Ayokong maulit ang naranasan ko noong elementary ako kaya gumawa ako ng rules. Nang malaman kong iisa lang papasukan naming high school ni Ashton, natakot ako. Natakot ako dahil baka maulit na naman ang pambubully sa akin. Kaya't hanggang maari, nilayo ko ang sarili ko sa radar ng mga kagaya ni Ashton. I've been invisible, a wallflower that hides behind the shadows of her bestfriend. And it was fine until I broke rule #1. Kasalanan ko naman di ba? Hinayaan kong makapasok na naman si Ashton sa buhay ko.
Hindi ako pumasok sa eskwelahan kinabukasan. Sinabi ko na lang kay Mommy at Daddy na masama ang pakiramdam ko. Hindi na nila ako tinanong pa at hinayaan na lang ako.
Buong araw rin akong nagkulong sa kwarto. Mugto na nga siguro ang mga mata ko dahil kanina pa ako iyak ng iyak.
Tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Nina ang tumatawag kaya sinagot ko agad.
"Penelope, anong nangyari?"
"Wala."
"Okay, I know I'm so stupid to ask that. Alam ko na ang nangyari. Don't worry nakipagsabunutan na ako kay Chelsie kanina. Bwisit na babaeng 'yun. Kung di lang dumating ang principal malamang napatay ko 'yun! Saka--- Miss De Vera, akin na ang cellphone mo. Simula na ng detention-- Anyway, bye muna. Nadention ako eh. Bibisitahin kita mamaya, okay?"
"Bye."
"Bye."
Hindi na ako nagulat sa ginawa ni Nina. Lumabas na nga ang pagkawarfreak niya. Nagpapasalamat na lang ako at may kaibigan akong kagaya niya, 'yung maasahan at hindi nang-iiwan.
Ilang minuto pa ay nakatulog na rin ako. Pagod na pagod na ako sa kaiiyak.
********
Napilitan akong pumasok ngayong araw. Wala na kasi akong excuse para hindi ako pumasok. Ayaw na ayaw pa naman ni Mommy na umaabsent ako.
Bumibigat ang pakiramdam ko habang papalapit ako sa gate ng school. Parang gusto ko na lang bumalik sa bahay at magkulong ulit. Hindi ko yata kayang harapin ang lahat.
Pero sa huli, napagdesisyunan kong pumasok pa rin.
Papasok na ako nang abutan ako ng unang estuyanteng nakasalubong ko ng card. Nabigla naman ako dahil hindi ko naman siya kilala. Binuksan ko na lang ang card at binasa ang laman.
I'm sorry
Ilang estudyante pa ang nakasalubong ko sa hallway at lahat sila, may binigay sa aking card, lahat may lamang 'I'm Sorry' Halos hindi ko na nga mabitbit ang cards dahil sa sobrang dami. 'Yung ilang seniors na namumukhaan kong nambully sa akin, nagbigay rin ng card. Kita rin sa mukha nila ang hiya at pagsisi.
Nang makarating ako sa classroom, ganoon rin ang ginawa ng mga kaklase ko, isa-isa rin nila akong binigyan ng sorry cards. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon pero parang may kung anong gumaan sa loob ko. Sa tanang buhay ko, walang nag-sorry sa pananakit sa akin. Nakakapanibago pero masarap sa pakiramdam.
Umupo na ako sa pwesto ko. Nandoon na rin si Nina pero tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Ayoko talagang umiyak pero hindi ko napagilang mapahagulgol habang yakap niya ako.
"I'm sorry dahil wala ako noong nangyari 'yun," sabi niya.
*******
Wala si Ashton ngayon. Mabuti na rin at hindi siya pumasok. Baka hindi 'yun makapaniwala sa sinabi ko at sana kung bumalik man siya, layuan niya na ako ng tuluyan.
"Tara! Gutom na ako!" Hinila na ako ni Nina papuntang cafeteria.
Pumila na kami para makaorder na. Nang turn ko na, kumuha ako ng usual kong lunch. Magbabayad na sana ako nang abutan ako ng lunch lady ng cupcake.
BINABASA MO ANG
Penelope's Rules □Completed□
Historia CortaRule #1: Never mess with the jocks. Rule #2: Don't go to school parties full of horny teens. Rule #3: Don't get on the queen bee's bad side Rule #4: Focus on your studies. Rule #5: Don't do anything that can embarass yourself in front of the whole s...