Chapter 12

255 18 0
                                    


Chapter 12

Ellisse POV

"Ang tagal yata ni Nicole?" Tanong ko kay Kristel na nguya ng nguya.

"Pansin ko nga, knowing her? Baka makakita lang ng langgam sa daan yun ay magtatakbo na iyon"

Napatingin ako sa kanya "you're exaggerating" wika ko sa kanya. "Bakit di nalang natin siya hanapin?" Tanong ko "okay lang naman kung aya-"

"Sinong nagsabing ayaw ko? Come on!" Biglaan naman itong tumayo at naglakad patungo sa gate ng cafeteria. Napailing pa ako ng makitang natalisod siya sa sarili niyang kagagawan.

"Ouch!" Napatingin siya sa kanyang singsing, kaya natuon din ang pansin ko sa kanya.

"Bakit?"

"Wala, Kumirot lang siya ng onti" tukoy niya doon sa singsing niya.

Maya-maya pa ay may nararamdaman akong kakaiba sa singsing ko. Medyo nananakit ito at parang iniipit ang daliri ko.

"Nafeel mo din ba?" Napatingin ako sa kanya nang nakakunot noo, Itinuon naman niya ang pansin sa singsing. "Hindi ko alam ang ibig sabihin nun, but I sense danger. Someone is in danger"

"Should we find the one who is in danger?" Tanong ko.

"I guess so" saka kami nagtatakbo palabas sa building kung nasaan kami kanina. Nagkatinginan pa kami nang sabay naming tinahak ang gate ng academy. I think were thinking the same thing.
Hindi naman sarado ang academy para sa mga estudyanteng gustong lumabas-masok, pero may mga oras lang. At sa case namin, napakaswerte dahil break time natapat itong nangyayari sa amin ngayon. At pag sinabi kong academy, itong eskwelahan lang namin. Hindi kami pinapayagang lumabas ng eskwelahan. Pero sa paglabas namin rito ay bubungad ang munting bayan rito. May mga malls din dito sa loob. Nagmistula itong subdivision.

Parehas lang kaming tumatakbo ni Kristel hanggang sa napadpad kami sa kakahuyan malapit lang sa main building, napapaligiran kasi ng malalaking puno ang eskwelahang ito. Itong kakahuyang napuntahan namin ay parang gubat pero hindi as creepy nung dark forest sa loob mismo ng academy area.

"Tama ba tayo ng napuntahan?" Tanong ni Kristel sakin. This time ay naglalakad na lang kami.

"I guess so" sagot ko nalang,baka magkataong maligaw kami dito. Hindi kaya trap lang ito ng mga estudyante dahil galit sila samin kasi natalo namin yung mga chosens? Sinwerte lang naman kami sa pagkakataong iyon.

"Bakit may bahay sa gitna ng kakahuyan?" Napatingin ako sa harap ng magsalita si Kristel. Tama nga siya, may bahay sa harapan namin ngayon. Pero bago makapasok doon ay may gate pa at napapaligiran ng mga halaman. Sinubukan kong hawakan ngunit tila nakuryente ako kaya napabitaw ako at napahawak sa kamay ko.

"Anong kailangan niyo sa akin?" Isang matanda ang lumitaw sa harapan namin, at ngayon ay nasa likod na niya ang gate. "Sino kayo? Bakit kayo nandito?" Hinead to toe niya kami ni Kristel at tila ba iniscan ang kabuuan namin. Kumunot ang noo nito at hinawakan akong bigla sa braso. "Ikaw! Kayo! Kayo ng tatlo mo pang kaibigan." Sinubukan kong kumawala sa kanya ngunit masyado siyang malakas para sa isang matanda. Sinubukan din tanggalin ni Kristel ang pagkakahawak sakin nung matanda pero nabigo lamang siya. "Kayo ang babago ng lahat! Sa inyong lima magaganap ang pagbabago!" Patuloy pa nito na tila kontrabida sa isang fairytale. Pero hindi iyon ang dapat kong intindihin ngayon. Nalilito ako sa mga sinasabi niya "Kayo ang mga napili!" Tila nagtatangis nitong sabi. Bakit ba parang galit na galit siya?

"W-wala po akong alam sa mga sinabi ninyo" Wika ko.

"Yeah! Wala kaming nalalaman sa mga sinasabi niyo old woman!" Sa sinabi naming iyon ay tila ibinalibag ng matanda ang braso ko kaya napaupo ko. Dahan-dahan akong tumayo habang hawak ang braso kong hawak niya ng sobrang higpit kanina.

The Chosen WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon