Chapter 18

205 15 0
                                    

Chapter 18

"Anong araw ngayon?" Tanong ko kay Nicole pero iba ang sumagot, medyo bastos.

"It's Thursday, just so you know. And yep, we have trainings today" Tinarayan ko siya dahil sa inasal niya. Minsan talaga kapag may nang e-english sakin, di ko din mapigilang englishin siya.

"Im not talking to you." saka ko siya tinarayan muli.

"Taray naman nito"

"Di ka pa ba nasanay diyan Kristel?" Tapos nagtawanan silang dalawa. 'Pag nagsama talaga itong dalawang 'to, parang konti nalang gusto ko nang maging super saiyan sa inis. Tsk.

"Itigil niyo na nga iyan, anjan na yung instructor" saway ni Ellisse sa kanila.

Tumahimik na din naman sila at nanahimik na din ako sa pwesto ko. Kaso lang nakakaramdam ako ng kakaiba kaya ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng aming classroom. Nakita ko si Nigel sa di kalayuan sa amin. Pero hindi naman siya nakatingin sa pwesto ko. Iba e, hindi ko maipaliwanag e. Basta kakaiba ang nararamdaman ko ngayon.

"Huy!" Napabalik naman ako sa reyalidad at sinamaan ng tingin si Kristel "tamo to siya pang galit. Ano tutunganga ka nalang ba diyan?" Napansin kong naglalabasan ang mga kaklase namin. Err-saan sila pupunta? "Yan kasi kung saan-saan nakatingin. Pupunta tayong training room!"

"Binabasa mo ba ang isip ko?" Mataray na tanong ko sa kanya. Bakit ba kasi itong maingay na to ang kasama ko?

"Na-uh-uh" wika nito at ginagalaw pa ang hintuturo. "Simula nang mapasok tayo sa lugar na ito ay hindi ko na nababasa ang mga nasa isip niyong apat, maliban sa kanilang lahat. Madali lang talaga basahin ang ekspresyon mo." Paliwanag nito.

Hindi ko na lamang siya pinansin at saka ay pumasok na sa training room na sinasabi nila. Nasa harapan naming lahat yung instructor tapos ay pumalakpak ito ng isang beses at saka pawang nasa ibang lugar na kami.

"So kids, ito ay isang ilusyon lamang" Kung kanina ay nasa isang malawak na kwarto lang kami ngayon ay may mga nakakalat nang mga pinto at nag-iba ang paligid. Para kaming nasa isang tabing dagat dahil maririnig ang malakas na alon nito mula sa kinalalagyan namin ngayon "Ang gagawin niyo ay, paunahan kayo sa mga pinto diyan. May mga malas at swerteng pinto,kayo na lamang ang humusga pagdating niyo sa loob, kapag napasukan na ang isang pinto ay maglalaho ito"

"Omg, sana mapasukan natin yung  isa sa mga pinto kung nasaan nakaassign ang mighty knights!" Napataray ako sa hangin nang sabay na tumili ang dalawang di ko kilalang babaeng katabi ko. Mighty Knights?Whatta name! Di nalang nila ginawang mighty bond.

"Okay, ready!" agad namang nagsifocus ang lahat "get set, GO!" Sabay-sabay na nagtakbuhan ang lahat, may mga nag-aagawan sa napiling pinto, may nakapasok ng matiwasay. Hinanap ng mga mata ko sila Ellisse pero hindi ko na sila mahagilap. May iisang pinto na walang tao. As in, alam mo yung tipong parang talagang pakiramdam mo nakalaan talaga para sakin yung pintong yun?

Hahawakan ko na sana yung knob nun ng may sumulpot na isang babae sa harap ko. Hahawakan niya din sana yung knob pero binawi niya, tapos hahawakan niya sana ulit tas bababawiin niya. Nakailang beses siyang ganun. Para siyang tanga tsk.

Maya-maya ay umalis na din siya at time ko na para hawakan na ulit ang knob ng pinto. Kaso may dumating ulit,lalaki naman. This time sinamaan ko na ito ng tingin. Mukhang natakot ko naman siya dahil umalis siya kaagad. Nang wala ng balakid ay hinawakan ko na ang knob at saka binuksan ang pinto. Napapikit ako sa liwanag na dala nito. Gayunpaman ay pumasok pa rin ako at tiniis ang nakakasilaw na liwanag.

"WELCOME TO MY TRAINING ROOM!" Bungad niya nang tuluyan na akong makapasok sa pinto. Inikot ko sa paligid ang paningin ko. Napapaligiran kami ng puno. Nasa gubat ba kami? Sa tingin ko ay nasa gitna kami ng kagubatan. Napatingin naman ako sa sahig na inaapakan ko. hindi siya ordinaryong lupa na katulad ng nasa ordinaryong gubat. Napakunot ang noo ko ng makita kung ano ang simbolong naroroon, katulad iyon ng aking birthmark. Apat na bilog.

The Chosen WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon