"Hey Bro! Sama ka bukas sa Convention, laro tayo basketball kasama ang tropa." pang-aaya ni Ken kay Alex.
Si Ken ay isang varsity player sa kanilang school. Lapitin ng babae, pero may pagka-torpe pagdating sa panliligaw. Kaya si Alex, ang best friend n'ya at isa ring varsity player, ang laging sumasalo sa kanya kapag na-babasted ito ng mga chiks sa school.
Sila na yung best partner in trouble sa section nila, dahil kapag nilaglag ang isa, nandyan si espren, para saluhin s'ya sa kanyang mga kalokohan. Minsa'y parehas pa silang sumasabit kaya laging napapatawag ang parents nila sa principal's office ng school.
Naging magbestfriend sila since na maging mag-classmate ang dalawa noong Grade 7 days nila, magpahanggang ngayon.
One night, habang naglalakad sa masikip na eskinita si Alex galing school. Napa-isip na lang s'ya kung liligawan ba n'ya si Jane, isang girl hottie sa school at homecoming queen ng prom nila. Siya ang laging nasa isip ni Alex, maging sa pagtulog nito. Masyado s'yang desperado at habol ng habol kay Jane.
Nangingiti s'ya habang naglalakad pauwi, pero saglit lang----
May narinig s'yang tunog ng nabasag na pinggan mula sa malayo. Malakas ang tunog at mukhang may nag-aaway.
"Hindi kaya? Siguro si Mommy and Daddy nanaman iyon!" kumaripas s'ya ng takbo pauwi at nakita n'yang ang parents nga n'ya ang nag-aaway.
Hawak-hawak ng Mommy n'ya ang isang kumpol ng damit at inihagis sa kahiya-hiyang mukha ng ama nito.
"Mammaaaa!? Tama na 'yan." sigaw n'ya mula sa malayo papunta sa kanyang Mommy .
"Anong ginagawa mo dito!? Hindi kita ama, manloloko ka. Matapos ang ginawa mong panloloko kay Mommy, nakuha mo pang bumalik at sasabihing nagbago ka. Tarantado! Lumayas ka sa poder namin, hindi ka namin kailangan. Doon ka sumama sa haliparot mong kabit!" nanggagalaiti sa galit si Alex at hindi na s'ya nakapagtimpi sa sinabi n'ya.
Sumama sa malandi at GRO na kabit ang kanyang ama. Kahit sabihin man natin na lasing s'ya noong mga oras na iyon. Nabuntis n'ya ito, at ganoon din ang lagay ng kanyang legal na asawa.
Araw-araw na tumatawag ang Mommy ni Alex sa Daddy nito, ngunit hindi ito sumasagot sa kanyang mga tawag. Laging na-iistress ang mommy n'ya sa kaiintay nito sa kanya gabi-gabi. Laging itong umiiyak, sa kung anuman ang ginagawa ng Daddy n'ya sa trabaho.
May araw na walang pasok sa trabaho ang Daddy n'ya kaya nagpunta ang GRO n'yang kabit sa bahay ni Linda (Mommy ni Alex) at naglandian sa bahay nito. Saktong dumating si Linda, galing sa grocery kasama ang nanay n'ya----
...laking gulat n'ya kaya s'ya napahagulgol ng malakas dahil ang minahal n'yang asawa ay may kabit pa lang kinakasama at dinala pa n'ya sa bahay. Hindi napigilan ni Linda, na hampasin at sabunutan ang kabit nito kahit na nagdadalang-tao s'ya kay Alex.
Hindi nakayanan ni Linda ang nangyayari kaya, pinaalis n'ya si Mike (Daddy ni Alex) at pinasama sa kabit nito. Hinang-hina si Linda, sa dinatnan n'ya sa sariling pamamahay. Hindi n'ya kinaya ang tensyon kaya-----
Nakaramdam ito ng pananakit sa kanyang tiyan, na animo'y manganganak na. Tumawag nang tulong ang Ina n'yang si Teresita sa mga kapit-bahay para dalin sa ospital ang kanyang anak.