“Mawawala lang ako ng ilang araw, baka pagbalik ko dito iba na ang tinitingnan nyo sa tinititigan,” nagbibiro pa siyang namamaalam sa mga kasamahan. “Ang mga bilin ko ha,” paalala pa niya.
“Yes Pakner areglado, no suitors, flower and gifts, don’t open your office, magbabait kami at higit sa lahat kailangang updated ka sa nangyayari,” natatawa pang sumaludo si Philip.
“Okay. Thank you. Bantayan nyo itong si Kaye,” natatawa pa ring sabi niya at inakbayan ito. “Baka maging lima na ang kulay ng buhok mo dahil mawawala sandali ang iyong tagapagtanggol sa walang sawang reklamador sa buong Pilipinas.”
“Bosing mag iingat ka sa pupuntahan mo ha. Nawa’y pagbalik mo mabait kana, don’t forget our pasalubong,” pinaglapat pa ni Michael ang dalawa nitong kamay.
Natawa na lang siya sa inasal ng mga kasamahan. Parang bata kung maglambing sa kanya. Kahit yata bumuga siya ng apoy sa harapan ng mga ito mataas pa rin ang respeto at pagmamahal ng mga ito sa kanya. Ang katwiran ng mga ito siya ang pansamantalang sumalo ng trono ng kanyang Kuya pagdating sa dedikasyon sa trabaho at pakikisama.
Kinuha niya sa kanyang bulsa ang cellphone upang tawagan ang kanyang Tita Margaret, ang mommy ni Ravel.
“Hi Tita good morning po. Itatanong ko lang po kung asan si Ravel ngayon di po kasi siya sumasagot sa tawag ko.”
“Good morning din Hija. Ravel was in Batangas. Here’s the address,” masiglang sinabi nito ang eksaktong address ng lugar kung nasan ito. Di naman siya mahihirapang hanapin iyon dahil may GPS ang sasakyan niya na binili pa niya sa Japan para macustomized ang feature na kailangan niya.
Ngayon lang siya makakarating ng Batangas. Excited na siyang makita ang lugar nito at pinaghahandaan na rin ang proposal na ihahain niya kay Ravel para mapapayag itong magpakasal. “Medyo mahihirapang kang resolbahin ang problema mo Amber, may girlfriend yung tao. Makakasakit ka ng damdamin ng iba. But I have no choice but to ask him to marry me. I’m sorry Olivia, but I have to do this for the sake of success of my mission.” Upang mawala ang tensyong nararamdaman niya pinatugtog na lang niya ang stereo type ng sasakyan niya. As usual Simple Plan ang pinapakinggan niya at sinasabayan pa niya iyon ng kanta.
Naabutan pa niyang nasa labas ng bakuran si Ravel and worst scenario for her kasama nito si Olivia. Ito na naman siya, parang batang naagawan ng laruan, hihikbing kung papaano o magtatago na lang sa isang sulok. Pero mas pinili niyang wag munang tumuloy na makalapit at nagkasya na lang sa malayo habang nakatanaw sa magkayakap na magkasintahan. Maya maya pa lang ay umalis na rin si Olivia. Hinintay lang niyang makapasok si Ravel sa loob saka pinaandar ulit ang sasakyan papalapit sa gate ng villa nito.
“Sir may babae pong naghahanap sa inyo, Amber daw po,” sabi ng katiwala nito.
“Mang Gustin ako na po ang bahala sa kanya. Bumalik na po kayo sa ginagawa nyo ako na po magbubukas ng gate.” Nagulat pa siya sa sinabi ng matanda. Pero sa halip na tumungo sa gate upang pagbuksan ito umupo muna siya sa isang bench upang ihanda ang sarili. “Man, si Amber ang dumating dapat poging pogi ka sa paningin niya. Yes! Dinalaw niya ako. Wooohhhh,” nagsisigaw pa siya sa sobrang tuwa. Saka lang niya naalalang napapatagal na ang paghihintay ni Amber baka tadtadin na siya nito ng bala pag nainip ito ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]
Storie d'amore“Amber you have to choose between my options: First you will marry Ravel or second you will quit your profession and lost your battle?, galit na tanong ng kanyang Daddy. “Dad you know I can’t give up my profession whatever it takes. I’ll took your o...