Who's Gonna Bid Farewell?

11K 232 2
                                    

DANGEROUS PASSION


CHAPTER 24

PRE-FINALE

WALANG kasing ligaya sina Vernon at Jillian sa Tokyo, Japan.Wala silang ibang ginawa kundi ang mamasyal at magpahinga.

At kahit nasa Japan sila ay inaasikaso pa rin naman nila ang mga plano sa kanilang nalalapit na kasal.They're still having contacts with their wedding organizer, it's either by the phone or over the Internet.


Mamayang gabi na ang flight nina Vernon at Jillian tungo sa Pilipinas
and right now, they're having their last minute of Shopping sa isang pinakamalaking Mall around Tokyo.

"Babe, kasya kaya 'to sa Papa mo?"
tanong ni Vernon sa kanya habang tinitignan ang isang white polo short na nasa hanger pa.

"Magkasing-katawan naman kayo ni Papa, eh.Pag kasya saiyo, I'm sure kasya din yan sa kanya." Tugon ni Jillian na nakangiti pa.

"Mas maganda naman yata ang figure ko kesa sa Papa mo." Biro ng binata sa kanya at ninakawan siya ng halik sa labi.

"Hoy,Vernon! Di ka na nahiya, eh andaming tao o!" sabi ni Jillian at kinurot sa tagiliran ang binata.

"Eh ano naman ngayon, kung maraming tao? Tao din naman tayo, ah?" sabi ni Vernon saka niyakap ang dalaga.

"Gago.." marahang sabi ni Jillian saka marahang hinampas sa likod si Vernon."Oo na mas maganda na ang figure mo kesa kay Papa."

"Takot ka lang naman yatang hagkan ko dito eh.Kaya mo yan ngayon sinasabi sa akin eh." Sabi ni Vernon.

"Hay naku, Vernon! Tigilan mo nga ako." Sabi ng dalaga at ngayo'y pumipili naman ng damit para kay Señor Abelardo. Alam na kasi niya ang sukat nito, kaya madali na para sa kanya ang pumili ng damit na bibilhin.

Di na muling nangulit pa ang binata. Di rin kasi niya maintindihan na lately ay nagiging mainitin agad ang ulo ni Jillian kahit di naman niya ito inaasar. O kahit pa na ngayo'y okay sila, maya-maya ay nagbabago agad ang mood nito.

Dinala na nila sa counter ang lahat ng kanilang napiling mga damit na pampa-salubong para sa kani-kanilang mga pamilya. At nang matapos nilang bayaran ang mga iyon ay saglit na muna silang dumaan sa Boutique upang makabili naman si Jillian ng mga bagong damit para sa kanya at para na rin kay Chloie at Señora Athena.

Nang makita ni Jillian ang isang mini-dress na kulay pula ay agad niya iyon hinawakan.Hinimas saka kinuha mula sa stand.

"This is so lovely!" ani Jillian na talaga namang humanga na sa hawak na mini-dress. Agad namang napabuntong-hininga si Vernon, thinking na iyon pa rin pala talaga ang nakahiligang damit ng dalaga.

"Do you really have to buy dress like that?" tanong ni Vernon na hawak pa ang sariling baba.

"Why? Pangit ba?" may halong pagkainis na wika ni Jillian.

"Mas appropriate kasi kung di na ganyan ang iyong mga sinusuot."
Marahang sabi ng binata.

"At anong appropriate? Yung pang
manang?" onis na wika ng dalaga at ibinalik sa stand ang hawak na mini-dress.

"Jillian, look." Sabi ni Vernon at hinawakan sa mga kamay ang dalaga. "Ang mga damit na ganito'y kinukulang na ng tela.I don't know why you find them good. Bagay saiyo. Pero mas babagay saiyo ang ayos na simple at mas disente.Kahit ano'ng damit bagay saiyo.Kasi maganda ka at sexy ka." Sabi ni Vernon.

Naiinis na tinalikuran ni Jillian ang binata. Padabog siyang lumabas mula sa boutique. Nag-aalala namang sumunod si Vernon sa kanya.

"Jillian, sorry na.." suyo ng binata.

"Dangerous Passion"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon