"Ang gulo kanina sa bahay." Mangiyakngiyak na pagsasalaysay mo sa akin. "si nanay naglayas, tapos si tatay pumunta nanaman sa babae nya."
"Okay lang yan. Maayos din ang lahat." Pagpapatahan ko naman sayo.
"Salamat talaga BES." sabi mo naman sakin. Alam mo bang sa bawat oras na sinasabi mong BES ay sobra yung sakit na nararamdaman ko?
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
January 9, 20**
Hi Angeline! Siguro pagnabasa mo ang sulat ko na ito ay naka-graduate na tayo ng high school.
Hayaan mo akong pagpakilala ulit sayo. Ako nga pala si Nico short for Nicolas. Yung BESTFRIEND mo?
Gusto ko lang ipaalam sayo na gusto kita since first day pa.
"Pare tignan mo yung pumapasok oh. Ang ganda pare" sabi ni Seth na nasa likod ko lang. Nang tumingin ako sa corridor nandoon ka nakatingin sa gawi ko.
Those pair of stunning eyes, your perfectly pointed nose and your kissable lips .At first, I thought that you are an angel fallen from the sky.
"Nico, nakikinig ka ba?" nagising ako sa mula sa aking pag-iisip ng bigla akong tanungin ni Andrew.
Since napansin kong wala nang ibang upuan sa klase natin kaya mukha kang napilitang umupo sa tabi ko.
"Hi I'm Nicolas." Pagpapakilala ko sayo noon at mukang natatakot o nahihiya ka pa sakin.
"Angeline" sabi mo sa akin habang nakalabas ang mga mapuputi mong mga ngipin.
"Grabe ka naman. Bago lang yan pinormahan mo na agad." pabirong pagbulong ni Shawn sa akin. Di ko na sya pinansin.