Chapter 15

214 20 1
                                    

Chapter 15

Serenity POV

"Maerhine..."

"Sino ka?" Hinanap ko sa paligid ang pinag-galingan ng boses ngunit purong puti lamang ang nakikita ko. Nasaan nanaman ba ako?Nasa langit na ba ako?

"Maerhine..."

"Sino ka? Sino si Maerhine? Nasaan ako?"

"Ako at ikaw ay iisa lamang, ngunit hindi mo pa ako nagigising sa iyong katawan. Iintayin kita Maerhine"

"SERE!" Napatayo ako mula sa pagkakatulog ko at hingal na hingal. "You keep on shouting 'sino ka?' Binangungot ka ba?" Tanong niya. Hindi ko na lamang ito pinansin at tumayo sa kama ko.

"Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya

"Duh, There's a door" sabi niya na as if it's the most obvious thing in the world.

"What are you doing in my room?"

"Naglalaba" sabi nito sabay taray.

"Lumabas ka na nga dito!" Sigaw ko sa kanya at sinimulang itulak siya papunta sa pinto.

"Wait! ikaw na nga itong yayain kumain e. Pabebe to!" Sigaw naman niya sakin.

"Alam mo Glyza? Get out of my sight bago magdilim ang paningin ko sayo"

"Yah may pasok pa! Pangalawang araw palang natin dito pero parang andami ng nangyari."

"Papasok ako kung kailan ko gusto" at saka isinara sa pagmumukha niya ang pinto ng kwarto ko.

"Sereeeeeeeeee! Pag nag-absent ka ngayon mababawasan allowance natin!Yun lang pag-asa natin para mabuhay. Sereeeeeeeee mahal ko pa buhay ko. Sereeeee-"

Damn ang ingay niya "Shut up or else I will not go!" Sigaw ko.

"Yes!" Sigaw niya mula sa labas. I didnt know that she has this side.




----

"Hi there," she smirked at me.

I hate it,

I hate her face.

I hate her prescence.

I hate everything about her.

And I dont know why.

Tinaasan ko ito ng kilay "What do you need?"

Napaismid ito "Wow. You're actually disrespecting me? You're disrespecting the Chosen Elemental Warrior!?" Sinigaw niya ito kaya nakuha ng lahat ang atensyon namin.

Ugh what an attention seeker. Dapat pala sumabay nalang ako sa apat na yun kung makikita ko rin lang ang masagwang pagmumukha ng babaeng to. Pagtitiisan ko nalang si Glyza.

"If you may excuse, I have a class to attend" casual kong usal sa kanya. Halatang nainis siya sa sinabi ko. Mabuti at wala ang mga alipores niya? Baka pag nagkataon mapagbuhol buhol ko sila.

"Grabe no? Wala siyang modo" Napatingin ako sa dalawang babaeng nagbulungan, they're looking at me

Nakita kong nagsmirk nanaman si Dominica "Bitch" usal ko at nagdirediretso na sa paglalakad

"Hey" Napataas ang kilay ko sa kanya saka iniwasan siya at tuloy tuloy na naglakad. "Ano, yung sa ano. Huy Wait!" Hindi ko kasi siya pinansin at nagdirediretso na sa paglakad.

Hanggang sa makarating kami sa klase ko ay patuloy lang siya sa pagtawag ng pangalan ko.

Bahala siya diyan.

The Chosen WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon