Naaalala mo pa ba?

447 12 12
                                    

"The most stupid thing in the world is acting like a  friend  to the person you love?

  Naaalala mo pa ba? Ako kasi tandang-tanda ko pa, parang kahapon lang nangyari. Ikaw ba tanda mo pa?

 
  Naaalala mo pa ba nung bagong lipat ka pa lang? Transferee ka kaya walang pumapansin at lumalapit sayo. Nilapitan kita kasi naaawa lang ako sayo.

Tanda mo pa ba? Ako kasi tandang-tanda ko pa.

********

"Hi!"  Bati ko sayo. Mag-isa ka lang kasi sa upuan kaya nilapitan kita.

" ..........."

"Gusto mong sumabay sa 'kin kumain sa canteen?"  tanong ko muli sayo.

".........."

Isang katahimikan na naman ang nakuha kong sagot mula sayo.

Ni- simpleng "hello" , "sige" o kaya tango wala akong nakuha kaya nung araw na 'yon nainis ako sayo kasi ikaw na nga 'tong nilalapitan ikaw pa 'tong walang ganang sumagot.

Kaya tinaga ko sa bato na hinding-hindi na ko maaawa sayo, hinding-hindi na...

********
  
    Naalala mo pa ba nang ginamot ko ang mga sugat mo? Yun ang unang beses na nagkausap tayo. Yun din ang kauna-unahang beses na narinig kitang magsabi ng "salamat".

Ano? Tanda mo pa ba? Ako kasi tandang-tanda ko pa.

  Alam mo ba kinain ko lang lahat ng sinabi ko tungkol sayo. Sabi ko hindi na ko maaawa sayo, pero sadya yatang napakalambot ng puso ko kaya heto ako sa tabi mo ginagamot ang 'yong sugat.

**********

"Aray! Dahan-dahan naman masakit kaya!" Daing mo.

  "Pasensya na ah! Ako kasi yata ang may kasalanan kung bakit ang dami mong sugat sa mukha. Tsk." Sarkastiko kong sagot.

"Ikaw nga.." Bulong mo habang nilalagyan ko ng betadine ang mga sugat mo sa mukha.

"Huh?"

"Wala! Sabi ko ang pangit mo kaya bilis-bilisan mo lang d'yan kasi naalibadbaran na 'ko sa pagmumukha mo!" Masungit mong saad.

Parang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi mong 'yon.

"Wow ha! Thank you sa tulong! Thank you talaga!" Padabog akong tumayo at akmang aalis na pero...

"Teka,saglit lang." Hinawakan mo ang braso ko, habang nakatingala sa akin. Bigla ka na lang tumingin sa ibang direksyon.

"Sa--Salamat...Salamat pala sa tulong mo." Pagkatapos ay tumingin ka sa akin nang nakangiti habang namumula, dahil sa hiya.

Lub dub..Lub dub..

  Hindi pwede 'to, kailangan ko na yatang lumayo.

**********

   Naaalala mo pa ba nung birthday ko? Binigyan mo ko ng isang kulay puti na rosas. Sabi nila, espesyal ka daw sa isang lalaki kapag binigyan ka nila ng bulaklak. Espesyal na ba ako sa 'yo?

    Tanda mo pa kung ano ang mga sinabi mo n'on? Ako kasi tandang-tanda ko pa.

**********

"Happy Birthday!!" Masigla at nakangiti mo sa 'king bati noon. Kakapasok ko pa lang ng room at laking gulat ko nang ikaw agad ang sumalubong sa 'kin at may hawak ka pang isang kulay puting rosas.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon