I'm Alright

233 7 7
                                    

"Oh! New York City, what a beauty to our eyes."

It's been three years since I went here, I enjoyed staying here. I love my job, my freedom and my life here, but I think it's time for me to go back to the place where I really belong.

~~~~~

"IM BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAACK!" sigaw ko habang tinatakpan ang mata ng taong naging dahilan ng biglaang pagbalik ko dito.

"Surprise!" natatawang sabi ko habang habang tinitingnan ang mukha niyang gulat na gulat at nagtataka.

Pero parang ako pa ata ang nasurprise ng bigla nyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko at sinabing " ah Miss, sino ka?"

"Haha grabe patawa ka talaga Enzo! Pero sige kunwari na lang naniniwala ako sayo. *ehem* Hello! I'm Irish! I'm back!" Para namang bigla siyang natauhan ng marinig ang pangalan ko.

"Ah ha-ha, he-he. Irish ha-ha" pagkatapos niyang sabihin sa weird na paraan yung pangalan ko bigla na lang nya akong niyakap.

"Welcome back!" rinig kong bulong nya habang yakap ako.

Bakit kaya parang ang weird nya ngayon?

~~~~~

We spend most of our time together. Masaya. Masaya ako syempre, kahit sino naman siguro masaya pag kasama yung taong mahal nila diba?

Pero sa kabila ng pagiging masaya ko hindi ko din maiwasang mapansin na ang daming nag-iba sakanya. Hindi ko alam kung napapraning lang ako o ano. Iniisip ko na lang na siguro natural lang na may nagbago sakanya dahil matagal-tagal din kaming di nagkita.

Pero hindi eh kagaya na lang kahapon,

"Enzo! tara kain tayo ng fishball. Libre mo ha! Ang tagal ko na kasing di nakakakain niyan eh." hila ako ng hila sa kanya pero ayaw naman niyang gumalaw sa kinatatayuan nya.

"Wag na diyan Irish. Kita mong madumi yang mga yan baka magkasakit ka pa."

"Ha? Eh diba favorite mo yan?"

"A-ah? A-ano kasi, naisip ko lang na masama pala yan sa kalusugan natin. kaya sa iba na lang tayo kumain ok?"

Sumunod na lang ako, pero ang totoo nagdududa talaga ko sa mga kinikilos nya kasi dati favorite niya yung fishball. As in, nakikipag-agawan pa nga yan sakin pag kumakain kaming dalawa.

Haaaay hayaan na nga para fishball lang naman. Siguro dapat maging masaya na lang ako kasi magkasama kaming dalawa.

Kagaya ngayon, nandito kami sa tapat ng church na lagi naming pinagdadasalan tuwing Friday. Sa totoo lang isa lang naman ang pinagdadasal ko sa tuwing pumupunta kami dito, yun ay ang makasama ko sya habang buhay at sana kami na talaga ang para sa isa't isa.

"Huy! Tara na pasok na tayo." siko ko sakanya kasi naman kanina pa kami nakatayo dun sa may pintuan. Nakakahiya naman na nakaharang lang kami dun.

"A-ah ano kasi, pwede bang ikaw na lang muna. May kailangan kasi akong puntahan na mahalaga." sabi nya sakin habang nakatingin sa phone nya.

"Huh? Pero di ba pwedeng kahit sandali lang. Kasi diba nangako tayo na dapat lagi tayong magkasamang magdadasal dito?" pilit ko sakanya pero tinulak lang nya ako ng marahan papasok sa simbahan saka sya tumakbo paalis.

~~~~~

Naglalakad lang ako kung saan saan at di ko alam kung saan na ko napunta. Ewan ko ba, pagkatapos nya kong iwan dun sa may simbahan nagdasal lang ako sandali at umalis na din agad. Sa totoo lang nasaktan ako sa ginawa niya. Sabihin niyo ng ang babaw ko pero kasi nangako kami sa isa't-isa noon eh.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon