Kung may kinaiinisan pa ako maliban kay Ashton, siguro si Chelsie Dixon na 'yun. Para siyang female version ni Ashton with matching killer heels. She is a living nightmare. That's why, I've made a rule about her: rule #3: Don't get on the Queen bee's bad side.
She probably didn't even know of my existance so I didn't bother. We never cross paths and if we do, we just ignore each other. Sino ba naman ako para pag-aksayahan ng oras ng isang kagaya niya?
Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit basta niya na lang akong hinigit papunta dito sa restroom kasama ng mga minions niya. Apat silang kumaladkad sa akin. May nagawa ba ako sa kanya? Anong kailangan niya sa isang katulad ko? May ipapabili ba siya?
Nilock niya ang restroom. Napabuntong-hinga na lang ako dahil iniimagine ko na nasa isa akong clichè teen movie kung saan pinagkakaisahan ng mga cheerleaders ang nerdy loser. Oh wow, napakathrilling naman ng buhay ko.
"May kailangan po ba kayo?" tanong ko.
"Oo. Layuan mo si Ashton!" Halos mabingi ako sa tinis ng boses ni Chelsie. She has one of those irritating high pitched voice.
"Hindi ko po siya kilala," sabi ko.
"Sinungaling! Nakita kita sa party! Sabay kayong umalis na Ashton dun!" sigaw sa akin ng isa niyang minion. Sobrang kapal ng lipstick ng isang 'to.
Hindi ko alam na may nakapansin pala sa amin noon. Akala ko busy ang lahat sa party. I guess I was wrong. At heto na naman ako, nasangkot na naman ako sa gulo dahil sa Ashton Guevarra na 'yun.
Hinatid na niya ako sa bahay ko. Tahimik lang ang naging biyahe. Wala na rin akong masabi dahil ayoko talaga siyang kausapin. Si Ashton 'yung taong ayokong ayokong makasama ng kahit ilang minuto lang. Siya 'yung taong ayaw kong kashare ng oxygen. Nakakatawa lang at hindi niya ako natatandaan. Ni hindi niya alam kung bakit galit na galit ako sa kanya.
"Pakihatid na rin si Nina," sabi ko saka tuluyan ng lumabas sa kotse niya.
***
"Mali ang iniisip niyo. Wala kaming relasyon ni Ashton. May kinailangan lang akong pabor kaya sabay kaming umalis ng party," paliwanag ko.
"Sigurado ka? Wala kayong relasyon?" tanong ulit ni Chelsie.
"Yes, I'm positive," sagot ko.
Nagsukatan pa kami ng tingin bago siya magsalita.
"Okay. I'll let you go for now. Pero pagmalaman ko na nagsisinungaling ka sa akin, lagot ka," banta niya.
"Sure," sagot ko.
"You don't want to be on the queen bee's bad side, do you?" Tumpak ka, Chelsie. I don't want anything to do with you.
"Yes," sagot ko sa kanya.
"Good. Now, run along before I change my mind."
Nilagpasan ko sila at tuluyan ng umalis. I can't believe girls like her exist. Shallow and self-centered moron who has pea for a brain. Pity.
****
Pumasok na ako sa klase ko at buti na lang nandito na si Nina. Hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol sa encounter ko with Chelsie dahil baka maggising naman ang pagigigng warfreak niya. As usual, nakatulog na naman siya kahit hindi pa nag-uumpisa ang class. Ibang klase talaga 'tong si Nina.
Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin sa board. Isa-isa ng nagpapasukan ang mga classmates namin pero wala pa ang teacher. Pumasok na rin si Ashton kasama sila Emerson at Richard. Umupo sila Emerson at Richard sa harap pero si Ashton, dumiretso dito sa likod. Ano na naman ang trip niya?
BINABASA MO ANG
Penelope's Rules □Completed□
Historia CortaRule #1: Never mess with the jocks. Rule #2: Don't go to school parties full of horny teens. Rule #3: Don't get on the queen bee's bad side Rule #4: Focus on your studies. Rule #5: Don't do anything that can embarass yourself in front of the whole s...