The Painful Truth

10.1K 252 0
                                    

DANGEROUS PASSION

CHAPTER 16

HINDI makapaniwala si Vernon sa narinig na katotohanan mula sa kanyang ama. Siya mismo'y isinusumpa na ang sarili dahil sa mga namagitan sa kanila ni Jillian. Paano nga ba ito magiging katanggap-tanggap sa pandinig? Paano nga ba 'to magiging mabuti sa mata ng mga tao lalo't higit sa mata ng Diyos? Gusto niyang magwala at ang tanging nais niya ngayon ay ang kitilin ang kanyang buhay! Sa konting panahong nakasama niya si Jillian ay labis na niya itong minahal. Ang isiping di niya ito nararapat na mahalin ay para na siyang unti-unting namamatay!

"Bakit ngayon niyo lamang ito sa akin, sinabi?" Pagdaka'y sumbat niya sa ama.

""Dahil kagabi ko lamang nalaman! We've been so worried of you and her and my instinct brought me to her room. Doon ay nakita ko ang kanyang I.D at ilang mga pruwebang nagsasabi na siya nga ang anak ni Angelina. Siya ang aming anak." Tugon ni Señor Abelardo habang naihihilamos ang sariling mga palad sa kanyang mukha at halos ay masabunutan na rin niya ang sariling mga buhok. Labis ding nasasaktan!

"Alam ba ni Mama ang tungkol dito?" Garalgal ang boses na tanong ni Vernon sa ama.

"Hindi, hijo. Ayaw kong saktan ang damdamin niya." Sabi ni Señor Abelardo.

"Hanggang kelan niyo ito balak na itago sa kanya, Papa?" Luhaan pa ring sabi ni Vernon." Hanggang kelan niyo balak na ilihim ang bagay na 'to kay Mama?"

"I need to hide it, son.Dahil ayaw ko nang masira ang pamilya natin.
Nakapag-reconcile na kami ng iyong Mama at ayaw ko nang masira itong muli. Minsan na kaming nagkalayo." Sabi ni Señor Abelardo.

"Alam niyo, mas mapalad pa rin si Belize dahil di niya kayo nakilala!
You're only proving me na wala kang kwentang ama!" sumbat ni Vernon.

"Gusto ko lang panindigan ang pagiging asawa't ama sa inyo na legal kong pamilya. Isang araw ay kakausapin ko si Belize. I'll try my very best na ipaunawa sa kanya ang lahat." Naguguluhan na ring tugon ng matanda.

Mabilis na iniwan ni Vernon ang ama sa sarili niyang silid. Wala siyang maisip na tamang gawin ngayon. Gusto niyang hanapin si Belize. Gusto niyang bumalik sa gubat na silang dalawa lamang ang magkasama. Gusto niyang takasan ang natuklasang katotohanan.

Nang makababa siya sa hagdanan ay nadatnan niya ang kanyang ina.

"Hijo, were you crying? What's the matter?" alalang tanong ni Señora Athena.

Vernon is helpless. Nahahabag siya sa kanyang ina. He doesn't know what to do but hugs her so really tight.

"I love you so much, Ma." Sabi niya habang yakap ang ina.

"May problema ka ba?May nangyari ba? Vernon, kilala kita. Tell me. Tell me, what's wrong.." Sabi ni Señora Athena.

"Someday, I'm gonna tell you. For now, mas maigi na sarilinin ko na muna ang mga pinagdaraanan ko.
I wanna be alone for some time, Ma." Aniya at hinagkan sa noo ang kanyang ina.

"I'm your mother, hijo. Higit kanino man, ako lang ang makakaunawa saiyo. Sabihin mo lamang sa akin kung bakit ka umiiyak nang ganyan. I need to know, ina mo 'ko." Luhaan na ring sabi ni Señora Athena. Ngunit di na muling nagsalita pa si Vernon.

Hindi na rin nagpumilit pa si Señora Athena na alamin ang suliranin ng panganay na anak. She just has to respect him. Baka nga kailangan na muna nitong mapag-isa. She'll let him be.

Kinuha ni Vernon ang susi ng kanyang kotse mula sa key holder stand na malapit sa cabinet ng TV. Magalang siyang nagpaalam sa kanyang Mama at mabilis nang umalis.




He's driving his car as fast as he could. With no direction. Just driving to nowhere. Sobrang sakit lamang talagang isipin na half sister niya si Jillian .Ang babaeng ngayon niya lamang nakita at agad nang minahal. Right now, he's missing her. He's missing to be with her again. He's missing to feel her, kiss her, hug her and make her his! Just his'!

"Dangerous Passion"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon