Chapter 2.2

4 1 0
                                    

Walang iba kundi iyong antipatikong lalaki sa kasal nila Jody at Matt. Ang mayabang na lalaki na akala mo kung sinong tanging guwapong nilalang sa buong mundo. Hindi pa niya nakalimutang na may atraso ito sa kanya. Pero ano ang ginagawa nito sa opisina nila? At bakit tila magkasama ito at si Sir Pol?

"Tama na muna ang harutan, mga bata." Si Pol na nangingiti sa kanila. Umayos nga sila ng tayo at binati ito.

"Magandang hapon din. I see you're out for lunch. Ah, siya nga pala. This is Dylan Castillo, your new Chief Editor. Dylan, sila Arnel Santos at Fi Castro, ang love team ng department. Kidding aside, dalawa sila sa mga isu-supervise mo."

Gulat na napatitig lang si Fi, habang si Arnel ay nagawa pang makabati sa bago umano nilang boss.

"Pasensya na, Ar, Fi, ibini-brief ko na kasi si Dylan for the takeover. If you would excuse us," patuloy ni Sir Pol. Parang robot na napatango na lang siya.

Napansin niyang nakatitig din sa kanya ang lalaki na ngayon ay alam na niya ang pangalan. Nakakunot ang noo nito na tila nalilito na naasar bago sumunod kay Sir Pol. Sabagay, kailan ba ito hindi naasar simula nang makita niya ito? Halata namang allergic ang lalaki sa presensya niya. Ano ba ang bago?

Pero kahit na alam ng dalagang inis to sa kanya at lalong buwisit siya rito, paano ba kakaharapin ni Fi ang suliraning nakalatag sa kanyang harapan? Malinaw na malinaw kasing ito na ang magiging boss nila. At hindi lang simpleng superior dahil dito siya magre-report kapag may deadline siya. At ibig sabihin lang niyon, parati na niya itong makakausap.

"Hey? Akala ko ba kakain tayo?" tila nalilitong untag ni Arnel. Siguro ay hindi ito sanay na bigla na lamang siyang mananahimik doon lalo na kapag magkasama sila.

Pinigilan man ni Fi ang sariling tingnan si Dylan ay nanaig ang kanyang curiosity. Ngunit parang gusto tuloy niyang magsising tumingin pa siya rito. Dahil malamig na tingin ang ipinukol nito sa kanya habang papalayo. Pero kahit na malamig ang tingin nito ay hindi pa rin napigilan ang maiit na pagtibok ng kanayang puso. Bigla ay para siyang nahirapang huminga habang nakatitig dito. laking pasasalamat niya nang sumara na ang pinto ng elevator.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napakunot ang noo ni Fi nang mapansing kanina pa nakatitig sa kanya si Arnel habang kumakain sila.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" naiilang na tanong niya rito. Nakakahiya kapag nagkataong may dumi nga siya sa mukha. Kanina pa naman din siya kain nang kain.

Nangingiting umiling ito. "Hindi lang ako sanay na hindi ka nag-iingay. Kakaia kasi 'yong hindi mo pag-iingay ngayon, hindi 'yong karaniwang nagsusungit mode ka. Ngayon, parang may malaking- malaki kang problema na kinakaharap . It's as if you don't want to share it with me. Come on, spit it out. Magakaibigan na rin naman tayo, di ba? Isa na nga ako sa mga immediate takbuhan mo kapag may tampuhan kayo sa pamilya mo, eh."

Napangiti na rin tuloy si Fi. Oo nga, isa si Arnel sa mga naging malapit sa buhay niya at nakakaalam ng tungkol sa pamilya niya. Well, hindi naman talaga siya malihim na tao kaya karaniwan ay alam talaga ng malalapit sa kanya ang nangyayari sa buhay niya.

Kahit nga ang crushes ni Fi ay alam yata ng lahat; hindi na nga siya magtataka kung alam ni Arnel na crush niya ito, eh. Kahit na nga hindi niya sinabi iyon dito nang derecho ay malamang nalaman na nito iyon sa iba niyang kaibigan.

"Oh, hindi ka pa rin nagsasalita? Ano na ba kasi 'yon? May napatay ka na ba?" Natatawang sumubo ito. "Mabilaukan ka sana," nakaingos na sagot ni Fi. "Kung may mapapatay man ako, baka ikaw ang unahin ko. 'Yong Dylan Castillo na ba ang magiging boss natin? Parang bata 'ata siya, hindi ba?" pagbubukas niya sa paksang kanina pa gumugulo sa kanyang isipan.

Reaching For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon