Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng kalye papunta kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Honestly, I don't know where to go. After my encounter with the man, I let him off the hook but with a remembrance---> not a bruise, not a black eye. Let's say, I just kicked him where the sun doesn't shine.
Bumalik ulit sa gunita ko ang nangyari kanina--->ang nakita ko. Ang ulo ng asul na dragon. I've seen it many times and it's part of the past that I wanted to bury forever. I don't know why things keep coming back in package. I'm not sure if I can still handle whatever the man or people behind this are planning to do. There's so much in my plate already.
Pinaparusahan ko na ang sarili ko pero bakit mayroon pang ibang paraan ang karma para dagdagan ang kapaitan ng buhay ko. Pingmasdan ko ang paligid ko at nakita ang isang palaboy laboy na aso. It keeps on whimpering. Then, I saw its paw which is injured. It might've been in a battle with other street dogs or it might have been caused by the former owner.
It stopped in front of me and looked directly in my eyes. When I looked at him closely, he looked so thin. Maybe, he hasn't eaten for days that his body sways with the harsh cold wind. It's white fur was tainted with red---blood. I can't believe what I'm seeing. In the dark orbs of his welling eyes is myself. The pain is almost insufferable. I remembered myself. Alone---How can someone who loves you leave you alone in this cruel world? The memories flashed in my mind like a film. The sound of a palm in contact with the cheeks, the loud thud of head being banged against the wall, the blood...my mo---I obliged myself to hide the emotions that I caged in for how many years. This dog brings out my worst memories that one could only handle.
Suddenly, the dog started barking at something---rather someone. I looked at the direction he was looking at.
"Bakit? Anong akala mo sa akin walang pera? Halika na sabi eh!" dinig ko sa isang baritonong boses. Tantiya ko'y nasa 40's na ang nagsasalita.
"Di ka ba nakakaintindi? oh sadyang bingi ka lang? Kung may pera ka talaga, bumili ka ng tenga! mukhang wala ka nun." sabi naman ng isang matinis na boses. Sa tingin ko'y babae ito base sa kanyang boses. Aalis na sana ako kaso nga lang ay narinig ko ang lagapak ng sampal.
Nagtangis ang ngipin ko. No one is allowed to hurt women. Abuse is abuse. I should've let them argue about whatever they want but when physical abuse involves, I won't just sit in the corner and do nothing. My mother is also a woman. I won't---
"Tama na please!" napukaw ng sigaw ng babae ang gunita ko. Mabilis kong pinuntahan ang kinaroroonan nila.
Saniata's POV
Nagulat ako nang pagbuhatan ako ng kamay ng gagong to. Dahil sa shock, natulala lamang ako sa kanya at di magawang i-proceso ng utak ko ang nangyayari. Bagama't mali ang ginawa niya ay di ko din siya masisisi. Isa akong prostitute. Saan ang respeto mo sa babaeng kaluluwa na lang ang di lumalabas bukod sa mga maseselang parte ng babae.
Gayunpaman, pinipili ko din naman kung sino ang sasamahan ko. Gusto ko ay 'yung matino pero madaling maloko. Hindi ako santa para di gumawa ng kasalanan pero di ko din masasabing satanas ako dahil di naman sukdulan ang haba ng sungay ko.
Bumalik ang atensyon ko sa hinayupak na lalaking nasa harapan ko. Narinig ko ulit ang sigaw ng lalaki sa harapan ko. Alam kong sasaktan niya ako. They always do. Isinangga ko ang mga braso ko sa mukha. Mahirap na't baka magalusan. Ito ang puhunan ko to survive. Walang kita , walang buhay.
Pagkatapos ng ilang segundo ay di dumapo sa braso ko ang mga palad niya. Walang galos ang braso ko. Sa halip na umalingawngaw ang iyak ko sa sakit ay narinig ko ang ungol .....ungol sa sakit. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ang isang bulto ng tao. Hindi po siya knight in shining armour mga madam. Lalong di naman siya lalaki. Namilog ang mga mata ko sa nakita. Isa siyang babae!
"Arrrrgh! sino ka bang gago ka't nangingialam ka?!" angil ng lalaki sa babaeng nagligtas sa akin. Pinilipit kasi nito ang braso ng gago.
"Isa pang buka ng bunganga mo at kamao ko ang sasakto sa butas niyan." anito ng napakakalmado. Hindi ako makapaniwalang napakakalmado niya sa mga ganitong sitwasyon. So cool!
"HA! Akala mo matatakot mo ako? Isa ka lang walang kwentang babae! pare-parehas kayong lahat. Ikaw puta ka---" naputol ang sasabihin niya dahil sumakto nga ang kamao ng babae sa bunganga niya. SAKTO MEN!
"AWWWKKKK!" ito lang ang tanging narinig ko pagkatapos pumasok sa bunganga niya ang kamao ng babae. Ang astig niya.
Tinanggal niya ang kamay niya sa bunganga nito. Nagtaka ako noong walang dugong lumabas sa bunganga nito. Dapat ay dumugo man lang kahit konti dahil sa ngipin nito tumama ang kamao pero HINDI!
Nasagot lang ang tanong ko sa nakita ko. Hindi ko maiwasan mapanganga din. Hayun sa kanyang kamao nakakagat ang mga ngipin niya---este pustiso niya. Ewwwwwww
Nakita ko ang pandidiri sa mukha ng babae kaya tinapon niya ito. Bumagsak ito katabi ng asong ngayon ko lang napansin. Inamoy nito ang pustiso at umiling nang mabilis tila baga di kinaya ang amoy mula sa bagay na ito.
"Bad Breath. Itim na nga ang budhi mo, itim din ang gilagid mo. Kinareer mo na tiyong at pati pustiso mo ay di kinaya ng aso." napangiwi ito sa mga sinabi na tila baga sukdulan ang pandidiri. Tumalikod siya para umalis subalit biglang bumangin ang nagngingitngit sa galit na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa kutsilyong nilabas niya mula sa bulsa ng pantalon niya.
Akmang aatake siya ay tumalon ang isang bagay. Este ang aso tumalon sa lalaki at kinagat ang braso ng lalaki na may hawak na patalim. Namilipit sa sakit ang lalaki subalit nakabawi din siya ilang segundo makalipas ang sakit. Iwinasiwas niya ang braso dahilan upang tumalsik ang aso kasama ang patalim.
Agarang bumangon ang lalaki at tumakbo palayo sa amin. Duwag. Sinong may bayag ngayon? Who owns the world? GIRLS!
Bigla akong namulat sa kasalukuyan nang marinig ko ang mga impit na ungol. Hindi ungol sa ano ha ? alam niyo na yun. Sumulyap ako sa babaeng kanina lamang ay nakatayo sa harapan ko. Wala na siya doon.
Nakita ko siya may malapit sa pader ng isang building. Nakadapa siya sa lupa. Lumapit ako upang magpasalamat pero biglang nanlambot ang katawan ko sa nakita. Hindi ko kinakaya ang ganitong mga eksena.
Sa harapan ko ay ang babaeng nagligtas sa akin kandong ang asong kumagat sa lalaki kanina. May dugo sa mga kamay nito--dugo ng isang buhay na nagbuwis para mailigtas siya. Isang buhay na kinakatay lang para sa katuwaan, para sa sikmura at para sa sariling interes. Naintindihan ko ang nangyari nang makita ko ang patalim na nakatanim sa tiyan niya. Mumunting hininga lamang ng aso ang naririnig. Tinignan ko ang mga mata nito na tila nangungusap sa babae. Kumikintab ang mga mata nito because of the unshed tears. Umiiyak din ang mga hayop---nasasaktan. Nakita ko kung paano tumakas ang isang butil ng luha sa mata ng aso bago tuluyang sumara ang mga mata nito palayo---palayo sa kapahamakang dala ng mundo.Malaya na siya. Sana ako din ay lumaya na.
RUTH'S POV
I cradled the little life in my arms until he fell to the most peaceful sleep one could ever have. He deserve to rest. Everyone does. But, I can't rest like him. I'm a misery by default. I need to suffer. Until then, I have to live with the consequences of the past.
YOU ARE READING
The Bitter Queen
RomanceBitter ako kaya kung ayaw niyo ng kwentong basagan at puno ng ka-ampalayahan ay wag mo nang ipagpatuloy . Read at your own risk . PS The ever bitter Bida