#2: How I Went To A School Party Full of Horny Teens

2.3K 94 3
                                    

Penelope's Rules

Rule #1: Never mess with the jocks.
Rule #2: Don't go to school parties full of horny teens.
Rule #3: Don't get on the queen bee's bad side
Rule #4: Focus on your studies.
Rule #5: Don't do anything that can embarass yourself in front of the whole school.
Rule #6: Stay away from the popular clique.
Rule #7: Never kiss someone from your school.
Rule #8: Don't involve yourself in a romantic relationship or even flings.
Rule #9: Detention is not an option.
Rule #10: Falling in love in High School is strictly prohibited.

(Note: Failure to follow these rules will lead to emotional pain and heart break.)

Binasa ko ulit ang rules na sinulat ko noong freshmen ako. I can't believe this. I already broke rule #1. Let me explain, people. I wrote these rules when I entered high school. Alam ko kasi na ako 'yung mabibilang sa mga nobodies sa school-- 'yun bang mga losers. Kaya nga gumawa ako ng set of rules para maprotektahan ang sarili ko sa mga predators ng high school. Weird? I know.

Ganoon naman ang rules, di ba? Ginagawa sila para maging maayos ang lahat. Ginagawa sila para walang masaktan. 'Yun din ang purpose ko. Ginawa ko ang rules para hindi ako masaktan at maiwasan ko ang mga mananakit sa akin, physically, mentally or emotionally. Kung titingnan ang rules ko, parang ginawa ito para sa mga control freak. Pero wala akong pake. I live by my rules and that's how I survived.

"Gotcha."

Napalunok ako sa sinabi niya. What is he going to do to me?

"I'm willing to pay for the d--damage," nauutal na sabi ko.

"Of course, you'll pay." He loosend his grip on my waist until he finally let me go. Nakahinga na ako ng maluwag. Our close proximity sets me in discomfort. That guy is too close for my liking.

"How am I gonna pay? Cash? I'll give you cash," sabi ko. Kukunin ko na sana ang wallet ko sa bag pero pinigilan niya ako.

"I have tons of those, Penelope." Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin.

"So how am I gonna pay?"

"Go to my party tommorow night. I need to see you there," paliwanag niya.

"No. Bibigyan na lang kita ng cash. Ayokong pumunta sa party mo."

"You go to my party or I'll sue you for this," he threatens.

Seryoso ba siya? Dahil lang dun kakasuhan niya na ako? This guy is twisted.

"Fine," labag sa loob na sabi ko.

"Good girl."

****

Kung pupunta ako sa party ni Ashton, lalabagin ko na naman isa sa mga rules ko. I'll break rule #2. UGH! I hate that guy!

Naghanap na ako ng matinong damit para sa party. Halos halughugin ko na ang lahat ng damit sa closet ko pero wala talaga akong mahanap na 'party-appropriate' attire. Ito talaga ang disadvantage pag isa kang taong bahay, wala ka halos na matinong damit panlabas.

Makalipas ang isang oras, tuluyan na akong sumuko
Kailangan ko na talaga ng tulong.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Nina. Wala sana akong balak sabihin sa kanya 'tong pagpunta ko sa party ni Ashton pero wala na akong choice. Si Nina na lang ang last chance ko.

"Nina?"

"Pen? O? Bakit?"

"Kailangan ko ng tulong."

Penelope's Rules □Completed□Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon