#5 How I Was Embarrased In Front of the Whole School

2K 94 2
                                    

Pagkatapos ng nangyari noong Biyernes ng gabi, hindi na ako ginulo ni Ashton nitong mga nakaraang linggo. Mabuti naman dahil hindi ko alam kung ano ang iaasta ko sa harap niya. Things would be so awkward.

Papunta na ako sa classroom nang magtext si Nina. Saan kaya nagsususuot ang babaeng 'yun?

From Nina:

A-absent ako nga ngayon. Got a date with Emerson. Toodles!

Napailing na lang ako sa text niya. Aabsent talaga siya para lang makipagdate kay Emerson? Mukhang seryoso na talaga siya ah.

To Nina:

Okay. Have fun!

Binilisan ko na lang paglalakad ko papuntang class. Mala-late na rin kasi ako. Sana lang wala ng mameste sa akin ngayon.

***

Hindi ko alam kung ako lang talaga o may mali talaga sa tingin ng mga classmates ko. Hindi ko alam pero parang kinakabahan talaga ako. Parang may masamang mangyayari.

Umupo agad ako sa likod. Napansin ko agad ang dalawang bakanteng upuan sa harap- ang kay Emerson at Ashton. Alam kong kasama ni Emerson si Nina pero nasaan kaya si Ashton? UGH. Bakit ba ko ba hinahanap ang bugok na 'yun? Mabuti nga at walang mang-iistorbo sa akin.

Pero hindi pa rin maialis ang masamang pakiramdam ko. parang may mali talaga eh. Napakatahimik kasi ng classroom kahit wala pa si Ma'am. Usually, mag-iingay sila sa mga ganitong oras pero wala.

Nakahinga lang ako ng maluwag, pagdating ni Ma'am. Relax lang, Pen. Wagkang praning.

*****

Pagtunog ng bell, umalis agad ako sa classroom. Gutom lang siguro 'tong nararamdaman ko. Kung ano-ano na kasi itong iniisip ko. Kumalma ka nga, Penelope. Walang mangyayaring masama.

Papasok na sana ako sa cafeteria nang lumapit sa akin si Sally. Hingal na hingal pa siya at mukhang kakagaling lang sa pagtakbo. Hawak na niya ang braso ko habang naghahabol ng hininga.

"Penelope, dumiretso daw tayong lahat na seniors sa gym. May announcement daw. Tara na!"

Hindi na ako nakasagot dahil hinila niya na ako. Patakbo kaming tumungo sa gym. Wala naman ako halos nakitang estudyante kaya nagtaka ako.

Dumating na kami sa gym. Binitawan na rin ni Sally ang braso ko. Laking gulat ko nang makita ko ang karamihan sa seniors na nakapalibot sa akin. 'Yung iba hindi ko na nga kilala eh.

Napaluhod naman ako nang may biglang tumulak sa akin. Namutla ako, lalo na nang makita ko si Chelsie. Malademonyo ang ngiti niya. I am no genius but I know She's behind all of this.

Lumapit siya sa akin. Her devilish grin is still in tact. Hindi ko mapigilang manginig dahil sa takot. Anong gagawin nila sa akin?

"You should know your place bitch," sabi niya. Kinuha niya ang glasses ko at tinapon sa sahig. Hindi pa siya nakontento doon at inapakan pa niya ito hanggang sa tuluyan ng mabasag.

"You should know better than to mess with the Queen Bee. And one more thing, wala kang karapatang ipahiya si Ashton," dagdag niya. May kinuha siya sa pouch niya at binato iyon sa akin.

Sabi ko na nga ba. May masamang mangyayari.

****

Habang tumatama ang itlog, kamatis at kung ano-ano pa sa katawan ko, naaalala ko na naman ang nanagyari noon. Akala ko hindi ko na mararanasan ulit 'to. Akala ko tatahimik na ang buhay ko. Akala ko wala ng mananakit sa akin gaya ng ginawa niya noong mga bata kami.

Penelope's Rules □Completed□Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon