyal,panonood ng movies sa bahay, panonood ng mga live concerts at kung anu-ano pa.They really enjoy every seconds of everyday, na animo'y ilang taon ding ipinagkait sa kanila.

Samantala, dumating naman ang takdang araw upang puntahan ni Jillian ang nasabing gubat kung saan ibinaon niya ang mga ebidensyang tiyak na magbubungkal ng bawat miyembro ng mga sindikato.She's with her father's men.

"Dangerous Passion"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon