Never have I ever dreamt of facing the bare walls of this dreadful room. Hindi ako makapaniwala na tatapak ako dito sa detention room ever. Kasalanan 'to ni Ashton! Okay, it's partly my fault but he is really the one to blame. Wala na talaga akong pag-asa, nilabag ko na naman ang isa ko pang rule-- Rule#9: Detention is not an option.
Hinawakan ni Ashton ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang classroom. Abot tenga rin ang ngiti niya. Pinangangalandakan niya talaga na kami na. Masyadong proud 'tong boyfriend ko.
Napapatingin naman ang kada estudyanteng nadadaanan namin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin kung parang mga lovestruck puppies kami dito? Well, mainggit na sila pero wala na silang magagawa. Ashton freaking Guervarra is mine.
Pumasok na kami sa class at tumabi naman sa akin si Ashton. Binati naman kami nila Nina at Emerson dahil after 1234567890 million years daw ay sinagot ko na rin si Ashton.
Dumating na rin si Ms. Valdez. Wala na siyang sinayang na oras at nag-umpisa na siyang magklase.
Nagjojot down ako ng notes nang abutan ako ni Ashton ng papel.
"Pst."
Sinulatan ko naman 'yung papel.
"Makinig ka kay ma'am. 'Wag mo akong istorbohin. Shooooo."
Pinasa ko naman sa kanya ang papel. Babalik na sana ako sa pagsulat pero inabutan na naman niya ako ng papel. 'Yun din ang sinulatan namin kanina. At 'yun nga ang ginawa namin, nagpasahan kami ng notes pero maingat rin kami dahil baka mapansin kami ni Ms. Valdez. Ang talas pa naman ng pandinig nun.
"Miss na kita eh."
"Seryoso ka? Magkatabi lang kaya tayo."
"Kahit na. Gusto na kitang makausap! Ang tagal naman kasi ng klase na 'to."
"Ewan ko sa'yo."
"Penelope."
"O?"
"Ano ang height mo?"
"Huh? 160 cm. Bakit?"
"Ang laki mo pero paano ka nagkasya sa puso ko?"
"Bakit ang corni mo?"
"Di bale ng corni basta gwapo."
"Kapal mo!"
"Gwapo ko."
Para akong baliw na ngingiti mag-isa dito. Ayokong lingunin si Ashton pakiramdam ko kasi kikiligin lang ako ng bongga.
"Baka mahuli tayo ni ma'am."
"So?"
"Anong so? Malamang mapapagalitan tayo."
"Wala 'yan."
"Bakit kasi naisipan mo 'to?"
"Di ba ang romantic? Nagpapasahan tayo ng notes."
"Romantic? Amininin mo, Ashton! Bakla ka talaga no? May paroma-romantic ka pang nalalaman!"
"Hindi ako bakla. May bakla bang may magandang girlfriend?"
"Ang corni mo talaga!"
"Pero kinikilig ka naman."
"Kapal."
"Gwapo."
"Ewan ko sa'yo."
"I love you, Pen."
![](https://img.wattpad.com/cover/57862958-288-k170631.jpg)
BINABASA MO ANG
Penelope's Rules □Completed□
Truyện NgắnRule #1: Never mess with the jocks. Rule #2: Don't go to school parties full of horny teens. Rule #3: Don't get on the queen bee's bad side Rule #4: Focus on your studies. Rule #5: Don't do anything that can embarass yourself in front of the whole s...