Loving You

48 1 1
                                    


"Elle, can we please talk for a while?" bulong ni James sa aking tabi ngunit hindi ko na lamang siya pinakinggan. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawang pagsulat ng mga notes sa aking kwaderno.


"Elle, please—." Hindi nya na natapos ang kanyang pagmamakaawang kausapin ng ako'y agad tumayo at naglakad patungo kila Alison, ang aking kaibigan.


"Elle, magtapat ka nga. Hiwalay na ba talaga kayo ni James?" tanong niya.

Napatitig na lamang ako sa malalaking patak ng ulan sa labas kasabay nang pagbuhos ng mga alaalang dapat ko nang kalimutan.


Tag-ulan na naman at bilang tamad na estudyante, di ko na naman dinala ang aking payong.


Napabuntong hininga na lamang ako habang pinapanood ang mga malalaking patak ng ulan. Kailangan kong umuwi nang maaga para matulungan ko si mama. Kung kaya't sumugod ako sa ulan ng walang pag-aalinlangan.


"Elleanor, baka naman magkasakit ka at magalit pa sa akin si tita." Tumigil ang pagpatak nang mumunting tubig ulan sa aking mukha at itiningala ang aking mga mata upang matagpuan kung saan galing ang boses na iyon.


Si James, ang aking kababata, ang aking kaibigan at ang aking "crush". Nahigit ko ang aking hininga nang titigan ko ang pares ng kanyang mapupungay na mata.


"James."tanging nasambit ng aking bibig.


"Tara na at baka lalo pa tayong mabasa. Ayun nga pala si Papa." Turo mo sa iyong amang naghihintay at nakatingin sa ating gawi na para bang sinasabi na ating bilisan.


"Elle to Earth, Earth to Elle. Hello?" Tinig ni Alison na nagpagising sa akin mula sa malalim na pag-iisip.


"Ali babessss!" patiling tawag ni Jacob na papapalapit sa amin ni Ali. Agad nya namang niyakap si Ali at agad kumalas.


Laking gulat ko nang yumakap din siya sa akin at sabihing, "Elle, sana maging okay ka na." at kumalas mula pagkakayakap.


Nagulat ako nang gamitin niya ang tinig na matagal kong hinanap mula sa isang tulad nya. Tinig lalaki na kahit kailan ay hindi ko narinig kapag si Ali ang kanyang kausap. Napatitig ako sa kanyang mukha. May itsura sya at tiyak na mas matangkad sa akin ngunit ang problema ay gusto nya rin ang mga gusto ng mga kababaihan.


"Bakla, may payong ka?" tanong niya kay Ali at tanging tango lang ang sinagot ng dalaga sa kanya. "Ikaw?" baling nya sa akin.


Wala akong payong. Hindi ako nagpapayong kung kaya't napailing na lang ako bilang sagot sa kanya.


"Ikaw talaga bakla, kelan mo ba balak bumili ng payong ha? Girl?" tanong niya sa akin at bumalik na naman ang kanyang tinig sirena.


"Mga beks, di nga pala ko sasabay today kasi nga you know tinext ako ni boyfie." Dahilan ni Ali at biglang naglaho sa aming harapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon