Ruth's POV
Nakahiga ako ngayon dito sa may sahig nila Saniata na may nakalatag na banig habang nakatingin sa kawalan. Maraming nangyari sa araw na ito. Hindi ko lubos maisip na maaari pa lang magkaroon ng teleserye sa tunay na buhay. Well, people are complicated with their complex mind. We are walking disasters at default. We make mess and blame it to others. Really? That's normal.
Remember when you were a child and you fell on the ground. You got your knee scraped because you didn't heed to your mom's advise to not run but you still did. Know what? Did your Mom blame you? NO! She would beat the floor and say, " Ba't mo sinaktan ang anak ko? kasalanan mo! palo kita (papaluin ang floor effect ^_^) hmp! Wawa naman ang baby ko."
Really now? One of my teachers always reminds us that parents are also at fault for that. We are taught to look for someone or something to blame to. Nadapa ka, ang sahig ang may kasalanan. Bakit? tinisod ka ba ng lupa? plain yun eh! Nasugatan ka ng kutsilyo. Sinong sinisi mo? yung kutsilyo na walang kamalay malay. Hiniwa ka kasi. Estupida!
I can't believe I'm ranting about parenting now. Maybe because I wasn't raised that way and that, I have to learn a lot more lessons than the kids my age. I matured early for some petty reasons I couldn't even comprehend. That's what the past few years of surviving a day to live made me. I'm breathing but felt so shallow inside.
Nabalik ang gunita ko sa kasalukuyan nang madaanan ng peripheral vision ko si Saniata. Tahimik lamang siya sa sulok ng maliit niyang kwarto habang kaharap ang isang lumang notebook at hawak hawak ang isang ballpen. Nakakunot ang noo nito at tila nawawala sa sarili niyang mundo. Himala ang nagyayari ngayon. Kanina lamang ay dada siya nang dada. Ngayon nama'y sobrang tahimik. May sinusulat siya sa kanyang notebook. Hindi ako sigurado kung ano man ang sinusulat niya subalit ang mukha niya---alam na alam ko ang mga ganyang hilatsa ng mukha. I know it because I've been seeing this contort of face for years now. I've seen it in my mirror countless times already when I'm all alone and the only console I get is the comfort of my own pain.
Saniata's POV
Ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang mga nangayari ngayong gabi. Nabastos ako at may nagtanggol sa akin. Ngayon, diniklera niyang titira na siya dito sa bahay dahil wala siyang mapuntahan.
Hay, buhay naman talaga oh! Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon. Kapag nalaman niya ito ay siguradong colorful na naman ang labas ko. Naalala ko na naman siya. Ilang araw na siyang hindi umuuwi sa bahay pero hindi ko rin maitatanggi na mas maayos at masaya kami kapag wala siya. Bahala na nga. Makapagsulat na nga lang.
Dear Diary,
Greetings! ^_^
Masaya ako ngayon dahil may nakilala akong bagong kaibigan. Medyo abnormal siya dahil tipid magsalita at may pagkamagaspang ang ugali pero all in all pasado na siya na maging kaibigan ko. Actually, hindi niya alam na magkaibigan kami haha ^_^ whether she like it or not, she's stuck with me. Hopeless ako? Medyo siguro. Sinong kakaibigan sa isang babaeng katawan ang puhunan para kumita ng pera?
Kakaiba siya Diary kasi hindi niya ako hinuhusgahan sa trabaho ko. Hindi niya sinumbat sa akin noong niligtas niya ako na kasalanan ko dahil ganito ang trabaho ko at ganito ako manamit. Porque , dapat manamit ako ng matino para irespeto. Lahat ba ng disente manamit ay kagalang-galang? Sinasalamin ba ng uri ng pananamit mo ang katauhan mo? Siguro pero walang makakasiguro.
Hindi naman ako ganito dati eh Diary. Alam mo yan. HInubad ko lamang ang aking damit para mabuhay. HIndi ko kailanman pinangarap na maging ganito ang trabaho ko. Mas lalo namang hIndi ko piniling maging ganito ang buhay ko. Naging makapal na ang balat ko sa patong patong na pasang natamo ko. Kotang kota na ang ulo ko sa ulan ng suntok na natanggap ko. Para sa pamilya ko, kaya kong maging kahit sino para lang mailigtas sila sa naging kapalaran ko.May mawawala pa ba sa akin? Meron at tanging ang tamang lalaki para sa akin ang makakakuha noon. Yun na lamang ang natitira para sa sarili ko kahit ganito ang trabaho ko.
YOU ARE READING
The Bitter Queen
RomanceBitter ako kaya kung ayaw niyo ng kwentong basagan at puno ng ka-ampalayahan ay wag mo nang ipagpatuloy . Read at your own risk . PS The ever bitter Bida