----Ruth in the picture
Saniata's POV
Pagkatapos ng nangyari ay tumayo siya bigla. Tinakpan niya ito ng diyaryo. Pinagmasdan niya muna ang nakahimlay na aso bago pa man humarap sa akin.
"Saan ka nakatira?" biglang tanong nito. Nagtaka ako sa tanong niya pero sinagot ko rin naman. Sino pa bang niloko ko anes? Niligtas na nga ako di ba? aarte pa ba?hahaha ^_^
"Ilang kanto lang rito ay bahay na namin." tumango lang siya sa akin at sumunod nang magsimula na ako maglakad. Teka? sumusunod siya?
"Teka gurl, ba't mo ako sinusundan? ^_~ aber?" taas kilay kong tanong.
"Titira ako sa inyo." simpleng sagot nito. Napatango na lang ako. Teka teka? Hanudaw?Titira? kanino. Biglang lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. ganito oh O__O
"Saglit lang gurl. Alam kong niligtas mo ako pero di ibig sabihin pwede ka na mag desisyon na tumira sa akin." naglalakad kami habang kinokompronta ko siya tungkol sa pagtira sa akin.
"Wala akong pupuntahan." shemay to. Mababaliw ako sa kakapaliwanag na hindi nga pwede sa bahay. Hindi niya magugustuhan pag nagkataon.
"Aba'y wala na akong pakialam kung gayon. Hindi ka pwede sa bahay dahil sa kadahilanang..." naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang itsura niya. Mukhang determinado. Hindi siya yung klase ng tao na susunod at makikinig na lang sa sasabihin mo. May something sa kanya na di ko maipaliwanag. Siguro sa angas niya? o sa kung anumang sikreto nakatago mula sa mukha niyang pinagkaitan ata ng emosyon.
"Well?" ika nito na parang nangingilatis. Kinakalkal ang mga rasong nais ko sanang sabihin sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Yung totoo? may laser ba ang mata nito?
"hmmm...saglit lang at pag-iisipan ko gurl." pwede ko kaya siyang pagkatiwalaan sa mga sikreto ko? o isa rin siya sa mga taong mapanghusga. Kung anong nakikita, siyang pinaniniwalaan. To see is to believe ika nga nila, hindi ba? Umoo kayo't tutusukin ko mata niyo pag di kayo sumang-ayon. POV ko ito kaya maniwala kayo, gora?
"Alam ko na!...wala nang spare room." kumislap ang mga mata ko sa pagkamangha. Ang talino ko talaga! ^___^
"Sa floor ako matutulog..." walang pakundangan niyang sagot sa akin. Shemay!pinaghirapan kong isipin yun ah!
"wala kaming floor..." nice Saniata haha ^3^ mukhang natameme siya sa sinabi ko.
"maglalagay ako ng duyan." mabilis na sagot nito.
"wala kaming poste na pagtatalian mo ..." pabalik na sabi ko. Ha. Magaling kaya ako mag rason.
"maglalagay ako ng poste." O_O di ko naisip yun ah! ang galing... hmmm?
"San ka kukuha ng poste?" halata sigurong nagtataka ako. Nakatingin ako sa langit eh. Minsan, feeling ko may sagot mula sa langit kaya lagi akong tumitingala.
"tsk. bibili" eh? sabagay saniata. Isip isip muna .
"may pera ka?" siyempre, ano naman ang ipambibili niya 'di ba? malay ko ba kung perahan ako nito.
"susweldo ako" really? ano kayang trabaho nito. Wala na akong maisip na rason. Ah, alam ko na! Yung laging sinasagot ng mga katrabaho ko sa bar sa mga foreigner 'pag niyayaya silang mag-hotel.. Great idea Saniata. Close to genius na akis!
"strict ang parents ko." nilagyan ko pa ng slang para naman kering keri no. Hindi halata na carabao english haha ^__^ ( Ito po ang labas ng sinabi niya---> ishtrict ang perents ko)
"anong connect?" For the First time nangunot ang noo niya. Great job Saniata! bwahahahahaha ^__^ binubuwang na naman ata ako eh.
"di kami nag accomodate ng strangers." Oh di ba? laging panama effect ng Bouncer naming kalbo yan. Pag sinasabi daw niya yun ay naasar ang mga costumers. Baka umepek din ito sa babaeng ito.
"Ruth" ha? ano daw?
"ha?"
"name" tinatanong ba niya ang pangalan ko? halla ka ! Baka naman tomboy ito at natipuhan niya ako. Kaloka naman siya! Don't me!
"eh?"
"hay, I'm Ruth" napabuntong hininga siya saka nagsalita.
"Saniata" hayan, sinabi ko na pangalan ko din. Inabot niya ang kamay ko at nakipag shake hands.Nagtaka ako. Anong nilaklak nito at basta basta nakikipagkilala.
"Now, we're not strangers." bumagsak angg panga ko sa sinabi niya. Shemay! ano sasabihin ko ngayon? Pinikit ko ang mata ko. Bago ko ipinikit ang mata ko ay nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Kayo din siguro anes?
Kapag ganitong sitwasyon ay chinecheck ko kung ilan pa ang natitirang brain cells ko. Nakakabuwang ito kausap. Punta muna ako sa zenzone ko.(hehe nabasa ko lang po ang zenzone) Ito ang depenisyon ng katahimikan.
After 2 minutes...
Binuksan ko ang aking mga mata. Nakapag-recharge na rin sa wakas ang utak ko ^_^ soo refreshing! Tinignan ko ang paligid at nasa kinatatayuan ko pa rin ako (A.N. : Malamang -_-)
Nang sulyapan ko si Ruth ay wala na siya. Nawala ang alalahanin ko dahil dito. Pero saglit lang pala ang kaligayahan ko dahil ayun na siya at nagbubukas ng pinto. Teka! Hindi ko siya binigyan ng susi!
"Hoy, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Ano sa tingin mo?" tanong nito sa akin. Ang dali lang sagutin. No Sweat! hahaha ^_^
"Nagbubukas ng pinto!" tumalon talon ako ng kaunti dahil sa saya. Hindi lahat masasagot yun no! henyo lang----> parang ako!
Hindi na siya sumagot pagkatapos ng sinabi ko. Sa halip ay tumango lang siya ng paulit-ulit subalit marahan na para bang ngayon niya lang narerealize ang isang bagay (A.N. : ako din tatango---> aagree na bobits ka hahaha :D) Tila baga nakikipag-usap sa bata. Kulang na lang ata ay i-pat niya ang ulo ko.
Speaking---siyempre, dahil mabillis mag pick-up ang utak ko ay nilapit ko ang ulo ko sa kanya.
Ruth's POV
Nakatingin ako ngayon sa babaeng nasa harap ko. Saniata ata ang pangalan niya. Magaling akong magtago ng emosyon ko pero nasisiguro kong nakakunot ang noo ko ngayon. Litong-lito ako sa mga aksyon niya. Kung hindi ko lamang nakikita ang pisikal niyang anyo ay masasabi kong isa siyang bata. Cute at inosente ang mukha niya. Kung hindi ko lamang alam ang trabaho niya base sa kasuotan niya ay iisipin kong isa siyang anghel na binagsak lamang mula sa langit.
Hindi ko mawari kung talagang ganito lamang siya umakto o nagpapanggap lamang siya. Maraming tao na ang nakilala at nakilatis ko subalit siya ang pinakamahirap mabasa. Siguro, ito'y dahil mangilan-ilan lamang ang katulad niya sa mundong ginagalawan ko.
Mas lalong nalukot ang noo ko sa kuryusidad nang ilapit niya ang ulo niya sa akin. She's like a cat asking for her owner to pat her head. So, I did. As I pat her head, she moaned pleased of the recognition. Ang cute niya! She's a keeper. Nababaliw kaya ito kaya ganito. Parang kanina lang ay gusto niya akong paalisin.
"Halika na po Master." ika nito at biglang hinila ang kamay ko papasok sa bahay. I glared at her hand. I don't know what to feel with the sudden contact from her. Her hand is so warm and soft. Mine is cold and rough. Opposite words to describe hands but they mean a lot----> a lot more. It reminds me so much of how my world is different to her.
Nevertheless, I let her drag me inside the house hoping for something to look forward to. One would say that it's normal but in my world, it's not. It's all too familiar but my system doesn't want to recognize. One second, I felt like I'm alone in this battle. But now? I don't know anymore. She didn't let go of my hand. For once, I let her warmth conquer my fears and bitter memories.
YOU ARE READING
The Bitter Queen
RomanceBitter ako kaya kung ayaw niyo ng kwentong basagan at puno ng ka-ampalayahan ay wag mo nang ipagpatuloy . Read at your own risk . PS The ever bitter Bida