Pumuno ng tili ni Fi sa kanyang sasakyan nang tapakan niya ang preno ng kotse. "Ano ba namang kamalasan 'to!" hindi na nakatiis na bulalas niya. Mabuti na lang, siya lang ang laman ng kotse niya.
Nang makahinga nang maluwag dahil buhay pa siya ay napatingin si Fi sa kanyang likuran at napaungol nang makitang nakatayo na sa labas ng kotse nito ang nabangga niya.
Bakit ba kung kailan nagmamadali ay saka ka nagkakandamalas-malas?
Siguro ay kasalanan din ng dalaga dahil hindi njya nilingong mabuti ang kanan niya bago iniatras ang kotse. Hayun tuloy, may nabangga pa siya ngayon.
At siyempre ay nanghihinayang din siya sa pinsala ng kanyang kotse, malamang sa malamang ay mahal ang paayos niyon. Ito pa man din ang nag-iisang bonggang iniregalo sa kanya ng mga magulang simula noong makapagtrabaho siya, na siyempre ay dinagdagan ni Fi ng sariling pera para makapili siya ng gusto niyang sasakyan.
"Malas," nababanas na bulong niya bago lumabas ng kotse at nilapitan ang lalaking tila naiinip na sa tagal niyang lumabas.
Kahit nahihirapan sa heels ay hindi niya ipinahalata para magmukha naman siyang kagalang-galang na tao sa harap nito.
Nakakahiya kasi na naka-amerikano pa ito, bagay na bagay sa malamig na klima ng Baguio. Well, in fairness sa lalaking nabangga ni Fi guwapo ito.
"Sorry, Manong. Hindi ko pa talaga sinasadya. Nagmamadali lang kasi ako. Sorry talaga. Ah... kailangan ko na rin palang unalis, male-late na kasi ako sa appointment ko. Ano, kunin ko na lang ang number mo para ma-contact kita para bayaran ang nagasgas ko sa kotse mo. Sorry talaga," paghingi niya nang tawad.
Wala sa sariling napatingin si Fi sa oras. Magte-ten na at kailangan pa siyang maayusan.Malilintikan na siya kay Jody kapag nagkataon.
Saka na niya iisipin ang gagastusin sa pagpapaayos ng kotse nito at kotse niya, ang mahalaga ay hindi siya ang magiging sentro ng atensyon kapag nahuli siya.
"Anong modus ito?" Tila walang tiwalang tumitig pa ang ginawa niyang pagtitig sa mukha nito dahil tila sumamavang timplada.
"Modus?" tanong niya. Hindi niya maintindihan kung nabagok ba ang ulo ng estranghero nang mabangga niya o siya ang nabagukan ng ulo.
"Miss, I have been in this situation thousand times already," he exaggerated.
"Alam ko na'yang istilo mong 'yan. You want to get number right? Well, aaminin kong ang style mo anv pinaka-unique sa lahat. Oh, no, I don't even want to believe that innocent look anymore. Thank you na lang sa offer mo. I can repair my own car. Hindi ko na kailangan ng babae sa buhay ko."
"Antipatiko," hindi namalayang naibulaslas ni Fi.
"What?!"
May gana pa yata itong magulat at magalit sa nasabi niya. Puwes, uunahan na niya itong maghurumentado dahil ngayon pa lang ay buwisit na buwisit na siya rito.
"Well, thank you! I don't want to associate myself with idiots like you anyway. Mayroon naman na akong ipangpapaayos ng sasakyan ko, ayoko nang madagdagan pa ng isa panf sasakyan ng mayabang na tulad mo. 'Bye!"
Inismiran pa niya ito ay binigyan ng matalim na tingin bago tunalikod. "Yabang, 'kala mo kung sining artista. Mas guwapo pa rin naman ang mga bida ng 'A Little Thing Called Love' at 'Cutting Edge'."
"Wait."
Nagulat na nilingon ni Fi ang lalaki nang hawakan nito ang braso niya. Mabilis siyang pumiksi upang matanggal ang pagkakahawak nito ngunit nabigo siya.
"Ano?!" Pinanlakihan pa niya ng mga mata ang estranghero sa pag-aasam na matakot ito sa kanya.
"Give me your number. Para kapag sobrang mahal ng damage ng sasakyan ko ay papabayaran ko sa'yo ang gastos," walang emosyon sabi nito.
Tinitignan ni Fi ang lalaki. Mukhang ito yata ang nabagukan at hindi siya. Akala ba niya ay ayaw nito ng pera niya? 'Tapos ngayon ay gusto na nito? Hah! Buwisit talaga.
"Pagkatapos mong mag yabang sa'kin? Ayoko nga," immature na nasabi niya.
"So you're going to run away? Sa pagkakaalam ko ay illegal ang gagawin mo. May karapatan akong kasuhan ka lalo na at memoryado ko na ang plaka mo."
Her lips twitched on irritation. Bakit ba ang galing mang-asar ng lalaking ito? Tama ang sinabi nito; maling takbuhan niya ito pagkatapos niyang manira ng gamit nito.
Kahit na nga nabubuwisit, hindi na lang siya sasagot. Nagmamadali siya at ayaw na niyang pakialaman ang kayabangan ng lalaki.
"Phone mo." Naiiritang inilahad ni Fi ang kamay rito.
Mas lalong nadagdagan ang iritasyon niya nang imbis na ibigay sa kanya ay hinawakan lang nito ang aparato at umaktong ita-type ang sasabihin niyang numero.
Naasar na idinikta niya ang number niya habang patuloy na nilalait sa isip ang hinayupak. Kung umasta kasi ay para siyang magnanakaw na mang-i-snatch ng cell phone nito anumang oras.
"Okay na, di ba?" sarkastikong tanong niya. "Pakawalan mo na ako, puwede ba? Nagmamadali nga ako."
"Pangalan," walang emosyon pa ring sabi nito habang hawak-hawak pa rin ang kanyang braso.
Naasar na siya na mismo ang nag-alis sa kamay ng lalaki. "Fi Castro. Sana hindi na kita makita," dagdag na bulong pa niya bago pumasok sa kotse at ipinarada na nga ang sasakyan sa parking space na nakita niya kanina.
Kahit alam niyang nakatayo pa rin doon ang lalaki at kahit na pagkalaki-laking kuryosidad ang pinupukaw nito sa kanya ay hindi niya ito nilingon. Iisa lang ang dahilan ni Fi: PRIDE.
Nakakaasar kasi talaga ito. Ayaw na ayaw pa man din niya sa mga mayayabang.
BINABASA MO ANG
Reaching For You
Teen FictionHai po.... Hnde ko po to story pero pinopromote ko ang kanyang story. Hope you like po the story niya... Thank You Ho :* ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Fiona is contented with her life. Wala na siyang mahihiling pa sa ngayon. Mayroon siyang mapagmahal na...