#1: How I Messed With The Jock

3.8K 110 7
                                    

~Rule #1: Never Mess With The Jocks~

"How's your summer?" tanong ni Nina. Sinarado ko ang locker ko saka ko siya hinarap. Mas gumanda pa siya kumpara noong huli ko siyang nakita. Nakakaganda nga siguro ang Korea. Mas pumuti pa kasi siya at kuminis.

"Awesome as usual. I practically read the Harry Potter series again," sabi ko.

"You're such a nerd," sabi niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at sa halip ay natawa pa ako. It didn't offend me, anyway. Hindi ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan gayong sobrang magkaiba kami. She's practically a walking barbie doll while I'm a living goofball. She's the epitome of beauty whilst I'm the goddess of nothingness. Sa amin lang siguro nagkatotoo ang kasabihang 'opposite attracts'.

Naglakad kami patungo sa classroom namin. Everybody is in a rush kaya 'yung iba, basta-basta na lang nambabangga. Kaya nga ang tingin ko sa high school ay isang malaking kagubatan at ang mga estudyante naman ang mga wild animals. Survival of the fittest lagi ang scenario dito lalo na ngayong tumunog na ang bell.

*****

Magkatabi kami ni Nina sa likod ng classroom. Ito naman usual seat namin kaya wala ng ibang umuupo dito. Gusto kasi ni Nina na walang makaistorbo sa kanya tuwing matutulog siya sa klase. At heto na nga siya ngayon, natutulog na kahit wala pang teacher. Nakapatong ang ulo sa desk at pikit ang mga mata.

Maya-maya ay pumasok na rin ang tatlo sa mga jocks na classmate namin. Sila ang tinaguriang mga royalties ng school na ito. Para silang mga hari na kulang na lang sambahin ng mga estudyante. Pati nga sa principal may special previlages sila dahil lagi nilang naiuuwi ang championship trophy. I don't really like them. Nayayabangan ako sa kanila. I never like anyone from their clique.

Actually, boyfriend ni Nina ang isa sa mga jocks- si Ashton Guevarra. Hindi naman talaga kagulat-gulat 'yun dahil maganda naman talaga si Nina. Hindi ko lang talaga magets kung bakit ang mga kagaya ni Ashton ang nagugustuhan niya.

Umupo na ang tatlong hari sa pinakaharap, sa usual nilang pwesto. Maya-maya'y pumasok na rin ang teacher at nag-umpisa nang magdiscuss ng lessons.

*****

"Wala na kami ni Ashton," sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Halos hindi ko manguya ang pizza'ng kinakain ko dahil sa sinabi ni Nina.

"Seryoso ka?" tanong ko.

"Oo. Nakipagbreak siya sa akin dahil sa unknown reason. Sus. Kahit hindi niya sabihin alam kong may bagong haliparot na siyang nahanap."

"Kaya ba pumunta ka sa Korea nitong summer vacation?"

"Oo. Umalis ako para mag move on. At alam mo ba, naka-move on agad ako sa ugok na 'yun! Ni di ko nga iniyakan!" sabi niya.

"I've always known he's a jerk." Dumako ang tingin namin ni Nina sa kakadating lang na grupo sa cafeteria. Of course, only the jocks can create this unnecessary commotion. Akala mo naman mga artista ang dumating. Every girl practically swoons at the sight of them- except for us.

"Pero gusto kong gumanti. 'Yung nakakatawang ganti," rinig kong usal ni Nina. Iniirapan niya si Ashton at kung nakakamatay ang tingin, siguradong patay na ang lalaking 'yun.

"Ganti?"

"Yes, a revenge. I'm planning a prank." Hindi ko gusto ang ekspresyon sa mukha ni Nina. I know that expression very well. Walang magandang ibig sabihin ang mga ngiti niya ngayon.

"Ano na naman ang plano mo?"

Sinabi niya sa akin ang plano niya. Napahagikhik na lang ako sa pinagsasabi niya. Ang wild talaga ng imagination ng babaeng 'to.

Penelope's Rules □Completed□Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon