Isang praktisadong ngiti ang ipinaksil ni Fi sa labi bago nilapitan ang lalaki.
At nang lingunin siya nito at tingnan na para bang ipis siya na gusto nitong paslangin ay naisip niyang huwag na lang humingi ng tawad dito.
Pero siyempre hindi niya puwedeng gawin iyon lalo na at nasa malapit lang sina Matt at Jody at naghihintay ng susunod niyang hakbang.
"Sorry nga pala kanina, Kuya. Hindi ko talaga sinasadya ang pagkakabangga sa sasakyan mo. Nagmamadali lang talaga ako. Hindi naman kasi ako madals ma-late, ngayon lang. Nakalimutan ko kasing mag-hi-heels nga pala dito, kaya bumalik pa ako sa'min." Isang pilit na ngiti pa ang ibinigay ni Fi rito.
Tinitigan siya ng estranghero. Pakiramdam niya ay isa siyang specimen sa isang experiment, gusto tuloy niya itong bigyan ng pamatay niyang talim ng tingin.
Ngunit muli ay pinigil niya ang sariling gawin iyon at hinintay na lang itong magsalita.
"Hindi sadya ang pagkakabangga mo sa'kin? Pero bakit ngayon ay kabaligtaran 'ata ng ikinikilos mo ang sinasabi mo. Sa tingin ko, gusto mo paring mapalapit sa'kin," malamig na sagot nito.
Nagngangalit ang mga ngipin na pinilit ni Fi na panatilihin ang ngiti sa mga labi habang sing-talim ng scalpel ang tinging ipinukol niya sa kaharap.
Alam niyang nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan na bagong kasak kaya hindi siya gagawa ng eksena.
"Kung gusto kong mapalapit sa'yo, sana sinobrahan ko na lang ang pagkakabangga ko sa'yo para sa ospital ang diretso mo. Para naman may rason akong lalo kang malapitan. Hindi naman ako tanga. Kung totoo ngang may gusto ako sa'yo gaya ng sabi mo ay hindi na rin kailangang banggain ko pa ang kotse mo. Sayang ang gastos sa pagpapagawa ng mga kotse natin. Mas maganda sigurong tinapunan ko na lang kita ng juice. Gaya nito."
Akmang itatapon ni Fi ang juice sa lalaki ngunit napigilan siya nang maalalang nangako sa kaibigang si Jody na kapag nakita niya ang lalaki at naasar pa rin siya rito ay hindi siya gagawa ng kahit anong eksena. Isang ismid ang ibinigay niya rito at nag-akmang aalis na.
Gulat na nilingon niya ang lalaki nang hawakan nito ang kanyang braso. Bahagya tuloy tumapon ang juice sa kamay niya.
Pinandilatan ito ni Fi, pero parang hindi nito naintindihan ang sinasabi ng mata nita. Bagkus ay inabot ng isang kamay ng lalaki ang baso ng juice na hawak niya at uminon mula roon.
BINABASA MO ANG
Reaching For You
Novela JuvenilHai po.... Hnde ko po to story pero pinopromote ko ang kanyang story. Hope you like po the story niya... Thank You Ho :* ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Fiona is contented with her life. Wala na siyang mahihiling pa sa ngayon. Mayroon siyang mapagmahal na...
