Bala sa Bala

14.9K 315 6
                                    

DANGEROUS PASSION
by: Yeshameen Brejente




CHAPTER 5




Agad namang mayroong paramedics volunteer ang dumating sa may incident area.Nilinis nila ang nadaplisang braso ni Jillian. Si Vernon naman ay di pa rin makapaniwalang muntikan na talaga siyang napahamak kanina.Hindi lang dahil sa holdaper na ginawa pa siyang hostage, kundi dahil sa pagbaril ni Jillian sa taong 'yon.

Pagkatapos makunan ng konting panayam ng local newscaster si Jillian ay umalis na rin ito at bumalik na sa NBI.

Si Vernon naman ay nakarating na rin sa kanilang mala-palasyong bahay.Agad niyang hinubad ang kanyang leather jacket at agad din itong inabot mula sa kanya ng kanilang katulong. Inihagis pa niya sa sofa ang susi ng kanyang kotse. Agad siyang nagtungo sa kanilang bar at doon ay agad na kumuha ng isang bote ng mamahaling alak.Kumuha na rin siya ng kopita, saka naupo.

"Kuya, anything wrong?" tanong ng kapatid niyang kakapasok lang sa bar.

"Martin, si Papa?" tanong nito. Si Martin ay pangalawang kapatid niyang nag-aaral pa ng Law sa kolehiyo. Katulad niya'y gwapo rin ito.

"Wala pa. May lakad yata sila ni Mama." Sabi ni Martin sabay kuha ng kopita at nagsalin din ng alak.

"Naging hostage pa ako kanina ng dalawang holdaper sa Mall.I was about to buy something there." Ani Vernon at sumimsim ng alak sa kanyang kopita.

"What? So, paano ka na-rescue?" tanong ni Martin.

"Yung boses mo, pwede bang hinaan mo?Baka marinig ka nina Chloe at Aaron." Sabi ni Vernon na ang kanilang dalawang menor de edad na kapatid ang kanyang tinutukoy.

"So, kuya? Paano ka nga na-rescue?"tanong pa ni Martin.

"Yung pag-rescue nga sa akin ang muntikan ko nang ikinamatay." Sabi ni Vernon na napabuga pa sa hangin. "That woman who saved me, na siyang nakabanggaan ko ng kotse kahapon.Ewan, ngunit mukhang sinadya niyang barilin yung holdaper nang di man lang niya kinu-consider na naroon ako."

"A woman? Ba't may baril?" takang tanong ni Martin at muling nagsalin ng alak."Policewoman?"

"I don't know what she is!" sabi nito."The point is, muntik na akong napahamak."

"If she's a policewoman or an agent, then she knew what she's doing.Di naman siguro 'yun basta-basta magpapaputok ng baril if it's not in the right angle." Sabi ni Martin.

"You think so?" tanong ni Vernon.

"I thought so, kuya." Tugon pa nito. Saka tumayo na."I need to take some rest.Masyadong stressful ang klase ko kanina."

"Okay." Tugon ni Vernon at tumayo na rin.He made his way to the pool.Hawak pa rin ang kopita ng alak.Nang siya'y makaramdam ng pagod ay agad na siyang nagtungo sa kanyang silid.

Nagulat pa si Vernon dahil bukas ang mga ilaw sa silid niya. At ang pinto niya'y hindi naka-lock.Medyo sumasakit na rin ang kanyang ulo nang tuluyang makapasok sa loob ng silid.

"Monette.." marahang tawag niya nang biglang lumapit ang babae sa kanya.She's on her hot pink lingerie, trying hard enough to seduce him.Mabilis nitong iniyakap ang mga braso sa batok ni Vernon and she quickly claimed his lips.

"Vernon, baby.I missed you." Sabi ni Monette at pilit na inilalapit pa ang katawan sa katawan ni Vernon."I didn't see you for the whole week at pakiramdam ko'y pinagtataguan mo 'ko."

Mabilis na dinala ni Vernon sa kama si Monette at pabagsak niya itong itinulak. Ang dalaga naman ay halos di na makapaghintay sa binata, kaya agad niya itong hinila kaya bumagsak sa katawan niya.
Their lips met! At ang mga kamay ni Vernon ay kung saan-saan na naglalakbay.

"Dangerous Passion"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon