Chapter 4

1.8K 25 0
                                    

“Oh natahimik kana dyan. Syempre joke lang yun, I know kahit ako na lang ang nag iisang lalaki sa mundo hindi mo ako magugustuhan.” Bagaman nakatingin ito ng diretso sa daan pero makikita pa rin sa ekspresyon nito na malungkot ito at hindi siya sigurado sa kung anu ang nararamdaman nito sa puso. Hindi niya ang alam kung nasasaktan nga ito o nang aasar lang.

 “Hindi dito ang daan papunta sa amin Ravel,” nagtatakang tanong niya rito.

 “Yeah, I know. Pwede ba kitang makasama kahit sandali lang. Nagpaalam na rin ako kina Tita Edith na magpapasama lang ako sa iyo since busy ang kuya mo at ayaw ko siyang maabala.”

 “Shocks to the highest level na talaga ito.” Dati kasi nagkakasya na lang siya na nakatingin sa malayo habang masayang nagtatawanan ang kanyang kuya at si Ravel pero ngayon siya ang gusto nitong makasama.

“Sure.” Yun na lang ang naisagot niya dahil ayaw niyang bitiwan ang nararamdaman niya sa ngayon. Para siyang nakalutang sa ulap sa sobrang gaan ng pakiramdam niya.

 “May sakit ka ba? Kanina ko pa kasing napapansing ang lungkot mo ata,” di na niya makayanang di makiusyuso. Nakatulong din ito upang mapakalma ang naghuhuremintado niyang puso. matagal itong sumagot. Itigil nito ang sasakyan at inalalayan siyang makababa sa tapat ng restaurant. Pumasok na sila at ito na rin ang umorder. 

“Amber, I listened to my calling katulad ng sinabi mo.”

 “And?” Naiinis na siya sa pambibiting ginagawa nito. "Ravel wag mo akong patayin sa kaba awa mo na."

“Sa seminaryo na ako mag aaral at kung papalarin magpapari ako,” bumuntong hininga ito.

 “Good to hear that. Do your best Ravel. Basta pag ikinasal si kuya ikaw ang priest okay ba yun?,” nakakapagbiro pang sabi niya pero ang totoo ay parang tinutusok ng isang libong karayom ang puso niya sa sobrang lungkot na nararamdaman.

“Sure basta kailangan mangungumpisal ka sa akin ng mabawasan naman ang kasalanan mo.” Tumitig ito sa kanya at saka siya basta na lang niyakap. Hindi niya alam kung bakit parang may humihila sa kamay niya dahil kusa itong umangat at gumanti ng yakap dito.

 “Mamimiss kita Amber pati ang Kuya mo. Goodluck sa mga career natin,” sabi nito habang hinahaplos ang buhok niya.

 “Mamimiss ka rin kita lalo na si Kuya. Alam na ba niya ang plano mo? Thank you for being good to us. See you after 10 years nga ba?”

“Yeah, I already told it to him a month ago. Siguro naman pag nagkita ulit tayo matino kana.” Maya maya pa ay nagtatawanan na sila at nagdesisyon na ring umuwi. This is a really goodbye for her. Somehow masaya siya na sa wakas nagkaroon na rin ng straight decision si Ravel pero nalulungkot din dahil ngayon pa lang kailangan na niyang itigil ang pag iilusyon na baka balang araw hindi malayong magkatuluyan rin sila.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon