Chapter 1

12 3 0
                                    

"Jody!" Napatiling niyakap ni Fi ang babae. College friend niya ito at classmate, naging sobrang clise sila dahil na rin kaagad silang nag-click.

Sa katanuyan nga ay ito ang best friend niya. Pero nang grumaduate na ito ay sa Pampanga ito namalagi kaya naman palagi niya itong nami-miss noon.

Isa kasi ito sa mga confidante niya at pinakamagaling makinig sa mga problema niya.

Kahit na nga kakikita pa lang nila noong isang linggo para magsukat ng mga dress para sa kasal nito, nae-excite pa rin siyang makita ang kaibigan lalo na nga at ikakasal na ito ngayon.

"Fi! Himala, late ka 'ata ngayon," natatawang biro ni Jody nang lumayo sa kanya. Halatang-halata ang kasiyahan nito ngayon hindi katulad nang mga nakaraang taon na tila nabubuhay na lang ito para sa anak.

"Ninang!" Tuwang-tuwang sumalubong naman sa kanya ang inaanak na si Joman. Hinalikan niya ang bata sa pisngi nang buhatin ito.

"Sweetie, huwag mo munang guluhin si Ninang, ha? Hindi pa kasi siya inaayusan. Siya pa man din ang maid of honor ko. Doon ka muna sa Papa,okay?" Masuyong ginulo ni Jody ang buhok ng anak.

"Bloomingvang bride. Hindi ko akalaing ikaw ang unang ikakasal. Samantalang kami ni Lila ang lumalandi sa mga lalaki," biro ni Fi pagkaalis ng paslit.

Ang paglalanding tinutukoy niya ay iyong tipong tumitingin lang sa mga guwapong lalaki pero hindi naman lalapitan.

Natatawang itinulak siya ng bride paupo sa tapat ng dresser nito kung saan naghihintay ang stylist na inupahan nito.

"Oh, bakit nga pala sambakol ang mukha mo nang pumasok ka dito? May nakaaway ka na naman ba?"

Tinaasan niya ang babae ng kilay. "Never pa akong may nakaaway,ha. Ikaw pa lang."

"Naman. Hindi mo parin 'yon nakakalimutan? Grabe ka talagang magtanim ng sama ng loob. Oh, bakit nga kasi? Parang buwisit na buwisit kang kasal ko ngayon at ng best friend nating si Matt. Selos ka no?"

"Oo, nagseselos ako. Balak ko ngang agawin siya ngayon sa'yo," asik ni Fi. Pero agad ding bumawi.

"Sira. Siyempre hindi 'yon. May mayabang kasi akong nabanggaan. Napakayabang talaga, ang sarap sabunutan. Porque guwapo, 'kala mo kung sino na "

"Hmm..." Nangingiting tinignan siya ni Jody sa salamin.

"Hoy! Alam ko'yang ngiting iyan. Hello! Nunca akong magkakagusto sa mga mayayabang na tulad ng lalaking 'yon. Alam mo naman ang mgq type ko, hindi ba? At hindi na kaagad siya qualified."

"Defensive ang lola."

Gulat na tinignan ni Fi sa salamin ang pinanggalingan ng boses. Nakita niyang nakatayo sa pinto sina Lila at Hellene, ang dalawang naging close rin nita sa college sa kursong Mass Communications.

"Guwapo talaga?" untag ni Lila. "Sino'ng kamukha?"

"Ha? Guwapo, pero pangit ang ugali. Ang gaspang."

"Sino nga'ng kamukha?" Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata na ikinatawa nila Jody at Hellene.

"Hindi ko sure kung kilala n'yo, pero kahawig niya si Scott Speedman, itong Michael sa Underworld. Minus the long hair, pati na rin pala 'yong ngiti. Hindi yata marunong ngumiti ang tuod na'yon, eh. Puro ganitong ekspresyon lang ang kaya niya." Umarte si Fi na walang emosyon at isa-isang tinitignan ang mga kaibigan.

"Yan ang nami-miss ko kay Fi kapag hindi natin siya nakikita,eh. Ang panlalait niyang Queen Level." Si Hellene na pinigil pa ang tawa.

"Hindi naman sa panlalait ha. Peri sinasabi ko lang ang nakikita ko. Hello,tama ba namang umastan 'kala mo ay planado kong magkakilala kami?! Duh! Hindi naman siya artista. Mas guwapo pa rin siyempre si Arnel, pati ugali n'un guwapo rin. Hindi katulad n'ung mamang iyon. Feeling niya 'ata siya lang ang nag-iisang lalaki rito sa mundo. Haller! Madami pa ring lalaki, kahit na nga ang proportion na ng male ti female ay one to ten."

"Easy, Fi. Baka pumangit ang maid of honor. Sige ka, ikaw ang magsisisi kapag hindi ka na nilandi ni Arnel mo. Isa pa, baka humaba na'yang sungay mo sa kakalait ng kapwa mo," natatawang awat sa kanya ni Jody.

           ~ ~ ~

Napasinga ng hangin sa ilong si Fi nang makitang malapit sa kanya ang lalaking nabangga niya.

Wala sana siyang balak humingi ng tawad dito dahil abot-langit pa rin ang asar niya rito. Ngunit dahil nga nasabihan siya nf kaibigan na baka kaibigan iyon ni Matt, ang groom na barkada rin niya, ay napagpasyahan na niyang patawarin ito ngayon—kahit na nga parati siyang nagtatanim ng sama ng loob.

            ×—×
To be Continued...

Reaching For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon