Chapter 14

211 21 0
                                    

Chapter 14

Serenity POV

"Ano ba nangyayari Serenity!" Tanong ni Kristel saakin nang makapasok kami sa tinutuluyan naming dormitoryo.

"No, What the freak is happening!?" Balik tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko silang apat. Nakaupo sila sa sofa samantalang ako at si Kristel ay nakatayo. Si Nicole ay nakayuko. Si Ellisse tahimik na pinagmamasdan kami at si Glyza nakatuon ang pansin sa mga kuko niya.

"Ano bang ikinapuputok ng butsi niyo?" Tanong ni Glyza, nakatutok pa din sa kuko niya.

"Bakit hindi niyo itry na kumalma at saka natin ito pag-usapan ng maayos" saad naman ni Ellisse

"Well, we're not like you. Who is always calm!" Sigaw ko sa kanya. Call me whatever you want but I can't control my temper now. Ang daming bumabagabag sa utak ko. You can't expect me to be calm!

"Then, if you don't want to calm down. Better watch how this house collapse" napatingin ako sa paligid. Nagwawala ang hangin sa paligid namin at tila umuulan, may kaunting pagyanig din ng lupa.

Ugh, naiinis ako sa sarili ko. I sometimes can't control my emotions.

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng may sunod sunod na katok dito. "Using your power is not prohibited, but you should control it please! Nagwawala ang elementong hawak niyo o kung sino ka mang hindi makontrol ang sarili. Come on!Baka mawasak nalang itong girls dorm maya-maya!" Her voice sounds familiar...

"Its Mystica" Saad ni Glyza "Calm your ass there Sere, wala ka na sa mansion niyo kung saan pwede mong gawin kung anong gusto mo."

Tinalikuran ko sila at dumiretso sa kwarto ko "K-kung nabobother ka sa nangyayari, I-I t-think it is all because of the rings. J-just go out there i-if you want to d-discuss it with us, cause it bothers m-me too." That's Nicole's voice. Narinig ko ang mga yapak niyang papalayo

Saglit akong napaisip at saka tinakpan ng unan ang ulo ko. Why does it stress me so much?

Napatingin ako sa singsing na suot ko. "You freaking ring. You're such a trouble!" Ugh, nababaliw na yata ako. Pati singsing ay pinagbuhusan ko ng galit ko.




Nigel POV

It all started that day.

/FLASHBACK/

"Nigel can I trust you on this?" Tanong sa akin ng mga magulang ko.

Inatasan kami ng mga kaibigan ko para sa isang misyon. Isang misyong babago sa lahat.
Isang misyong maaring maglagay sa amin sa peligro. "Kayo ng mga kaibigan mo, Kayo ang nangunguna sa inyong akademya. Tama ba?" Tumango ako sa sinabi ng aking Ina. "Maasahan ba namin kayo?" Sa totoo lang ay iba ang nararamdaman ko sa misyong ito. Napabuntong hininga ako at saka tumango.

Nandito kami ngayon sa lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga hari at reyna ng bawat kaharian. Ngayon ay ipinagkakatiwala nila samin ang misyong ito. Kami ng mga kaibigan ko ang representative mg bawat kaharian.

Ngumiti sa akin ang reyna at saka gumawa ng portal patungo sa Mortal Kingdom. Ang mundo ng mga tao.

Isa-isa kaming pumasok doon hanggang sa lahat kami ay nakatawid na at naging hudyat sa pagsasara ng portal. "May hindi tama" Wika ni Nixon.

Talagang may hindi tama. Wala kami sa mundo ng mga tao,nandito pa din kami sa isang bahagi ng buong kaharian. Nasa kakahuyan kami malapit sa akademya. "Bakit dito tayo napunta?" Tanong naman ni Nixon.

"Napaglaruan yata tayo" Sagot naman ni Reese.

"Kung sino man ang may gawa nito, hindi ba niya alam na napakapeligroso ng ginawa niya?Maari siyang maparusahan!" Sigaw ni Myers.

"May paparating" ang tangi kong sagot sa kanila.

Isang matandang babae.

"Ipagpaumanhin ninyo, ngunit hindi ko kayo pinaglalaruan." Bungad nito at yumuko sa amin "Hindi kayo maaring magpunta sa lugar na iyon." Tiningnan niya kami isa-isa. "Kailangang masunod ang nasa propesiya" napakunot ang noo ko. Kung ganon isa siyang--- "Ako ay isang oracle, Marahil alam ng mga hari at reyna ang tungkol sa propesiya. Bukas na bukas ay may darating na mula sa mundong iyon. Magiging konektado sila sa inyo, sa bawat isa sa inyo. Kailangan ninyong maghanda. Ang bawat mangyayari ay hindi nangyari ng walang dahilan. Ang lahat ng ito ay itinakda at itinadhana."

Noong araw din na iyon ay dumiretso kami sa akademya. "May transferees" salubong samin ng isang lalaki na hindi ko kilala.

"Oh, hi. We're the transferees and we are the chosen warriors" bungad sa amin nung mga bagong babae, halata ang pagkagulat sa mga kaibigan ko ngunit pinanatili ko ang ekspresyon ko.

She's lying. I smirked at her.

There's a rain above them. They keep on running but they can't escape that!HAHAHA.

Nang sumapit ang dilim ay nagpunta na kami sa palasyo namin. Kung hindi niyo maitatanong, anak ako ng pinakamataas na royal sa kaharian. Tama kayo, isa akong prinsipe.

Pagdating namin doon ay ipinaalam na namin na hindi namin nahanap ang mga itinakda. Halata ang pagkadismaya nila ngunit di kalaunan ay naintindihan nila. Sa totoo lang ay kung natuluyang hanapin namin sila baka abutin kami ng 10 years. Mahirap hanapin ang mga chosens depende na lamang kung may lahi kang dark minion.

Kinabukasan, Ay napagpasyahan kong maglakad-lakad ngunit nagdulot pa iyon ng pagkainis ko. Nadamay ako sa kasalanang hindi ko ginawa.

Hindi sinasadyang napadaan ang reyna ng elemento ng tubig kung saan may nagkakagulong mga kalalakihan. Sa kadahilang hindi sinasadya, hindi sinasadyang naroroon ako nung panahong natamaan ang reyna. Itong reyna kasi ng elemento ng tubig ay ugali ng mag ikot-ikot sa kaharian tuwing hapon.

Dahil sa nangyari ay mapaparusahan ako, sa kadahilanang nasa lugar ako kung saan naganap ang pangyayaring iyon.

agad-agad akong bumalik sa akademya pagkatapos ng pakikipagkausap kay Mistress Scarlet. Nang makarating ay may bago nanamang chismis. May transferee nanaman daw. Hinayaan ko silang pagtsismisan ang mga bagong salta hanggang sa tinamaan ako ng pagkabagot. Sa oras na ito ay dinadala na ni Mystica ang mga bagong salta sa head office.

Napasmirk nalang ako sa naisip ko. Tinawag ko ang isa sa mga lalaking hindi ko kilala at inutusang gumawa ng illusion sa dadaanan ni Mystica. Naging madali naman ito at natrap kaagad. Ngayon ay nakikita ko nang hinahatid ni Ezimae ang mga bagong salta sa dormitoryo nila. Pagkakataon ko na ito!HAHAHA!

Nagbato ako ng kumukulong tubig sa direksyon nila pero isang babae lamang ang natamaan.Nasira ang damit nito. Dahan dahan itong humarap at ramdam ko ag itim na aura na nakapalibot sa kanya. Naramdaman ko ang pagdating ng mga kaibigan ko at tumabi sila sa akin ganun din ang ginawa ng mga babae.

Hindi ko akalaing ng dahil sa pagtatagpo naming iyon ay may mangyayaring kakaiba.

Nang makamove on na ang lahat ay dumiretso ako sa aming dormitoryo. Doon ko nakita ang kakaibang nangyari.

May humapdi sa kaliwang palasing-singang daliri ko.

Singsing? Hindi ko maalalang nagsusuot o nagsuot ako ng singsing. Sinubukan ko itong tanggalin ngunit parang mas matatanggal pa ang daliri ko kaysa sa singsing.

Hindi ko ito sinabi sa aking mga kaibigan sa pag-aakalang wala lamang ito.






------ Flashback ends

"Ang ibig mong sabihin noon pa lamang ay nasasayo na yan?" Tanong ni Nixon. Tumango na lamang ako.

"Bakit?"tanong ko sa kanila.

"Mayroon din kami" sagot ni Reese.










-REVISED-

-------

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.THANKS!






The Chosen WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon