#4: How I Can't Focus On My Studies Because of a Basketball Game

2.1K 102 3
                                    

Buti na lang at weekend na bukas. Naiinis na ako sa mga tao sa school na panay ang katititig sa akin dahil lang sa Ashton Guevarra na 'yun. Si Ashton naman, walang ginawa kundi mangulit ng mangulit sa akin. Nakikiupo pa siya sa table namin tuwing lunch, lagi rin siyang nakikipagpalit kay Sally ng upuan, in short, lagi niya akong pinepeste. Wala ring kwenta ang bestfriend ko dahil mukhang shipper pa yata siya ng 'non-existent' love team namin ni Ashton.

Ito na yata ang pinakamahabang week sa buhay ko. Pwede bang bumalik na lang ako sa dati? 'Yung walang Ashton na gumugulo sa tahimik kong buhay!

Kinuha ko na lang ang libro ko at nag-umpisa nang gumawa ng assignment. Ganito kasi ako, tuwing Biyernes ko ginagawa 'yung mga homeworks ko na sa Lunes pa ipapasa. Sa ganoong paraan, hindi na maiistorbo ang panunuod ko sa netflix o pagbabasa ko ng novel ngayong Sabado at Linggo.

I was in the middle of solving a math problem when my phone beeped. Kinuha ko naman agad 'yun at tiningnan kung sino ang nagtext.

From: 09**********

Penelope!!!

Sino naman kaya 'to? Di kaya bagong number ni Nina?

To: 09**********

Who's this?

From: 09**********

Ashton.

To: 09**********

Paano mo nakuha ang number ko? Pwede ba! Tantanan mo na ako!

Walang hiya talaga! Pati sa text mambubulabog siya?

From: 09**********

Kay Nina ko kinuha. Bakit? Anong problema?

Inihagis ko na lang sa kama ko ang cellphone at bumalik na sa paggawa ng assignment. Pero hindi pa man ako nakakapagsimula ulit nang tumunog na naman ang cp ko. May tumatawag.

Kinuha ko 'yun at tiningnan ang caller id. Si Ashton na naman. Pinindot ko 'yung ignore at bumalik na sa ginagawa ko.

Pero hindi rin ako nakapagconcentrate dahil nakaka 35 miss calls na siya. Pinapainit niya talaga ang ulo ko. Kung hindi krimen ang pagpatay, malamang napatay ko na siya. Nang tumawag ulit si Ashton, napilitan na akong sagutin.

"Ano ba!? Wala ka bang magawa ha!? Nakakainis ka na!" sigaw ko. Hindi ko na alam kung ilang beses ko na siyang sinigawan pero hindi pa rin siya tumitigil.

"Gusto lang naman kitang makausap."

"Wala akong panahong makipagdaldalan sa'yo. Ibababa ko na nga---"

"Penelope! Sandali!"

"Ano!?"

"Kasi... pwede ka bang pumunta sa school ngayon?"

"Baliw ka ba? Gabi na! At bakit naman ako susunod sa'yo?"

"Hindi mo ba alam?"

"Ang ano? Na isa kang malaking damuhong? Oo, matagal ko ng alam."

"No. I mean, ngayong gabi ang first game namin. You know, basketball."

"And why do I have to care?"

"Can you come for me?" Kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko ang anticipation niya. Ganoon na ba kabig deal sa kanya ang pagpunta ko?

"No. May ginagawa ako. Mabuti pa, maghanda ka na. Wag mo akong kausapin at magconcentrate ka diyan sa game mo."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. Naguiguilty ako. UGH! Bakit naman ako maguiguilty?

"Okay," sabi niya at tuluyan ng in-end 'yung call.

Penelope's Rules □Completed□Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon