Chapter 17

178 13 0
                                    

Chapter 17
     

Nigel POV

"Anong meron din kayo?"

"Meron, meron din kami!"

Nanlalaking mga matang napatitig ako sa kanila "May regla kayo?" Sabay-sabay naman silang napafacepalm sa sinabi ko.

"Tigilan mo nga muna ang kacornihan mo. Magseryoso ka nga muna."

Bumaling naman ako kina Reese "Kailan niyo nalaman na may mga singsing din kayo?"  Tanong ko.

"Nitong tulog ka mula sa pagkakaparusa mo." Sagot ni Yves

"Sa tingin mo ano itong nangyayari sa atin?" Tanong ni Reese.

Napaisip naman ako .Ano nga bang nangyayari samin? Itong singsing na ito at ang pagkakagising kong agad mula sa parusa kong dalawang araw dapat ang itatagal.

Nakita kong bumuntong hininga si Yves. "May nabasa ako sa isang napakalumang libro sa library" siya kasi ang bookworm sa amin. Kahit yata mga di dapat basahin gustong basahin niyan. "If Im not mistaken, It is called bond ring" Napakunot ang noo ko.

"Ang ibig mong sabihin, nakatakda tayo para sa kanila at nakatakda sila para sa atin?" Tanong ko. Pumikit si Nixon saka tumango "Imposible!" Sigaw ko at pinalo pa ng napakalakas ang lamesa sa harap namin. Mabuti't di nasira.

Bakit ko nga ba nasabing imposible?Sa tanang buhay ng kaharian ay wala pang kaso ng mga bond couples!Tapos bigla nalang itong susulpot ngayon?

"Ayon sa nabasa ko, Sa una ay gagamitin ang pakiramdam ng isat-isa para ipaalam na may kabond tayo. Kung hindi ako nagkakamali, nabasa ko sa isip
nina Reese at Myers kanina na sumakit yung palasingsingan nila kung nasaan yung singsing nila na para bang pinapaso sila. Isa iyon sa senyales" mahabang paliwanag niya. Napuno ng mabigat na pakiramdam sa lugar kung nasaan kami. "At hindi ito mapipigilan, tanging makakapigil nito ay kamatayan. Kung isa sa inyo ay mamatay."

"Kung ganon, bond partner ko si Ellisse?" Tanong ni Myers.

"Paano mo nasabi?"

"Nung araw na iyon, nung nanakit yung palasingsingan ko kung nasaan yung singsing. Parang kakaiba yung nararamdaman ko. Bigla akong may hinanap, nung nakita namin sila sa kakahuyan parang nakaramdam ako ng kakaibang saya at nawala yung sakit na nararamdaman ko mula sa singsing." Paliwanag naman niya.

"Ganun din ang naramdaman ko" segunda ni Reese. Tiningnan ko yung dalawa pa. Umiling sila, na ibig sabihin ay hindi nila naranasan ang nangyari kila Reese.

"Pero si Nicole, yung kaibigan nila. Nagkita kami ng araw na iyon. At nung hinawakan ko siya may kakaiba akong naramdaman" Paliwanag ni Nixon.

Napabaling naman kami kay Yves. "Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko noon. Nainis pa ako dahil hinamon niya ako"

Bigla namang tumawa si Nixon. "Hindi siya nanghahamon bro." Natatawang usal ni Nixon. Napakunot naman ang noo ni Yves. "Ang sabi sa akin ni Nicole ay palatandaan daw yun ng pakikipagkaibigan sa mundo nila"

"Ahh..." Napapahiyang sagot niya.

Sandali kaming natahimik at napa-isip. Ibig bang sabihin -- "ikaw, wala ka bang sasabihin brad?" Mapang-asar na sabi sakin ni Myers.

"W-wala"

"Talaga ba?" Mapang-asar na muling usal nito. Tiningnan naman niya ako ng nakakaloko. Damn. Ang hirap magsinungaling sa kaibigan mong ang special ability ay empath, kung saan ay may kakayahan siyang malaman kung nagsisinungaling ang kaharap niya o hindi.

"Tsk. Nandoon siya sa lugar ng parusa ko" ang parusa kung saan ay walang hanggang kadiliman at makukulong ka sa kawalan at magmimistulang patay ng dalawang araw.

"Nung na70 degrees ka ay naranasan niya din iyon ng hindi napaparusahan" saad ni Yves.

"Yun lang yun?" Sinamaan ko ng tingin si Myers pero nagsmirk lang ito saakin.

"Something happened. Hindi ko alam pero may nag-uutos sa akin na halikan ko siya. Hinalikan ko siya, pagkatapos noon ay bumalik kami sa kasalukuyan" paliwanag ko.

"Ang sabihin mo, tinamaan ka ng kalibugan!" Saka nila ako pinagtawanan. Sinamaan ko sila ng tingin at pasimpleng pinagbabato sila ng water balls. Pinagmumura naman nila ako dahil nabasa sila.

Nang manahimik sila ay nagsalita ako. "Kung gayon, ang bond partner ko ay si Serenity?" tumango naman sila. "At ang inyo?"

"Ellisse" -Myers
"Nicole"-Nixon
"Kristel"-Reese
Samantalang si Yves ay parang nagdadalawang isip "Glyza" usal niya. "Hindi pa ako kumbinsido. Kailangan ko pa ng mga ibedensya."

"At isa pa ang sabi sa atin ng matandang oracle ay ang mga napili ang may koneksyon sa atin. Hindi naman sila ang mga napili. Diba?" Sabi naman ni Reese.

"Sigurado ba kayong yung isang grupo nga ang mga napili? Maari silang magsinungaling. At isa pa ang sabi ng matandang oracle satin noon ay kinabukasan pa darating ang mga napili. Pero yung isang grupo ay mas maaga sa kinabukasan. Hindi pa ba sapat iyon?" Seryosong paliwanag ni Myers.

"Tama siya, at nung kinabukasan ang pagdating ng grupo nila Kristel." Segunda naman ni Reese.

"Hindi mo ba maramdaman sa kanila kung nagsisinungaling sila?" Tanong ko kay Myers

"Wala, may kung anong nagblo-block sa akin sa dalawang grupo at hindi ko malaman kung sino ang totoo" sagot naman niya.

"Kailangan natin ng mga patunay na sila nga ang mga napili at ang mga nakakunekta sa atin. Hindi sapat ang isang pangyayari lamang" sabi naman ni Yves.

"Ngayon pa lang ay naniniwala na akong nakatakda sila sa atin" sabi naman ni Nixon.


Serenity POV

"Ano nanaman ba?"

"Aba, baka gusto mong lumabas diyan sa hawla mo!" Sigaw ni Kristel sa akin.

Hindi ko ito pinansin at pinilit magfocus. Sinisumulan ko na kasing itrain ang sarili ko gamit ang mga kapangyarihan ko. Halos apat na oras na ako dito pero walang nangyayari.

"Bakit ba? Kailangan bang lagi akong nakaharap sa pagmumukha mo!?" Sigaw kong pabalik at inayos na ang sarili ko.

"Hoy babae. May dapat pa tayong pag-usapan!" Sigaw niya mula sa labas.

"Hayaan mo na kung ayaw niya pang pag-usapan, baka ay hindi pa siya handa." Rinig kong wika ni Elisse

"Hay naku! Kinunsinti mo nanaman yang babaeng yan!" Sigaw niya at narinig ko ang mga yapak niyang palayo mula sa kwarto ko.

Maya-maya ay nakarinig ako ng katok. Hindi ako sumagot. "Hindi lahat kayang intindihin ka" kalmado niyang wika.

Sino ba kasing nagsabing intidihin nila ako! Argh. I can live with just only myself!

Gee, Im being stubborn again.













-REVISED-

--------
A/n: HOPE YOU LIKED IT~SORRY FOR THE TYPOGRAPICAL AND GRAMMATICAL ERRORS!

VOTEXXCOMMENT

The Chosen WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon