Chapter 13

2K 18 1
                                    

Agang aga napasugod siya sa opisina ni Ravel. Pero sa baba pa lang hindi na siya makapasok dahil katulad rin ng opisina nila may mga intrimidida ding nagtatanong sa kanya. Mukhang tinulad ni Ravel ang strategy nila pagdating sa pagpapasok ng bisita. Pinahinahon niya ang sarili niya saka nagtanong ulit sa mestisang babae na nasa front desk nito na napag alaman niyang sekretarya ni Ravel.

“Hindi kaya may gusto ito kay Ravel kung  maprotektahan sa akin daig pang siya ang girlfriend. Excuse ka Miss, ako ang legal wife.” Nakuha niya iyon sa isang pelikulang napanood niya. “Miss please tell you’re boss na andito ako sa baba. Si Mrs. Amberleigh Villena-Montenegro. I’m his wife,” nagmamalaking sabi niya kahit pikon na pikon na siya.

“Pero Miss Villena wala naman pong asawa si Sir Ravel. He is single and very much available. Napakaimposible naman po ng sinasabi nyo,” sagot nito.

“You can go or call him if you want. Please nangangalay na ang binti ko dito di nyo man lang ako mapaupo,” nagmamaktol na sabi niya.

Sa halip na tawagan ang amo sumakay ito ng elavator. Bago pa siya tuluyang mainip nag isip na lang siya ng gagawin sa isang linggong bakasyon hiningi niya upang makapagconcentrate siya ng maayos sa kaliwa’t kanang kasong hawak niya.

“Sir may nagpakilala po sa lobby, Mrs. Amber daw po asawa nyo po, humihingal na tanong ng sekretarya niya. “Siguradong nakatikim ito ng bagsik ng asawa ko,” nausal niya pagkarinig sa nanginginig na boses ng pobreng babae.

“Oo asawa ko siya. Papasukin mo siya rito Cristy bago pa magpaulan ng bala yun sa baba. Pakisabi na rin sa lahat ng empleyado na asawa ko si Amber Villena-Montenegro para sa susunod na punta niya dito di na niya kailangang magpakilala pa.”

Tumalima naman agad si Cristy bagamat alam niyang gulat pa rin ito hindi na ito nagtanong pa. Nakakailang hakbang pa lang ang sekretarya niya bumukas na ang pinto. Iniluwa nito ang babaeng galit na galit. Si Amber.

“Ravel anu bang kalokohan ito? Bago pa ako nakapasok sa lungga mo sandamakmak na ang pagpapahirap ang ginawa sa akin ng mga empleyado mo. Kung hindi ko pa inilabas ang pagiging Gabriela Silang ko di sila matitinag na papasukin ako,” usok ang ilong nito sa galit.

Tumayo naman siya upang pakalmahin ang asawang galit na galit habang sinenyasan ang sekretarya na iwan na sila.

“Baby, relax lang. Bakit ka ba nagagalit eh di ba ganyan din mga kasamahan mo sa headquarter nyo?” masuyo nya itong niyakap at hinalikan sa buhok.

“Wag mo akong mababy baby pag ganitong masama ang timpla ko,” kumalas siya sa pagkakayakap dahil unti unting napapawi ang inis niya ng lambing nito.

“Nag abala ka pa na dumaan dito. Namimiss mo ako no? Wow ang sweet mo naman, kinurot pa siya nito sa tagiliran. Napaatras pa ito ng makitang uupakan niya ito ng suntok.

“Wag kang assuming. Pumunta lang ako dito para komprontahin ka. Bakit mo pinakain ng isaw at balot si Michiko ha? Naku Ravel tatamaan ka talaga sa akin pag may nangyaring di maganda sa tiyan nung tao.”

“Ah yun lang ba ang ikinakagalit mo kaya ka sumugod dito? Baby ha, sobra na ang dahilan ko para magselos. Wag naman ganyan, ako ang asawa mo ako dapat ang priority mo hindi ang bisugong iyon,” nakakatakot man ang hitsura ng kaharap pero nagsumiksik pa rin siya dito.

“Sagutin mo ang tinatanong ko wag yung para kang pusa dyan.”

“Oo na kahit labag sa kalooban kong sagutin ng tanong mo. Siya naman ang nagpumilit na kumain. Gusto daw kasi niyang tikman yung mga niluluto sa tabi ng kalsada habang pauwi kami sa condo niya. So bilang mabuting mamamayan pinagbigyan ko siya.”

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon