Chapter 11

241 19 6
                                    

Chapter 11

Nicole's POV (Same day)

"Ang tagal naman yata sa Cr ni Glyza?" Napatingin ako kay Kristel nang sabihin niya iyon. Malapit lang naman ang cr dito pero ang tagal niya halos mag-iisang oras na siyang wala.

"Gusto mo puntahan ko siya?" Pagvovolunteer ko. Malapit na din naman dismissal at walang masyadong ginawa sa araw na ito. Wala din naman akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ng mga teachers namin.

"You sure?" Tanong naman ni Ellise. Tumango na lamang ako.

Pagkadismiss na pagkadismiss ay agad akong lumabas at hinanap si Glyza. Nagpunta muna akong cr kasi baka andun pa siya sa isa sa cubicle, natutulog o kaya naman ay nakalimutan kung paano magbukas ng pinto at nalock na. Haha! Napailing nalang ako sa isiping iyon. Minsan may pagkaabno din utak ko.

Walang kahit anong signs ni Glyza dun. With the help of my super smelling and hearing power ay tinry kong itrack siya, but I failed. Naisip kong bumalik nalang kila Ellise nang may maramdaman akong kakaiba. My ring. Sinasaktan ako nito. Napakainit ng sensasyong ibinibigay nito.

Anong nangyayari!? Onti-onti ding nanginig ang katawan ko dahil sa sakit, hanggang sa makarinig ako ng sigaw. It echoed in my mind.

Hinanap ko ang pinagmulan nun at dinala ako ng sarili kong mga paa sa likod ng boys dormitory, kahit sobrang sakit ng nadadama ko dahil sa singsing na suot ko. Isang tagong lugar iyon kung saan nakita ko ang dalawang tao na naglalaban. "That's Illegal" agaw pansin ko sa kanila. Napatingin sila pareho sa akin at namukhaan ko yung isang lalaki. Kasama siya nung nantrip kay Kristel noon.

"No, if you wouldn't tell them" sagot naman nung isa pa. Napansin kong mas agrabyado yung lalaking kasama nung nantrip kay Kristel. Hindi kasi siya lumalaban at pawang iniinis pa yung kalaban niya.

"I-I will tell them" Kinakabahang usal ko muli. Nakakatakot kasi yung aura na pumapalibot sa kanila.

This time ay parehas na silang napatingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata.

Mas lalo naman akong natakot, napaatras pa ako. Bakit ba kasi ako napunta dito? At saka bakit ba sila nagagalit? Concern pa nga ako sa kanila e. Mamaya magkapatayan pa sila diyan! Parang kasalanan ko pang nabasa ko sa handbook na illegal ang pakikipaglaban ng hindi nalalaman ng nakatataas o walang tamang pakikipagkasundo. Sa pagkakaalala ko ay 30 degrees ang parusa kapag nahuli.

"Why dont you get out of here?" Nanlilisik na tanong ng isa bago sinuntok ulit ang hindi lumalabang lalaki. Puro iwas lang ginagawa niya.

Napatingin ako sa daliri ko kung nasaan ang singsing. Sumabay kasi ang sakit nun sa pagsuntok ng lalaki. Instead na pilitin silang tumigil ay iba ang lumabas mula sa akin "Why dont you fight back!?" Sigaw ko dun sa isa. Ewan ko ba kung saan ko nakukuha itong tapang ko.

"Oo nga naman Nixon. Wag mong sabihing naduwag ka-" napasigaw ako ng biglang may lumabas na apoy sa kamay nung Nixon at sinuntok niya yung kalaban niya. Ewan ko kung bakit pero natutuwa ako ngayon sa nakikita ko. Im not into fights at takot talaga akong nakakasaksi ng away pero parang may nabago ngayon.

Muli akong napatingin sa daliri ko kung nasaan ang sing-sing na iyon.  Nawala na parang bula ang pananakit na naramdaman ko kani-kanina lang.

"Hindi ako duwag dude. Iniintay ko lang mapagod ka." Saka nito pinagsusuntok ang lalaking kaaway niya. May nakapalibot pang apoy sa kamao nito habang sinusuntok yung lalaki. Poor him.

"Tama na yan" pigil ko sa kanya. At saktong tumigil nga siya at nilubayan na yung kawawang lalaki. Hindi ko alam kung tumigil siya dahil sinabi ko o saktong napagod lang siya.

Wews ang assuming ko~

"Sa susunod, mamili ka ng kakalabanin mo. Wala ka pa sa kuko ko nagyayabang ka na tsk" Saka siya nagwalk-out at hindi ako pinansin. Samantalang ako ay habol-habol siya ng tingin.

What am I feeling? It seems like Im longing for him.

Tumalikod na ako at balak na sanang bumalik sa pinanggalingan ko ng may humatak sa braso ko kaya napaharap ako. Agad naman akong napa-atras at hinila ko ka-agad ang braso ko mula sa kanya.

"Did I scared you?" tanong niya. Para akong aatakihin sa puso. Ang lapit niya sa akin at hindi ako makahinga ng maayos.

Hindi ako nagulat sa kanya, nagulat ako sa sensasyong binigay ng paghawak niya sa akin. Para akong kinuryente pero hindi masakit. Nanaas din ang mga balahibo ko "Ginamitan mo ba ako ng kapangyarihan mo?" Ang lumabas mula sa bibig ko.

"Ha?"

Napayuko ako at umiling-iling. Kinalma ko din ang sarili ko "wala, wala. Una na ako" sabi ko at tumalikod na muli.

"Wai--" hahawakan niya sana ulit ako sa braso ko pero nai-iwas ko agad iyon.

Hinarang ko ang dalawa kong kamay at nagulat ako nung nagtaas siya ng kamay na para bang sumusuko "Just, dont touch me" takang tumango naman siya. Nagsimula na akong maglakad pabalik.

Bakit ba kasi andito ito? Akala ko ba nag-walk out na siya? "You're one of the transferees right?" Nagulat ako nung sumabay siya sa paglalakad ko. Tumango na lamang ako sa tanong nyang yun. "Bakit ka naligaw sa lugar na yun?" Tanong nanaman niya.

"May narinig akong sigaw at hinanap ko yun. Then nakita ko kayo" paliwanag ko.

"How come? Malayo sa mga building ang lugar na yun"

I shrugged at him "perks of having special hearing ability." Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkaamuse niya sa sinabi ko. Akala ko pa naman mysterious effect itong lalaking ito. Hindi pala. Fire kasi ang element niya kaya naisip ko iyon.
I thought na kapag fire ang element ay medyo mysterious ganon. "Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa din natin alam ang pangalan ng isat-isa"

Napatingin naman siya sa akin at tumango-tango. "My name is Nixon Schewerin (s-ke-we-rin) "

"Ske-- ano?" Tinawanan niya lang ako. Siraulo to ah!Gah-I dont know why I feel comfortable with him. "Ako naman si Nicole Artris Anderson." Ngumiti ako sa kanya.

I offered my hand para makipagshake hands pero kumunot ang noo niya. "Hinahamon mo ba ako ng laban?" Turn ko naman para mangunot ang noo.

"Ha?"

"Im sorry but I will decline your offer" Sabi niya pa at tinabig pababa yung kamay ko.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"It's a sign of telling someone to fight you" nanlaki ang mata ko. Yun pala yung ritual na kailangan na sinasabi sa handbook para maging legal ang pakikipaglaban.

"Well, Im sorry but I don't have any plans on battling with you. Takot ko nalang. Tsaka doon kasi sa amin. It's a way of making friends" paliwanag ko pa.

"Dapat mo nang sanayin ang sarili mo sa ibat-ibang gawi dito na naiiba sa mundo mo noon." Tumango-tango nalang ako.

Saan nga ba kami pupunta? "Saan tayo pupunta?" Tanong ko

"Ewan ko, sinusundan lang kita e. Missing in action mga tropa ko ngayon e. Sabay nalang muna ako sayo" tumango nalang ako at naglakad patungo sa cafeteria. Kaso lang feel na feel ko yung dagger looks ng mga babaeng estudyante dito.

Nag-iba yata ang ihip ng hangin. "Ahh. Sa Girls dorm pala ang punta ko. Una na ako" hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero naramdaman kong nagdikit ang mga balat namin at nakaramdam nanaman ako ng kakaiba sa akin. Sinabayan pa iyon ng mga tingin nilang nakakamatay.

Natakot tuloy ako, gumana nanaman ang pagiging matatakutin ko. Natatakot ako sa mga tingin nila.Okay na yung kay Sere lang.

Huhuness ano ba nangyayari sakin?





-revised-
--------
A/N:Lame~Yah I know. Hey you...Oo ikaw na nagbabasa nito na umabot hanggang dito!

SALAMAT-KAMSAHAMNIDA-KUMAWO-ARIGATOU-THANK YOU!

NAPAKATIBAY MO DUDE. BINABATI KITA HUHU PARAMDAM KA NAMAN 😭

The Chosen WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon