Chapter 15

1.7K 21 0
                                    

“Bosing, tumawag ang sekretarya ni Boss, manager, amo, sunduin mo raw ang iyong honeybunch dahil inaapoy ng lagnat,” humahangos na sabi ni Myca.

“Ha? Ang kurimaw na yun. Pasaway talaga. Sige, sige aalis na ako kayo na muna ang bahala dito, nagkukumahog na sabi niya at wala siyang sinayang na oras para makarating sa opisina ni Ravel.

                      

Nag U-turn na lang siya para makaiwas sa matinding trapik sa kahabaan ng EDSA. Buti na lang ang nakaduty na MMDA sa daan ay kumpare niya kaya nagawa niyang makalabas ng buhay. “Pasensya na Pare may emergency lang maysakit kasi ang asawa ko. He needs me badly,” seryosong sabi niya at gumanti lang ito ng saludo sa kanyan bilang pagsang ayon.

“Buddy bilisan pa natin. Wala eh mahal ko ang asawa ko at ayaw kong maagang mabalo.”

Nakarating din siya at dali daling dinaluhan ang asawa. Damang dama niya ang init na nagmumula dito. Halos hindi na ito makamulat sa taas ng lagnat.

“My gosh, Ravel. What happened to you? Sa ospital na tayo tumuloy,” habang inaalalayan itong makapasok sa loob ng sasakyan.

“No. Sa bahay tayo dumiretso, mas gusto ko dun. Para san pa at asawa kita kung iba ang mag aasikaso sa akin,” matabang na sagot nito.

“Anu na naman bang drama ito? Lumalayo na nga ako pero wala ka namang ginawa kundi lumapit ng lumapit sa akin. Hay ang buhay talaga hindi kita kayang tiisin.”

 

“Okay. Magpahinga kana lang muna. Don’t bother to buckle up. My buddy with provide it for you. Biglang nag automatic seatbelt ito at nailock rin ang pinto.

“Wow! Ikaw na ang high tech ang sasakyan. Bulletproof ‘to diba? Sabagay ikaw na ang may boyfriend na Hapones na henyo sa technology pero inapi sa kagwapuhan ewan ko lang,” nang aasar pang sabi nito habang hawak ang sentido. Siya naman ay napapatitig dito. Mukhang ang mata niya ang automatic kung makatingin dito.

“May sakit kana nga nakakapang asar ka pa?”

“Why are you always staring me like you wanted me to be with you?” tanong nito

“Who told you? Pare nagdadrive ako hindi ikaw ang tinitingnan ko. Naghahallucinate kana kaya ka ganyan magsalita. Just shut up your mouth.”

“Who told you too? The next time I caught you staring at me I would think that you started falling in love with me. And I guess there’s nothing wrong with it do you?

“Tse matulog kana lang dyan. Pasalamat ka maysakit ka ngayon kung hindi kanina pa kitang itinapon sa tulay,” inis na sagot niya pero paulit ulit na rumurehistro sa utak niya ang binitiwang salita nito. “Kahit naman mahalin kita ng sobra sobra di pa rin talaga pwede.”

 

Pagkarating nila sa bahay nito dumiretso sila sa kwarto nito. Nagtungo siya sa kusina upang ipagluto ito ng soup saka pinainom ng gamot. Buti na lang at tumigil ito ng pag iinarte at sumunod na lang ito sa ipinapagawa niya.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon