Ano'ng gagawin ko kapag naging clumsy ako mamaya sa harap ni Dylan?
Nakakahiya na ngang binangga ni Fi ang kotse ng lalaki, paano kung mas malala pa roon ang gagawin niya mamaya? Paano kung matapunan niya ito ng pagkain o kaya ay juice? Diyahe na naman ang imahe niya sa binata.
Pinoproblema niya ngayon pa lang ang sitwasyon niya mamaya. Kanina kasi nang ipasa ni Fi ang naka-pending niyang deadlines ay nautal-utal siya ay nanginig pa ang mga kamay.
"Lalim ng iniisip mo, ah."
Gulat na nilingon niya si Arnel na nakangising nakatingin sa kanya.
"Kanina ka pa ba dyan? Hindi kita namalayang dumatin, ah," napatitig ditong sabi niya.
Hindi niya maiwasang maikumoara ang dalawang crush niya ngayon. Si Arnel ay mestizong matatawag ng karamihan dahil maputi itong talaga, siguro ay dahil na rin sa malamig na klima ng Baguio. Pero hindi lang dahil maputi ito kaya ito guwapo sa kanyang paningin. Nakakapang-akit kasi ang mga mata nito, maging ang ngiti kaya niya ito naging crush.
Gayunpaman, kung hitsura ang pagbabasehan, para sa kanya ay lamang si Dylan.
Si Dylan kasi, kahit na kayumanggi ang kulay nito ay kahawig pa rin nito si Scott Speedman. Kung sakali man nga sigurong magkaharap ang dalawa, sa tingin niya mas guwapo si Dylan kaysa sa Hollywood actor. Mas na-emphasize kasi ng kulay nito ang bawat feature ng mukha nito. Isa sa mga mas lalong naging kapansin-pansin ang matangos na ilong nitong hindi karaniwan sa mga Pilipino. May kaunting bali pa iyon, tanda ng minsan nitong pakikipagbasag-ulo.
Ang makakapal na kilay at ang kaunting balbas nito ay lalo lamang nagpatingkad sa pagiging masculine ni Dylan. At siyempre pa ang mga labi nitong mas madalang yatang ngumiti kaysa sa pagtahol ng pusa ay nagbigay ng mas lalong kaakit-akit na hitsura nito.
"Fi? Tulala ka yata ngayon, ah? Si Dylan ba ang problema? Tingin ko naman ay mabait siya, so you shouldn't worry anymore. Tara na, lunch na," yakag ni Arnel sa kanya na pumutol sa pagliliwaliw ng isip niya.
Tumayo na siya. Parang gusto pa nga niyang batukan ang sarili dahil sa pag-iisip kay Dylan gayong si Arnel ang nasa harapan niya. Bakit ba lumulutang ang isip niya papunta sa Dylan na iyon? Wala itong karapatang sakupin pati na ang isip niya.
"Speaking of Dylan," napahintong sambit ni Fi. Nawala sa isip niya na ang lunch out nga pala nila ng bagong Chief Editor ang pinoproblema niya kanina pa. "Pag-uusapan nga pala namin 'yong utang ko sa kanya. I'm sorry, nakalimutan kong sabihin sa 'yo Mauna ka na. Naka-oo kasi ako sa lunch kay Sir. Mahirap na at baka isipin pa niyang tinatakbuhan ko na lang basta-basta ang utang ko. Pasensya na talaga, ha?" Huminhingi ng paumanhin na ipinagsalikop pa ni Fi ang dalawang kamay at nagpapaunanawang ngumiti sa kaibigan.
Gumanti ito ng ngiti at ikinulong ang magkadikit niyang kamay sa mga palad nito. "It's okay. Pero may utang ka sa 'king dine out, ha? How about mamayang dinner? Mag-o-over time tayo hindi ba kasi biglang pasok na naman ang mga mag i-e-edit natin?"
Napatingala siya ng kaibigan at nagtama ang kanilang mga mata. Nabasa niya ang isang emosyon sa mga mata nito, na tila ba gusto siya nito ngunit hindi lang masabi.
Ilang sandaling inaanalisa niya ang kanyang nararamdaman. Natutuwa siyang niyaya siya nitong kuamin sa labas, hindi dahil lunch time na. At nasisiyahan siyang malaman na may gusto rin ito. Sa isiping iyon, may ngiting lumitaw sa kanyang mga labi.
Lumawak ang ngiting lalaki. "I'll take that as a 'yes'. Mamayang dinner na lang, ha?" Bago pa man siya makasagot ay nagpaalam na nauna na si Arnel sa elevator.
Hindi tuloy maiwasang mapailing ni Fi habang nangingiti. Gustong-gusto talaga niya makasama si Arnel, dahil kapag kasama niya ito ay komportableng -komportable siya. Hindi katulad kay Dylan na tila siya hindi mapakali at hindi malaman kung ano ang dapat niyang gawin.
"Akala ko ba bawal ang paglalandian sa loob ng opisina?"
Gulat na nilingon niya si Dylan. Hindi alam ni Fi kung gaani na ito katagal doon. Isa lang ang malinaw: dahil sa sinabi nito, alam niyang nakita nitong magkasama sila ni Arnel.
"Sir, na-misunderstood na naman po 'ata ninyo." Bumuntong-hininga si Fi. Medyo napapagod na rin siyang sabihin ditong disente siyang babae at hindi siya lumalandi ng mga lalaki. "Anyway, pag-usapan na natin ang tungkol sa kotse. Gusto ko nang matapos ang usapin doon para naman matapos na ang bad vibes sa 'tin. Malay ba natin, baka maging maganda ang pakikipagtungo natin sa isa't isa kapag naging officemate na lang tayo at wala nang iba pang problema."
"I get what you're saying. Let's go," anitong nagpauna na.
Hindi niya maintindihan kung bakit tila pangit na naman ang mood nito. Likas ba kay Dylan ang pagiging moody? Kanina lang ay okay lang ito, nang makisalamuha nga ito sa mga co-employees niya ay naging mabait ito katulad nang sinabi ni Arnel. Kahit nga noong nagpasa siya rito ng mga deadlines niya ay ayos lang ang pakikitungo nito sa kanya. Pero ngayon, ininsulto na nga siya nito ay tila ayaw pa siyang kausapin.
"Sir, any problem with me?" paglalakas ng loob na tanong ni Fi. Mabuti na lang at medyo late na dahil wala nang gumagamit ng elevator ngayon. Kapag kasi eksaktong twelve o bago iyon ay maraming sakay ang elevator dahil sa lunch break. Pero hindi niya alam kung tama bang sabihin niyang mabuti ngang sila lang dalawa sa loob ng kahon na iyon. Dahil ngayon ay nararamdaman na naman ni Fi ang tensyon kaninang umaga. Pero siguro ay mabuti rin iyon para kapag iinsultuhin siya ng binata ay silang dalawa lang ang makakarinig.
Napakunot-noong sinulyapan niya ang lalaki nang bumuntong-hininga ito. Napansin ng dalaga ang paggalawan ng mga muscles nito sa mukha, parang hindi talaga maganda ang timpla nito ngayong oras na ito.
"S-Sir?" nag-aalangang untag niya.
"Drop the 'sir; off already," he said firmly.
Nanlaki ang mga matang napaatras si Fi palayo rito. Kahit hindi malakas ang boses ng lalaki ay matigas ang pagkakasambit sa bawat salita para malaman niyang galit ito.
"S-sorry." tanging nausal ng dalaga.
"Damn it," he swore. Bumuntong-hininga ito, tila sinusubukang kontrolin ang emosyon bago humarap sa kanya. "Puwede bang tratuhin mo na lang ako na parang kaibigan? Hindi iyong parang boss mo ako. I hate it when people mix business and personal issues. So, can you do that for us?"

BINABASA MO ANG
Reaching For You
Dla nastolatkówHai po.... Hnde ko po to story pero pinopromote ko ang kanyang story. Hope you like po the story niya... Thank You Ho :* ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Fiona is contented with her life. Wala na siyang mahihiling pa sa ngayon. Mayroon siyang mapagmahal na...