Chapter 3

2K 26 0
                                    

Nakaupo lang si Amber sa bench habang hinihintay ang kanyang kuya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumawag lang ang kanyang kuya na hindi siya masusundo nito dahil may tatapusin pa itong project. Ipinasya niyang magtataxi na lang siya pauwi.

“Amber sabay kana sa amin ni Alicia doon din kami dadaan malapit sa bahay nyo,” yaya sa kanya ni Ravel at bumaba ito sa sasakyan.

“Ha, eh..nakakahiya naman sa kasama mo. Wag na lang Ravel kaya ko namang umuwing mag isa,” mariing tanggi niya.

 “I won’t take ‘no’ for an answer. Mabait naman si Alicia. Just get in, Amber please, nakikiusap ito sa kanya siya naman ay napapahiya na ring tanggihan ang kaway ng pagmamakaawa nito.

Sumakay na siya. Tahimik lang siya sa likod habang nakatingin sa labas ng bintana. Ayaw niyang makitang naglalambingan ang dalawa. “Ang sarap mong batuhin ng sapatos Ravel di mo na ako iginalang,” sa isip isip nya. “Oh baka naman gusto mong  ikaw ang lambingin nya,” tinig iyon ng makulit niyang utak. Itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pagmamasid sa mga ilaw ng poste na nadadaanan nila.

 Sa wakas ay nasa tapat na sila ng bahay ni Alicia at inalalayan ito ni Ravel na makababa ngunit bago pa ito humakbang humalik ito kay Ravel saka bumaling sa kanya at humalik rin sa pisngi niya. “Gusto ko lang ipaalam sa iyo na he’s all mine, kaya wag kang gagawa ng hindi kanais nais sa kanya or else alam mo na kung anung pwede kong gawin sa iyo,” hinawakan siya nito sa braso at ngumiti pa ito ng ubod ng kaplastikan.

 Hinawakan nya ito sa braso at iwinaksi palayo sa kanya. “Wag mo akong pagbabantaan dahil hindi mo ako kayang sindakin. Ikaw ang matakot dahil pag ako ang kumilos sa isang pitik ko lang tatawag na lang si Ravel para makipagbreak sa iyo. Hindi mo alam ang kayang gawin ng isang Amberleigh Rodriguez Villena tandaan mo yan,” iritadong sabi niya. Kitang kita pa niyang namutla ang mukha ni Alicia saka tumalikod at nagsimula ng lumakad palayo sa kanya.

 “Mukhang masinsinan ang pinag usapan ninyo ni Alicia ah. Baka gusto mong ishare, pangungulit ni Ravel sa kanya habang binabagtas nila ang daan.

 “Sadista ka rin ano? Pipili ka lang ng girlfriend hindi pa yung matino. Ganyan ka ba talaga magmahal wala kang taste,” prangkang sabi niya. Naiinis kasi siya dahil wala itong pakundangan sa pakikipagrelasyon.

 “Ha? Anu bang sinasabi mong girlfriend. Bumuntong hininga pa ito. Look, I know what you’re thinking right now. Honestly speaking she’s not my girlfriend. Gusto nya akong makadate pero sinabi kong susunduin kita kaya sumabay na lang siya sa atin pauwi,” seryosong pagpapaliwanag nito pero bigla rin itong ngumiti.

“Are you jealous?” kasunod na tanong nito sa kanya.

 “The hell I care about you, pagalit na sagot nya pero ang puso niya ay parang gustong lumabas sa bibig niya sa sobrang lakas ng tibok nito. “Sinundo niya talaga ako. Aw, ang sweet niya,” bulong niya sa kanyang sarili. “Eh panu kung ipinakiusap lang ng kuya mo sa kanya na sunduin ka at ang totoo makikipagdate naman talaga ito”. Ah, basta I started to like him na  at masaya ako sa nangyayari ngayon wag kanang kumontra pa, suway niya sa sarili habang nangingiti.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon