Warning: This story contains SPG (Language) parts that may not be suitable for very young readers. Parental guidance is adviced. Read at your own risk!
♪•••••••••••••••••♥•••••••••••••••••♪
February 11, 2015
Nagkakilala tayo sa isang program sa University.
Haggard na kami ng mga kaklase ko since wala na kaming maupuan. Ang crowded na kasi kaya napagdesisyunan na naming sa bleachers na kami pumwesto.
Habang nagkakagulo yung mga kaklase ko, napansin kita sa stage. Inaayos mo yung gitara mo pero nakatalikod ka sa audience. Hindi ko alam kung bakit pero nakatingin lang ako sayo mula sa kinapupwestuhan ko, which is likurang part ng campus gymnasium. Malayo rin ang distansya natin sa isa't isa kasi nasa harap yung stage tapos nasa likod kami ng gym.
Pero kitang-kita ko nung lumingon ka sa pwesto namin.
Nagkatinginan—no. Nagkatitigan pa nga ata tayo. Or baka imagination ko lang. Basta.Ewan ko.
Tumugtog yung banda nyo. And since I'm fond of bands, I shouted the lyrics with you.
Minsan nakikita kong sumusulyap ka sa lugar namin tapos ngingiti ka na lang bigla. Kinikilig tuloy mga fangirls mo.
Pagtapos nung program nagmamadali nang lumabas lahat ng estudyante.
Pwera sakin.
At sa kaibigan kong nahumaling sa drummer nyo.
Nakatanaw pa ko sayo mula sa bleachers ng gymnasium. Nag-aayos na kayo ng gamit nyo
Bababa na ko ng bleachers nang bigla mo kong tinawag.
Nung una hindi ko pa alam kung sinong tinatawag mo. Pano ba naman kasi, tama ba namang sumigaw ka ng "Ateng nakat-shirt na Green Day! Ateng naka-ripped skinny jeans!! Ateng silver hair!!!"
Sino ba namang matinong tao ang tatawag ng ganun sa hindi nya kilalang tao.
Pwera sakin, syempre ikaw.
Lumingon ako pagkasabi nya ng silver hair. Ako lang naman ang nangahas na magpakulay ng silver sa university since against campus rules yun (tita ko ung principal kaya nakakatakas ako).
Nakita kitang tumatakbo papalapit sakin. Nagpasalamat ka sa support ko sa inyo kanina.
Una kang nagpakilala. Sabi mo pa nga ikaw si Billie Joe. Ang vocalist ng Green Day.
Natawa ko sa sense of humor mo. Ginaya mo pa nga yung itsura nya sa mv ng American Idiot. Tumalon talon ka pang parang baliw dun na rock star.
Nagpakilala din ako syempre. Sabi ko naman ako si Taylor Swift.
Nagtaka ka. Sabi mo akala mo fan ako ng Green Day.
Sabi ko naman, "Medyo fan ako ng Green Day since idol sila ng idol ko pero slightly Swiftie rin ako. More on 5 Seconds of Summer kasi ako."
Natuwa ka sa sinabi ko.
Nalaman ko na fan ka rin nila.
Nag-usap tayo tungkol sa iba't ibang bagay. Naiwan na ko ng mga kaibigan ko kasi di ka papaawat sa kwento. Naiwan ka na rin ng mga kabanda mo sa sobrang bagal mo raw. Tigil din daw sa landi pag may time.
Humaba yung usapan natin hanggang maghapon na. Nagsasara na yung ibang booths nang matigil tayo sa kwentuhan.
Hiningi mo ang number ko tapos binigay mo sakin yung number mo. Hindi naman ako nakapalag kasi kinuha mo na kagad yung cellphone ko.