“Ohayou gozaimasu. Where’s Amber? Kilala na ito ni Kaye dahil tatlong beses na itong nagawi doon upang bisitahin si Amber.
“Ohayou. Miss Amber is in her office right now.”
Tumuloy na ito sa opisina niya. Doon ay ikinuwento niya ang nangyari sa kanya sa Batangas. Niyakap siya nito at sapat na yun para mabawasan lahat ng bigat na nararamdaman niya.
“The worst feeling isn't being lonely, Michiko-san. It’s being forgotten by someone you'd never forget, doon na siya napaluha ng tahimik. Pagkatapos ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman alam niyang matatag na niyang haharapin ang bukas. Nagpaalam na din ito ng masigurong okay na siya.
Kinabukasan maaga siyang pumasok dala na rin ng magaan niyang pakiramdam. Nagkulong na ulit siya sa opisina upang pag aralan ang mga impormasyong nakalap ng kanyang mga informant. Dati itong tauhan ng kanyang kuya. May background din siya sa lahat ng kasong hawak noon ng kanyang kuya dahil siya ang nag susupply ng iba’t ibang modern device na binibili niya sa Japan. Lahat ng mga files nito ay nakastore sa underground cave ng bahay niya sa Baguio. Ipinadesign niya ito para dito kaya ng magdecide siyang maging pulis yung agad ang una niyang inasikaso. Naputol lang ang pagbabasa niya ng ng may kumatok sa pintuan niya.
“Mam baka gusto ninyong saksihan ang munting eksena ng taong nagpupumilit na makausap kayo. Fianceé raw po niya kayo, lakas ng loob,” nanunuksong sabi ni Kaye.
“Mukhang masaya ito. Sige dating gawi tayo,” umayon naman agad siya sa kalokohan ng mga kasama.
“Sir sino nga po hinahanap ninyo?, tanong ni Philip.
Pikon sa sumagot si Ravel. “Kanina pa po akong paulit ulit Sir, si Amberleigh Rodriquez Villena ang hinahanap ko.”
“Pwede po bang malaman kung kaanu ano po niya kayo?, tanong ulit ni Philip. “Sige lang Philip asarin mo pa ng makabawi naman ako. Ingat ka lang Pakner pag napundi iyan,” natatawang bulong niya sa sarili habang pinapagalaw niya ang spy camera niya para may souvineir siya.
“She’s my fianceé. Ngayon kung pwede sana pakisabi na andito ako sa labas at hindi ako aalis dito hanggang di siya nakikipag usap sa akin.” Nagulat siya sa sinabi nito ngunit nanatiling tahimik upang hintayin ang sasabihin ng mga kasamahan.
“Sir may bisita po kasi si Bosing, nagbilin po siya ng wag silang iistorbohin. Mukhang masinsinan po kasi ang pag uusapan nila. Tumigil pa si Myca ng pagsasalita upang tingnan lang ang ekspresyon ng mukha ni Ravel. Galit ang rumehistro sa mukha na lalong ikinaexcite ng mga kasamahan niya. Madalas nila itong gawin sa tuwing may mga manliligaw siyang nangungulit sa opisina niya. Kumbaga ang labanan ay matira ang matibay.
“Take note, Myca ang gwapo ng bisita ni Bosing, mukhang may something sila kasi di naman basta basta tumatanggap ng bisita si Bosing pero yung gwapong Hapones na yun pinapasok agad niya. May spark talaga pag nagtitinginan sila,” panulak naman ni Michael. Namumula na sa galit si Ravel dahil sa sinasabi ng mga ito.
Umimik pa ng isang hirit ang madaldal niyang partner. “Kung ako sa iyo Sir, ibabalot ko na ang sarili ko sa tape kung ayaw nyong humiwalay ang iyong kaluluwa sa katawan mo samahan mo na ng glue pag pinagtabuyan kayo palabas ni Bosing. Ikaw lang ang inaalala namin.”
“Ah ganun ba okay?, tumalikod na ito. Nagkakangitian na ang mga kasamahan niya ng marinig nilang may kausap ito sa cellphone.
“Yes Ninong. Gusto ko po kasing makausap si Amber pero may palagay akong itinatago siya ng mga kasamahan niya dito sa headquarters nyo.” Idiniin pa nito ang salitang “itinatago”.
Namutla ang mga kasamahan niya. Ninong pala nito ang General nila. Si Philip rin ang unang bumawi.“Boss, General, Amo, katatawag lang po ni Bosing pwede na daw po kayong pumasok,” natatarantang sagot nito sabay turo kung asan ang opisina niya.
Hindi na ito sumagot dirediretso nang naglakad papunta sa direksyong itinuro ni Philip. Siya naman ay pinipigil na matawa sa eksenang nakita niya. Itinalikod niya ang kayang upuan upang makalma niya ang kanyang sarili. Kumatok ito at kusang bumukas ang pinto pagkapindot niya ng remote. Tahimik itong umupo.
“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung sino at ano ang ginagawa ko ngayon dito,” galit na tanong nito.
“Okay, what brought you here Mr. Montenegro?, pinipigil pa rin niyang mapatawa sa hitsura nito ngayon. Parang na narape ng isandaang beses.
“I’m accepting your marriage proposal kahit di ko alam kung anung dahilan mo at biglaan mo akong niyayang pakasalan ka,” seryosong sagot nito habang hawak ang picture frame nilang tatlo nung nasa Baguio sila. “Ang cute natin dito.”
“Thank you.Gusto ni Daddy na may taong kokontrol sa mga galaw ko sa misyon ko. He believed that you are capable of doing that. Besides pag di kita napapayag na pakasalan ako ipapatanggal niya ang lisensya ko bilang pulis and the worst scenario here is that I won’t be able to resolve my Kuya’s case. Siguro naman kahit panu gusto mong matulungan akong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko.”
“Okay. Magkita na lang tayo sa Sunday. Gusto ko sa Batangas tayo magpakasal. Don’t worry okay na lahat ng papers. Our exchange of vows na lang ang kulang,” tumalikod na ito at akmang lalabas nang bumalik ulit ito. “By the way, pagsabihan mo ang mga kasama mo na pag ako ang bibisita sa iyo papasukin nila agad ako, pag iba naman yun ang pagdiskitahan nila,” humalik pa ito sa pisngi niya. See you on Sunday Baby.” Naiwan siyang nakatulala at hawak ang pisnging hinalikan nito. “Baby? Pwede na.”
BINABASA MO ANG
Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]
Romance“Amber you have to choose between my options: First you will marry Ravel or second you will quit your profession and lost your battle?, galit na tanong ng kanyang Daddy. “Dad you know I can’t give up my profession whatever it takes. I’ll took your o...