Karylle's POV
Naglalakad-lakad ako sa park halos kanina pa ako ritong pabalik-balik wala kasi akong magawa sa bahay. Medyo nagitla pa ako nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Nag-text si Anne, My Bestfriend since elementary.
['Hoy, Ana Karylle Tatlonghari. Bili ka fries bago umuwi. Pretty please, Budz.^^ Mwa']
Magkasama kasi kami sa iisang bahay ni Anne. Our parents were the ones who buy it. Our parents are close because they're business partners. They bought the house which is malapit lang sa school para na rin hindi hassle sa'min ni Anne.
['Okay Anne Ojales Curtis-Smith] I replied to her. Haha. I'm sure maiinis 'yon, ayaw niya kasi na binabanggit ang full name niya. Haha.
Ibinalik ko na naman ang cellphone ko sa bulsa at nagpatuloy sa paglalakad. Napadaan ako sa isang lalaki na naka-upo sa bench with his earphones, mukha itong natutulog.
At dito pa naisipang matulog?! Hindi naman siya mukhang pulibi in fact, ang ganda ng kutis nito moreno at in all fairness, ang gwapo nito with his shades. He was wearing all black. Meron din itong hikaw sa tenga at kung titignang mabuti ay mukha itong modelo. At sa aura naman nito ay para itong gangster.
Ays! Ano ba 'yan kung anu-ano pa'ng napapansin ko, pati tulog ba naman? Umupo muna ako sa isang bench na medyo malayo do'n sa guy, napapagod na rin kasi akong maglakad. Mamaya ko na bibilhin 'yong pinapabili sa 'kin ni Anne.
"Taya! Hahaha. Ako naman habulin mo. Hahaha. Habol." Boy
"Ay! Ang daya! Ang bilis mo naman. Saglit." Girl
"Ano ba 'yan! Palibhasa ang taba-taba mo kaya ang bagal. Hahahahaha." Boy
"Ah, ga'non! Payatot. Humanda ka!!!" Girl
Napatingin ako sa mga batang naglalaro do'n sa malapit sa bench no'ng guy. Nakakatuwang tingnan 'yong mga bata. Naalala ko tuloy si kuya. He's very protective pagdating sa akin at mas malala pa siyang mag sermon sa 'kin kaysa kay Dad. =_=
"FUCK! YOU'RE SO NOISY!!! AARRRGGGHHH!"
Nagulat ako sa sumigaw at napalingon ako dun sa mga bata. Hala, maiiyak na si baby girl.
"DAMN IT! DON'T YOU DARE CRY!" Napatingin ako do'n sa lalaki na kaninang naka-upo do'n sa may bench. Now, he's awake and in all fairness ang gwapo niya pala talaga! Lalo na ngayon na hindi niya suot 'yong shades niya.
Pero kawawa naman 'yung mga bata kung maturo ng lalaking 'to, o. Tsk.
"Why are you so mean? WAAAAAAAAAH" sabi ni baby girl. Hala! At 'ayun umiyak na nga.
Argh. I can't go there. I'm afraid. Oo, duwag ako. Hindi ako katulad ni Anne 'yong bestfriend ko na palaban baka mamaya 'pag lumapit ako, ako pa pagbuntungan ng galit nu'ng lalaki na 'yon. Hays, pa'no ba 'to?
"OH, SHIT! WHERE'S YOUR MOM?!" sigaw pa ulit noong guy.
"We don't have a mom." Sagot naman ni baby boy. He was also crying.
Hays. Pati ba naman kasi bata pinapatulan ng lalaking 'to.
Bahala na nga. I approached them. At saktong umalis 'yong guy! Thank you, lord. Buti na lang!
Agad naman akong nakalapit do'n sa mga bata. "Hush, babies. Ate Karylle is here. Don't cry." Binuhat ko si baby girl. Umupo ako do'n sa bench na inupuan no'ng lalaki. Lumapit din naman sa'kin si baby boy. I gave them candy. Buti na lang may candy ako sa bulsa. Medyo tumahan naman sila.
"Asan ang kasama n'yo?" Tanong ko sa mga ito.
"Nanny is there," sagot ni baby boy. He pointed at the playground.
Tumayo na ako para ibalik ang mga batang ito sa nag-aalaga sa kanila. Pagdating namin sa playground, baby boy pointed at his nanny, Then i saw her na masayang nakikipagkwentuhan. 'Di man lang nito alam na may nag paiyak na sa mga alaga niya. Napakapabaya ah. Tsk, tsk.
Pinagsabihan ko nga pag lapit namin, nakakainis kasi.
"Goodbye Enzo and Sophia! Be good, okay?" They told me their name. Ang ku-cute nila.
"Bye, Ate karylle!" Sabay kaway ng mga ito sa akin.
Then umalis na ako sa park. Mahirap na baka makasalubong ko pa yu'ng lalaking walang modo. Aish, at nagderetso na ako sa McDo para bumili ng fries.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Pagdating ko sa bahay namin ni Anne kinuwento ko agad sa kanya ang nangyari.
"Di ba sabi mo, Budz, Gwapo yo'ng guy?" Tanong ni Anne.
"Yes, why?" Sagot ko.
Ngumiti naman ito "So, okay lang 'yon, sadyang ganyan 'pag gwapo 'yong guy. Expect mo na masama ang uga---Ouch!" Binatukan ko nga.
"Wow, huh. Haller?! Pero sana kung 'andon ka binigyan mo na sana yon ng leksiyon!" Mahilig kasi sa gulo itong si Anne. Yeah. Bad Influence siya. Haha.
"O, siya manood na lang tayo ng movie para mawala na 'yang inis mo do'n sa lalaking yon." Natatawang sabi naman ni Anne.
"Good idea, Anne." Ito kasi ang hilig namin, ang mag-movie marathon.
Tumayo naman si Anne at nagderetso papunta sa kusina. "Pili ka na ng panonorin natin, luto lang ako ng popcorn. WAG HORROR, BUDZ!" pasigaw na sabi pa nito.
"Makasigaw ka naman. Kailan ko ba ginusto ang HORROR???" Tumayo na ako at naghanap ng magandang panoodin
"Haha. Wala lang. Trip ko lang sumigaw. Hahahaha." Aish. Iba talaga ang trip nitong si Anne (#BaliwSiAnne)
●----------------------●
Naka tatlo kaming panood ng movie ni Anne at inabot kami ng ala-una nang umaga. Lagot na, maaga pa naman kami bukas puro romance-love story pa naman ang mga pinanood namin at pugto na ang mga mata namin kakaiyak, para na kaming ewan dito.
Humarap sa'kin si Anne. "Haha. Ang pula-pula na ng mata mo, Budz. Namumugto pa."
"Kung makasabi ka. Hahaha. Para naman 'yong sayo hindi. Parehas lang tayo, no."
"Haha. Pa'no tayo bukas nito?"
"Itulog na lang natin to. Tara na sa taas. Nakakapanghina ring umiyak."
Umakyat na kami sa mga kwarto namin.
"Good night, budz. Sweet dreams. Sleep well." Anne. Na nasa may pinto ng kwarto niya.
Lagot kami nito bukas. Maaga pa naman ang pasok namin. BI talaga si Anne. Haha.
BINABASA MO ANG
She's Mine. Only Mine || Vicerylle
FanfictionSino ba ang mag-aakalang ang first meeting line nila Karylle at Vice ay: "Whatever! You're disgusting" naiinis na sabi ng babae. "I disgust you more" madiing sabi ng lalaki na nakapagpatigil sa babae at maang na napatingin dito. Na dahil sa tagal n...