17 Years Later

15.6K 360 4
                                    

DANGEROUS PASSION

CHAPTER 3


NANG matapos maghapunan sina Jillian kasama ang lola Conchita niya at ng Ninong Raul niya ay nasa sala sila ng bahay.

"Jillian, hija.Lagi kang magpapakabait, ha? Andito ang number ko, I saved it on your phonebook. Anuman ang problema mo, just call me and I'll always be there for you." Sabi ni Raul at inayos ang buhok ng inaanak.

"Opo, Ninong.Maraming salamat po sa paghatid sa akin dito. Ang Urna nina mommy, saka ko na lang palalayain.Sa takdang panahon ninong." Sabi ng batang mayroong pangakong itinatak sa kanyang puso't isipan. Mabilis siyang yumakap sa kanyang Ninong, bilang pamamaalam.

Napaluha pa si Jillian habang sinusundan na ng tanaw ang papalayong kotse na sinakyan ng Ninong niya tungo sa isang Aviation company kung saan sila nag-landing kanina.


"Hija, habang pinapaayos pa natin ang magiging silid mo, doon ka na muna sa silid ng ate Erika mo, ha?" sabi ni lola Conchita.

"Opo, lola." Sabi ni Jillian at tinulungan pa siya ng lola niyang buhatin ang kanyang bag na pinaglagyan niya ng mga damit na ipinamili ng Ninong niya sa kanya. Nakahiga sa kama si Erika, nang makarating sila sa silid nito.

"Erika, apo dito na muna pansamantala ang pinsan mo, ha?" marahang sabi ng lola nila.

"Bakit kasi dito pa, lola? Pwede naman ho siguro doon na lang siya sa silid mo." Sabi ni Erika at tumalikod sa mga ito. Biglang nalungkot si Jillian, dahil mukhang ayaw ni Erika sa kanya.

"Erika, alam mo namang maliit lang ang kama ko. Hindi naman sanay ang pinsan mo na matulog sa papag.Malaki naman ang iyong kama, kaya walang masama kung share na muna kayo ni Jillian." Sabi ni Lola Conchita.

"Wala naman na rin akong magagawa, lola.Nag-decide na kasi kayo eh. Sana man lang tinanong niyo na muna ako!" pabagsak niyang sabi.

"Lola, doon na lang po ako sa kwarto niyo.Ayos lang po kahit sa papag man lang.Masasanay rin ho ako." Sabi ni Jillian.

"Dumito ka na, Jillian! Wag ka nang mag-drama!" sabi ni Erika.

"Oh pumayag na rin ang ate mo.So, dito ka na lang.Hayaan mo't panandalian lamang 'to.You will be staying on your new room na kasalukuyang ipinapagawa ko." Sabi ng matanda.

Nalulungkot man si Jillian ay tumango na lamang siya. Siguro nga ay kailangan na lamang niya ang sanayin ang sariling makisama. Maaaring mahihirapan siyang mag-adjust, ngunit pipilitin niyang magbago.Batid niyang iba na ang buhay niya sa dating nakasanayan niya.If she has to work for a living, she would!

"Kung mayroon kang kailangan ay tawagin mo lamang si Dorina sa baba." Bilin ng lola niya.

"Salamat po, lola." Sabi ni Jillian. Bago lumabas si Lola Conchita ay humalik muna ito sa kanyang mga apo.


Mabilis nang isinara ni Erika na pabagsak ang pinto ng kanyang silid.

"Sa sahig ka na lang matulog.Isang favor na ang ginawa kong pagpayag sa pag-stay mo dito sa silid ko.Di ako sanay na may katabi." Malditang sabi ni Erika at itinapon niya ang kanyang comforter upang maging higaan ni Jillian. Mabilis namang inayos ni Jillian ang comforter sa isang sulok na medyo malayo sa kama ni Erika. Di man lang siya nito binigyan ng unan, kung kaya ay ginawa niyang unan ang kanyang maliit na backpack na may laman ng kanyang mga underwear.

Pinatay naman ni Erika ang ilaw at tanging maliit niyang lampshade ang iniwang nakabukas.

Napaluha si Jillian. Di siya sanay na matulog na walang ilaw. Bigla niyang naalala ang kanyang malaki at napakalambot na kama sa malaki niyang silid sa kanilang bahay.Marami na nga ang nagbago at sa ngayon ay di na niya alam kung paano niya ito matututunang tanggapin.She's too young for her to experienced all of these. Pinipilit niyang kontrolin ang sariling mapasinghot upang di mahalata ni Erika na umiiyak siya.

"Dangerous Passion"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon