Chapter 5

2 1 0
                                    

Tahimik na nakaupo si Fi sa isang pangsulok na mesa. Madaming tao sa naturang kainan kaya sinabi ni Dylan na maghanap na siya ng mesa para sa kanilang dalawa at ito na ang bahalang um-order ng pagkain niya. Hindi kasi iyon restuarant type kundi self-service.

Sa totoo lang, nagpapasalamat si Fi na inutusan siya ni Dylan na maghanap ng upuan nang sa ganoon ay mahiwalay siya rito. Gusto muna kasi niyang ikalma ang sarili habang pinagninilay-nilay ang sinabi nito kanina lang.

Siguro nga ay medyo suwerte siya sa araw na iyon dahil bago pa man siya makasagot sa tanong ni Dylan kanina ay bumukas na ang elevator. Pero kahit na hindi nito hiningi ang sagot niya ay gumugulo pa rin sa kanyang isip ang bawat salitang binitawan nito. Hindi kasi niya maintindihan ang sinabi ng lalaki. Tila kasi gusto nitong itrato niya itong kaibigan pero ayaw nitong pagsamahin ang professional at personal life niya. Contradicting ang dating niyon sa kanya.

Isa pa, bakit siya nito gustong maging kaibigan kung ang sama naman ng tingin nito sa kanya una pa lang? Naaalala pa kasi niyang malandi pa rin ang tingin nito sa kanya hanggang ngayon.

Napakurap si Fi nang may maglapag ng pagkain sa kanyang harapan. Kahit hindi niya tingalain, alam niyang si Dylan iyon. Hindi niya alam kung bakit parang kahit hindi niya nakikita ang hitsura nito ay tila kilalang-kilala pa rin niya ito.

Pero hindi siya roon mas namangha kundi sa pinili nitong ulam. Lahat kasi ng kinuha nito ay paborito niya, hindi naman niya nasabi rito ang gusto niya dahil nga disoriented siya kanina. Siguro ay parehas lang sila ng gustong kainin.

"Favorite ko 'tong mga 'to, ah! Alin ang sa 'yo?" naitanong ni Fi na noon ay nakaramdam ng gutom. Kung cartoon o anime nga lang siguro ang eksenang iyon ay naglalaway na siya pagkakita pa lang sa mga pagkain.

"Kahit alin. Puwede naman tayong mag-share."

Napataas ang kilay niya nang mapansing medyo okay na naman ang mood ng binata.

"Bipolar ka ba?" nasabi ng dalaga nang hindi sinasadya. Nahampas tuloy niya ang bibig sa kanyang kadaldalan pagkatapos.

"Bipolar? Bakit mo naman nasabi 'yan?" nakakunot-noo tanong nito.

Patay. Kapag nagsungit na naman 'to, kasalanan ko na talaga. "Ah... kasi kanina parang ang sama ng timpla mo. Pagkatapos, bgla ka na lang medyo okay ngayon. Alam mo na, parang mabilis magbago ang mood mo, eh," hindi makatingin na sabi niya rito. Kinuha ni Fi ang paboritong tortang giniling upang kunwari ay may ginagawa siya.

Gulat na tiningala niya si Dylan nang bigla itong tumawa. Kung kaninang ngumiti ito ay limampung bese ang iginuwapo ng lalaki, ngayon ay sandaang beses ang itinaas ng level ng kagwapuhan nito. Nahiling ni Fi na sana ay lagi itong tumatawa para mas masarap itong tingnan. On second thought, parang ayaw niyang makita itong tumatawa sa harap ng iba dahil baka magkandarapa ang mga babae sa kaguwapuhaan nito.

Hoy, Fi! Kailan ka pa naging makasarili sa lalaki? Hindi ba at wala ka ngang pakialam kung may nagkaka-crush man lang kay Arnel? Bakit ngayon ay parang ipinagdaramot mo ang 'yang lalaki 'yan? 

"A-ano'ng nakakatawa?" untag ni Fi.

Napansin kasi niya sa gilid ng mga mata na madaming babae na ang lumingon dito. At ilan sa mga naroroon ay mga kaopisina niya. Baka isipin ng mga iyon ay malandi siya at gumagamit ng iba para mapromote.

Well, wild imagination lang naman iyon ni Fi. Kilala niya ang mga kaopisina at hindi sila basta-basta mag-iisip ng mga ganoon. Malamang ay mag-uusisa ang mga ito kung bakit nakisabay siyang mag-lunch sa bagong boss nila, gaya noong una silang sabay na nag-lunch ni Arnel.

Nangingiting tumikhim si Dylan. "I didn't mean to be bipolar-like. hindi ko nga napansing nagiging bipolar na pala ako. Don't worry, I'll try to avoid it. Mukhang natatakot ka pa sa 'kin kapag 'masama ang timpla ko," he quoted. "Ita-try kong i-maintain ang 'medyo okay' na mood ko. I think kapag ganito ang mood ko ay mas magiging friendly ka sa 'kin." Nakangiti pa ring dinampot nito ang tortang talong.

Name-mesmerize na napatitig siya sa amo habang sumusubo ito. Ngunit bigla yata nito napansin na naktitig siya kaya nag-angat si Dylan ng paningin, at nagtama ang mga mata nila.

Ilang minutong tila tumigil ang pag-inog ng mundo sa pagitan nila. Parang nagiing kontento na nga silang magtitigan na lang nang mga sandaling iyon.

Hindi alam ni Fi kung bakit ganoon ang pakiramdaman niya, katunayan ay parang nagkakulay ang kanyang paligid habang nakatitig siya rito. Kahit na nawala na ang ngiti sa mga labi ni Dylan at medyo nagseryoso na ito ay hindi na siya nailang o natakot man lang dito.

Ang inakala niyang hindi na matatapos na sandali ay biglang natigil nang pumuno sa kapaligaran ang ingay ng mga naglaglagang plato. Sabay pa silang napatingin doon.

"K-kain," aya ni Fi upang mabawasan ang pagkailang. Alam niyang namumula ang kanyang mga pisngi, sana ay hindi iyon halata dahil mas maitim naman siya kaysa sa karaniwang Pilipino. "Y-yung kotse nga pala?" pagbubukas niya sa paksang kailangan nilang pag-usapan.

"Hmm...? Later. Kumain na muna tayo, ang payat-payat mo, parang ang tipid mong kumain, eh," anitong iniurong sa kanyan ang iba pang ulam na binili nito.

"Excuse me!" turan niyang pinandilatan ito. Nawala ang kanyang hiya dahil sa sinabi nito. "Oo nga, payat at matangkad ako kaya mukha akong patpatin. Pero hindi iyon dahil konti lang akong kumain, genes iyon. Genes!" masungit na sita niya sa kaharap.

Nagulat si Fi nang bigla nitong sundutin ang kanyang noo. Agad naman niyang hinawakan ang parteng iyon. "Cute ka pala kapag defensive ka."

Muli ay naramdaman niya nag pamumula ng mukha kaya pinili niyang kumain na lang muna gaya ng sinabi ni Dylan. Mayamaya ay nakaramdam siya ng pagkailang kaya palihim na sinulyapan niya ito, upang muli lamang mapayuko dahil nakatingin pala ang binata sa kanya habang kumakain.

Napalunok si Fi. Ano kaya ang ibig sabihin ng titig niya? Siguro hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagkakabangga ko sa kanya kaya nag-iisip siya ng pahirap sa 'kin. Baka nga papabayaran din niya sa 'kin 'tong kumakin ko. Patay, bawas ipon na naman ako.

Bigla siyang napangiwi sa naisip.

"Bakit?"

Gulat na tiningnan niya si dylan bago mabilis na umiling, malamang ay napansin nito ang pagsimangot niya. "Bilisan nating kumain. Baka makulangan tayo ng oras, eh." Muli niyang ibinalik ang atensyon sa pagkain pagkatapos sulyapan ang orasan sa naturang kainan, napansin kasi niyang malapit nang mag-ala-una.

Nakisulyapan na rin ito sa orasan. "Sorry, it's my fault. Hindi ko alam na dapat pala ay maagang nag-a-out kung gusto kong mag-discuss tungkol sa bayarin sa sasakyan ko. I think we should just discuss this over dinner, then," anito bago uminom ng juice.

Muli ay gulat na tinignan niya ang kaharap. "D-dinner?" Hindi naman siguro ito nagyayang mag-date sila hindi ba?

"Yes, we can discuss the topic further with more time. Mamayang gabi na lang." Tila desidido na itong mamaya na lang nila pag-usapan ang tungkol sa kotse.

"W-wait! A-ano, hindi kasi ako puwede. I promised Arnel na magdi-dinner kami mamaya. H-hindi ko naman puwedeng i-cancel iyon dahil naka-oo na ako sa kanya," naguguluhang sagot niya.

Dapat ba siyang pumayag sa inaalok nitong dinner? Dahil ngayon pa lang ay parang gusto na niyang i-cancel ang naunang natanguang engagement. Ngunit alam niyang hindi romantic ang paraan at iniisip ng amo sa pag-alok sa kanyang kumain sa labas. Gusto lang nitong pag-usapan nila ang tungkol sa kotse nitong binangga niya.

Pero kahit na gusto niyang umoo sa alok nito ay gusto rin naman niyang humindi para malaman kung ipipilit ba ni Dylan ang imbitasyong nito. Umaasa kasi siya na baka nagustuhan siya nitong kasama kaya niyayaya siyang lumabas.

"Okay. Naxt time maybe," sabi nitong ngumiti at bahagyang yumuko. 

"Ha? O-okay," medyo disappointed na sagot niya.

'Yan! Iyan ang napapala ng umaasa nang wala namang basehan! Hello! Hindi ang katulad ni Dylan Castillo ang magkakagusto sa 'yo. Malamang sa malamang ay may maganda, maputi at sexy-ing girlfriend 'yan. Iyong tipong may boobs, hindi basta puwet lang ang mayroon.

Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at naisip ni Fi na gusto siya ng lalaki? Imposible iyon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaching For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon