Chapter 2: The Abandonment

61 1 0
                                    

I was on my way to hell. Yes, I regard our house as hell.

Why? Dahil hindi tao ang nakatira doon kundi isang demonyo. Walang puso at halang ang kaluluwa.

I hate him. No, I despise him

Hindi ko na napigilan ang paghigpit ng hawak ko sa manibela.

Maya-maya pa'y natanaw ko na ang tahanang minsan ko nang tinawag na paraiso dahil sa aking ina.

Nang makita ng guard na paparating na ang aking motor ay binuksan nito ang dalawang malalaking gate ng bahay. Hindi lamang ito pangkaraniwang bahay dahil ito'y mansion.

Huminto ako sa harap ng Mansion at bumaba sa aking sasakyan. Nakita ko si butler Kim na paparating at nang nasa harap ko na siya ay hinagis ko ang susi sa kanya. Nasalo niya ito .Alam na niya ang gagawin.

"Lady Ruth , ang iyong ama'y---" akmang magsasalita ito subalit ikinumpas ko ang aking kamay na ang ibig sabihin ay tumahimik siya.

"I know" I said and walked straight to his room.

Pagdating ko sa may sala ay sumalubong sa akin ang liwanag ng mamahaling chandelier na pinasadya pa mula sa ibang bansa. Gayundin ang mga manahaling kagamitan at ang makislap nitong wooden floor na mahihiya kang apakan dahil sa kapuliduhan.

Kapansin-pansin din ang isang malaking family picture . Maganda ang mga ngiti ng mga ito lalong lalo na ang batang may maliwanag na aura. Ang kainosentehan niya ay kaakit-akit. Maging ang mga ngiti nitong abot tenga na nakakahawa ay hindi mapapalagpas ng ninumang makakita nito.

Subalit, taliwas sa kung ano ang makikita sa litrato ang kalungkutan at sakit na nakatago sa mga ngiti ng mga ito.Sinong mag-aakalang ang isang masayang litrato ng pamilya ay larawan rin ng kasiraan at di mapantayang pagdadalamhati sa mga mata ng mga ito.

Bumalik ang aking paningin sa hagdan patungo sa pangalawang palapag kung saan ang Monster's bedroom. Lumakad na ako at baka magbuga pa ng baga ang mabuti kong ama.

Nang makarating na ako sa tapat ng pintuan ay nakarinig ako ng mga mumunting ungol mula sa loob. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginagawa nila sa loob.

Mahigpit na kumuyom ang aking kamao dahil sa gigil at matinding galit. Kung hindi lamang kasalanan ang pumatay ay matagal ko nang tinapos ang kanyang buhay.

Isa siyang walang kwentang tao. Ganid at sakim. Malandi at isang demonyong nagtatago sa balat ng isang anghel. I loathed him more than anyone.

Hindi na ako kumatok pa at walang pasintabi na pumasok sa silid na minsa'y naging safe zone para sa akin. Binababoy niya ang lahat ng magagandang alaala ko sa aking matagal nang patay na pamilya. Ang pamilyang akala ko'y perpekto at masaya ay sinira ng demonyong ito na uhaw sa laman at kapangyarihan.

Sa pagbukas ko ng pinto ay bumugad sa akin ang dalawang taong walang ibang saplot . Magkapatong at hingal na hingal mula sa kakatapos na kalapastanganan. Ilang saglit pa bago nila ako napansin na siya namang ikinangisi ko.

Tinignan ko sila gamit ang aking blangkong mga mata . Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa at ipinaramdam sa pamamagitan ng aking mga tingin kung gaano sila kawalang kwenta . Mga Baboy.

Di kalauna'y napatakip ang haliparot ng kanyang katawan . Sa pagkakasuri ko sa kanya'y hindi nagkakalayo ang aming edad. Maganda siya at seksi subalit walang utak. 'Di niya ginagamit ang isip niya bagkus ay binubukaka na lamang ang kanyang dalawang hita. Slut. Ano siya Atm machine? Akala niya siguro sa ano niya ini-slide ang atm card kaya ginagawa niyang habit.

Pagkuwa'y nagsalita ang higad dahil na rin sa pagkabigla sa aking presensya.

"Aah...Who is she Hon?paalisin mo siya!" Bulyaw nito sa aking ama na ngayo'y kalmadong nagsusuot ng mga damit. He's acting like what I've witnessed is a normal thing.

The Bitter QueenWhere stories live. Discover now