Chapter 16

200 18 0
                                    

Chapter 16

Serenity POV

It's break time at napagdesisyunan naming kumain muna sa cafeteria. "Pwedeng makiupo?" Napa-angat kami ng tingin sa lalaking nagtanong sa amin.

Tumaray si Kristel saka sumagot "Bawal"

"Salamat" ipinagdikit nito ang lamesa sa kabila sa lamesa namin saka ay naghagilap ng upuan kung saan uupo sila ng mga kaibigan niya.

"Bakit ba kayo nandito?" Iritang tanong ni Glyza.

"Ahh kakain?" Sagot nung isa. Napakunot naman ang noo ko sa kanila.

"Who the hell are the all of you?" Nagkaroon ng katahimikan sa table namin ng magsalita ako.

"Well miss, I'll introduce my precious friends. But before that let me introduce myself." Tumayo ito " I am Myers Breeze Fabervale" saka ito nagbow ulit "I prefer Myers by the way." Ngayon ay naupo na ito "This guy here is Reese Darius Colbert" turo niya sa katabi niya "That's Nigel Timothy Delavar" turo niya dun sa katapat kong upuan na nasa gitna din. Alam ko na ang pangalan niya, its just that I think Im not comfortable. "Nixon Schewerin and Yves Osialrim" there's an awkward silence after that. Ang tanging maririnig na tunog ay ang kutsara at plato ni Ellisse na prenteng kumakain.

"Are you gay?" Prankang tanong ni Glyza sa kanya. Nagsimula namang magtawanan yung barkada niya.

"Anak ng, lagi nalang akong napagkakamalang bakla! Ang gwapo-gwapo ko para sa isang bakla!" Sagot nito at nafrufrustate na humalumbaba.

"Sa panahon ngayon, mas gwapo pa ang bakla kaysa sa mga totoong lalaki." sagot naman ni Nicole na nakikitawa sa kanila.

Napataray nalang ako sa kanila at nagsimula na ding kumain, pero bago ko pa masubo yung kakainin ko ay naagaw ng atensyon ko si Nigel. He's staring at me!

It's uncomfortable.

"C-cr lang ako" sabi ko sa sakanila. Hindi ko alam kung bakit ako nautal. Ugh

Tumayo na ako at naglakad patungo sa kung saan ako dadalhin ng paa ko.

"Sere!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. That's Kristel "Doon ang daan papuntang cr oh" turo niya sa kabilang daan. Napataray nalang ako sa kanya saka tinahak ang kabilang daan.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ang cr, kaya nagpatuloy nalang ako sa paglakad hanggang sa mapunta ako sa hindi mataong lugar sa academy na ito.

Napatili ako nung may biglang humawak sa braso ko. Yup, tumili ako. "Sumama ka sa akin." pilit niya akong hinihila at pilit ko ding hinihila ang sarili ko mula sa kanya.

Natatakot ako. For freaking sake I'm scared right now! Why?

He's wearing a black cloak! He's one of the black cloaked guy! "You!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses nun.

It's Nigel

"N-nigel" Usal ko. Hindi ko alam ngunit parang nakita kong nag-aapoy ang mga mata niya.

"You wouldn't like it when I got angry. Let.go.of.her" madiin niyang salita sa lalaking hawak ako ng mahigpit sa braso. He smirked at Nigel at mas hinigpitan ang hawak sa braso ko. Napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak niya.

Natatakot ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Feeling ko anytime ay mahihimatay na ako.

Sabay-sabay kaming napatingin sa lupa ng yumanig ito. Hindi ganun kalakas ngunit sapat para matumba kami. Anong nangyayari?

Tatakbo na sana ako papunta kay Nigel pero nahawakan nanaman ng lalaki ang braso ko. Feeling ko mababali ang buto ko sa pagkakahawak niya. Mas lalo akong natakot, mas lalo ding tumindi ang pag-yanig ng lupa.





The Chosen WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon