Chapter 2

3.3K 30 1
                                    

 “Anthony, Amberleigh come here we have to talk,” seryosong sabi ng kanyang Daddy katabi rin nito ang kanyang mommy.

Kabadong kabado sila dahil alam nilang may sasabihin itong mabigat. It’s either bad or good news for them. Natatakot man sila pero inihanda na nila ang kanilang sarili na darating sa kanila ang ganoong sitwasyon.

 “Lately napapansin naming parang di kayo mapakaling dalawa. Tell me what’s bothering both of you?” ang kanyang ina agad ang nagtanong pero mahinahon ang boses nito.

 Natigilan silang dalawa. Alam nilang hindi basta basta ang issue na kinakaharap nila ngayon.

 “Wala bang magsasalita sa inyo?” tumataas na ang boses ng Daddy nila.

 “Daddy, Mommy relax lang po kayo. Ito kasing si Amber inasar si Ravel kaya hanggang ngayon di pa rin nakikipag usap sa amin si Ravel, mahinahong paliwanag ng kanyang kuya.

 “I’m aware of that issue Anthony, what we are talking here is that – tumigil ito sandali saka itinuloy ang sasabihin, ang inyong ginawang pagtakas sa amin ng Mommy mo. Natigilan silang dalawa habang humuhugot ng malalim na hininga ang kanyang Daddy. Napalunok silang magkapatid dahil sa pambibitin ng kanyang ama na lalong nagpapalakas ng tibok ng puso nila.

 “Congratulations both of you,” naiiyak pang niyakap ng mag asawa silang dalawa. "We are so proud of you kahit matigas ang ulo nyo at palagi kayong tumatakas sa amin. You’re the most hard headed children but incredible detective in solving criminal cases.” Nalaman na pala ng mga ito na sila ang may pakana kung panu nahuli ang malaking sindikato na nagtatago sa kabilang bayan.

 Nagkatinginan pa silang dalawa at naghigh five pa. Nakahinga na sila ng maluwag sa pag aakalang katapusan na nila.

 “Nakita ko sa computer mo kung panu nyo sinubaybayan at kinuhanan ng mga ebidensya ang grupo ng sindikato,” pagpapaliwanag ng ama.

 “Kahit kinakabahan ako at nakakaramdam ng sobrang takot na baka mapahamak kayo sa ginagawa nyo hindi ko maiwasang humanga sa inyong katalinuhan at lakas ng loob,” ang kanyang mommy naman ang nagsalita habang naiiyak pa ring niyakap silang dalawa.

 “Thank you Mommy. But infairness huh, by your voice and your looks, Mom and Dad you almost killed us in tense,” nagbibirong sabi niya habang bumabawi sa pagkagulat.

 “Thank you Mom and Dad for always supporting us. Don’t worry we promised that we will not do it again without your conscience, nakabawi na rin ang kanyang kuya.

 “One down Brother, ”nagthumbs up pa siya.

 “Daddy decided na po akong maging pulis para maging legal na po ang ginagawa namin ni Amber,” pagtatapat ng kanyang kuya. Tumango lang ang daddy nila.

 “Eh Daddy ako po kaya?,” singit naman niya.

 “I’m sorry honey but we can’t let our princess be in danger. I hope you understand. Kuya can take care of himself, and can take care of you too, mahinahong sagot ng kanyang mommy habang hinahaplos ang buhok niya.

 “Amber you can help naman Kuya of course. With your level headed mind you can help him in solving cases. We have a surprise for you.You two will go this coming Saturday in Baguio. Here is the address where you can find our gift. If you want you can let Ravel join you para magkaayos na kayo,” sabay abot sa kanya ang isang papel at ang susi ng sasakyang gagamitin nila.

 Kasalukuyang binabagtas na nila ang daan papunta sa Baguio. Excited na siyang makita kung anung gift sa kanila ng kanyang magulang.

 “Gusto nyo bang kumain baka nagugutom na kayo sa sobrang tahimik nyong dalawa. Kahit hulugan ata kayo ng nuclear bomb di kayo magkikibuan,” natatawang sabi ng kanyang kuya.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon