#7: How I Broke Two Rules In Just A Day

2K 69 2
                                    

"Tara! Dali!" parang batang sabi ni Ashton. Hinila niya ako sa usual table namin. Paano ba naman kasi, lagi na siyang nakikishare ng table sa'min ni Nina. Halos di na nga kami mapaghiwalay nitong mga nakaraang linggo. At dahil rin sa kanya, hindi na ako ginulo ni Chelsie. Hatid sundo niya rin ako palagi at nakuha niya agad ang loob ng parents ko. Parang mas close na nga siya sa akin kaysa kay Nina. Ang babaeng 'yun naman ay minsan na lang magpakita dahil busy kay Emerson. Nagkikita na lang kami tuwing class at lagi pa siyang tulog nun.

"Patay gutom ang peg, Ashton?" natatawang sabi ko.

"Dali na kasi," pangungulit niya.

"Kaya ka tumataba eh! Lagi kang excited kumain!"

"Hindi ako mataba no! Pinagnasaan mo nga ang six-pack abs ko eh. Akala mo di ko nakita nung Sabado? Haha."

Namula naman ako sa sinabi niya. Bigla ko na lang naaala ang nangyari noong mga nakaraang Sabado. Tuwing Sabado kasi ay nakaugalian na niyang bumisita sa bahay. Nakakaumay na nga ang pagmumukha niya eh. Pero siyempre, joke lang 'yun. Sino ba naman ang magsasawa sa gwapo niyang mukha? Pero siyempre rin, hindi ko sinasabing gwapo siya dahil baka lumaki ang ulo.

Sabado na pero nambubulabog na naman si Ashton. Rinig ko ang halakhak niya mula dito.  Ang mokong na 'yun ay naging regular visitor na ng bahay kaya feel at home naman ang ugok. Tuwang-tuwa naman si Mommy at Daddy sa kanya. Nagseselos na nga ako eh! Mukhang mas mahal pa nila si Ashton kaysa sa'kin. Kulang na lang tumira ang lalaking 'yun dito.

Pagkatapos kong maligo, dumiretso agad ako doon sa living room. Nagulat naman ako dahil wala na sila Mommy at Daddy. Siguro ay pumasok na sila. Si Mommy kasi ay isang doctor at si Daddy naman ay lawyer. Minsan lang sila sa bahay kasi marami talaga silang inaasikaso.

Feel at home naman si Ashton habang nanunuod ng tv. Hindi na rin naman bago 'to sa akin. Ginawa na niya kasing tambayan ang bahay namin. Umupo naman ako sa tabi niya at nanunuod rin.

"Pen, nakakabore," sabi niya.

"Problema mo na 'yun."

Sanay na rin siyang tinatarayan ko. Ewan ko pero komportable na talaga kami sa isa't-isa na kada oras nag-aaway kami.

"Nga pala, ano 'yung nasa likod ng bahay niyo? May daanan kasi ako kanina. Mukhang napabayaan na ang garden niyo."

"Ah. Sa Mommy ko 'yun. Hindi na niya na-maintain kasi busy siya sa trabaho," sabi ko.

Natahimik naman siya sandali pero nagulat na lang ako nang hilahin niya ako patayo.

"'Yun na lang ang gawin natin! Ayusin natin 'yung garden," sabi niya.

Hindi na ako nakaangal kaya kinuha ko na lang ang gardening tools namin. Sinumulan na naming kunan ng damo 'yung garden. Sobrang dami na kasi. Wala na nga 'yung mga bulaklak dahil natabunan na ng  mga damo.

Maya-maya pa ay nagpahinga muna kami. Umupo kami doon sa bench.

"Kukuha lang ako ng meryenda," sabi ko.

Tumayo na ako at naglakad papasok sa bahay. Kumuha ako ng tray at ipinatong doon ang dalawang sandwich at orange juice na itinimpla ko.

Bumalik agad ako sa garden pero hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko.

Hindi ko alam king saan ako titingin, sa damo? Sa langit? Sa bulaklak? Sa abs ni Ashton? WAAAH! Nakakainis! Bakit kasi hinubad niya 'yung t-shirt niya! Kitang-kita tuloy 'yung abs niya! Ang unfair talaga ni Ashton. Paanong nag-eexist ang kagaya niya na parang pinaglihi sa greek god? Hindi ko mapigilan pero alam kong mukhang tanga ako dito habang nakanganga.

Penelope's Rules □Completed□Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon