Chapter 3: Silhouette

45 0 0
                                    

Ruth's POV

Nandito na naman ako. Pagkatapos ng ilang taon ay nandito na naman ako. Dito mismo kung saan nakita ko ang lahat, lahat lahat ng mga nangyari.

Napatingala ako sa langit . Bagamat ang paligid ay binabalot ng matinding kadiliman ay nangingibabaw ang kinang ng mga bituin at ang liwanang mula sa buwan.

Bakit ganun? Alalang-alala ko ang lahat ng nangyari. Bakit noon ay kahit anino man lang ng buwan o bituin ay di ko nakita? Bakit kailangang ganoon ang mangyari?

Napatingin ako sa aking mga kamay. Ang mga kamay na ito ay saksi sa lahat ng pangyayari. Ang dugo ,.... ang mga luha .... malinaw pa rin sa gunita ko ang lahat lahat.

FLASHBACK ...4 years ago

"When will you stop this? Pag wala na ang lahat sa'yo?" ani mommy habang sinusundan si Daddy na nagsasalin ng wine sa red wine glass.

Niluwagan muna nito ang kanyang kurbata bago dahan dahang nilagok ang inumin saka tumingin kay Mommy.

"Walang mawawala sa akin ,Janine .W.A.L.A." He emphasized every letter of the latter. Iniwas niya ang tingin kay Mommy at tumingin sa labas.

"Hanggang ganito na lang ba talaga tayo? Hanggang kailan ako magtitiis sa lahat ng mga ginagawa mo? pambababae , alak at bisyo . Isa lang ba akong laruan sayo na gagamitin kung gugustuhin at itatapon pag nanawa ka? " Unti-unti ay nasaksihan ko ang pagbagsak ng isang luha ni Mommy. Kahit kailan di ko siya nakitang umiyak kahit sinasaktan siya ni Daddy physically o di lang niya pinapakita.

"You know the truth. Wag mong isisi sa akin ang lahat , damn it!" Pagkuwan ay itinaas nito ang kanyang kamao upang saktan si Mommy pero tumakbo ako at hinarangan si Mommy. I was 15 back then at naiintindihan ko na ang lahat ng nangyayari.

"No, Dad ! Don't hurt Mom! Ako na lang po! Don't do this Dad , please ", ang sabi ko at saka tumakbo sa kanya upang yakapin siya at pigilan sa sana'y gagawin.

Biglang lumambot ang katawan ni Dad not knowing what to do. Dahan dahan ay niyakap niya ako. Alam kong nagpapaubaya na siya . That's my Dad, he loves me so much that he's willing to give up everything.

Maya-maya pa'y may narinig kaming tila nabasag. Kumawala si Dad sa pagkakayakap sa akin at pagkuwan ay may sinilip .Hindi ko na nasundan ang nangyari . Basta ang alam ko lang ay lumabas siya at sinundan siya ni Mommy. Dahil sa kuryosidad ay sumunod din ako.

Napadpad kami sa playground na malapit sa bahay. Ang lagi kong tambayan at comfort zone pag nag-aaway sila Mommy at Daddy.Subalit sa pagkakataong ito ay tila nag-iba ang paningin ko sa lugar na ito.

Mabilis ang pangyayari at tila naging isang masamang panaginip na nihagap ko ay di pinangarap na mangyari sa akin. May mga baril , dugo at....

End Of Flashback...

"aaah!" Napasigaw ako sa sakit ng ulo ko. Parang binibiyak at tumitibok.

Ganito ako kapag nakakaalala ako ng mga bagay sa nakaraan na minsan ko nang binaon sa limot subalit pilit bumabalik at ginugulo ang buhay ko.

Napayuko ako sa sakit habang hawak hawak ang aking ulo. It has been my dilemma for years now at hanggang ngayon ay naghihirap pa rin ako sa sakit na ito.Pinilit kong abutin ang bag ko upang makuha ang gamot ko .Black dots are appearing on my sight. Any minute, I'll lose my consciousness. I was about to reach it when a silhouette appeared before my eyes.The light from the street lights blocked my vision in revealing the man's identity. Suddenly , a familiar comforting scent engulfed my nostrils before darkness took over my body.

Author's Note :

Who do you think is the man?

Hope you enjoyed! Sorry for making you wait...

The Bitter QueenWhere stories live. Discover now