Chapter 17

1.9K 21 0
                                    

1 year ago….

 

“Ehem, anu na namang drama yan Mare? Kanina mo pang pinapanood yang mga pictures nyo ng asawa mo. Kung makakapagsalita lang ang laptop mo siguro nakapagreklamo na yan sa iyo?,” nang iinis na sabi ng kanyang kaibigang si Alissa, sikat na car drifter at bandmate niya.

“Anu na namang masamang hangin ang nagtaboy sa iyo dito sa opisina ko para lang bulabugin ako?”

“Sorry kung nabulabog kita sa lungga mo. Kumakain ka pa ba? Ang payat mo na masyado mo kasing iniisip ang iyong sinta pwede namang puntahan sa RP. Ano? Magpapabook na ba ako may promo pa sila ngayon,” nakangiting sabi nito habang binabalatan nito ang mansanas at iniabot sa kanya.

 “Sige ba. Basta kasama ka para masaya.”

 “Bruha ka. No, thanks. Alam mo namang allergy ang mga tao dun sa pagmumukha ko pa lang.”

 “Ikaw din naman ah allergy sa mukha ng mga tao sa RP. Kailan mo balak lumabas ng lungga mo? Aba masyado mo ng inaabuso ang Japan sa pagtatago mo baka gusto mong magbakasyon rin sa RP kahit isang araw lang,” nakangiting sagot niya at biglang natigilan ang kaharap.

 “Wag na nga nating pag usapan ang buhay ko. Nagpunta ako dito para imbitahan kang tumugtog kasama ng banda ko sa Saturday night,” saka ito naglakad palayo.

“Alissa I’ll go with you if you stay for a while gusto ko lang na may makausap.”

“100% sure. Hay salamat ang taong bato natauhan din sa wakas. Go ahead magkwento ka ng kahit na anu makikinig ako. Grabe may himala,” itinaas pa nito ang kamay na parang si Nora Aunor saka umupo ito ng maayos sa sofa.

“Tse tumigil ka, di bagay sa iyo maging santa.”

Tumawa lang ito ng pagak saka sumeryoso ulit ang mukha. “Mahal mo nga siya halata namang siya ang dahilan ng kalungkutan mo ngayon.”

“Yeah,” lantarang pag amin niya dito. “He’s the only man I offered my whole life. I love him so much that I am willing to risk my life for him. Kaya lang hindi naging maganda ang aming paghihiwalay. Hindi ako nakinig sa mga paliwanag niya. All I care was the feeling that bursted in me that time. My brother told me everything from the start till end.”

“Teka lang ha naguguluhan ako. Pakikwento mo na nga lang ng di ako nangangapa at nag iisip pa, okay lang?” natatawang sabi nito ngunit sumeryoso ulit ito.

“My parents were too worried about me when my kuya died way back then. Bilang bestfriend ng kuya ko, si Ravel ang unang naisip nilang hingan ng tulong. Ravel came up with a plan. He told to my parents to give me an ultimatum na pakasalan siya upang makontrol niya lahat ng galaw ko. And my parents believed that Ravel was capable of protecting me. Dahil natakot akong mawalang saysay lahat ng pinaghirapan ko, pumayag ako at nagtagumpay siya sa una niyang plano.

“May kinalaman din ba siya kung panu nabalik sa inyo ang kuya mo?”

“Yes, he was behind in recovering Kuya from amnesia. Zairah, who was a friend of my Kuya and Ravel, had a connection with the organization. She traded herself just to make sure that Kuya will not kill by the entire member of organization. Kaya noon pa lang ginawa niya lahat ng paraan para mailayo sa akin ang kaso. Natakot siyang baka matutunton si Kuya ng grupo at tuluyang di na ito makaligtas. Nalaman lahat ni Ravel ang kinaroroonan nito dahil may kinuha itong private investigator na magbabantay sa bawat kilos ni Zairah hanggang sa matagpuan nitong buhay si Kuya pero wala itong naaalala kahit anu. He even took my precious photo album, malaki raw ang naitulong nito para bumalik ang alaala ni Kuya. He had done so much for me. Pero anung ginawa ko pinagtabuyan ko siya sa halip na pasalamatan,” naluluhang sabi niya.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon