Karylle's POV
"Good Morning!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Good morning din, Paulo." Napatingin ako sa kanya. He seemed okay, pagkatapos nang nangyari kahapon. Actually, wala naman talagang nangyari, puno lang talaga ng tension kahapon.
"Asan si Anning?" Sabay na kaming naglalakad papunta sa room namin.
"Ah.. M-masama ang pakiramdam." Pero ang totoo hindi makakapasok si Anne dahil hindi rin naman daw siya makakapag-concentrate sa mga pag-aaralan namin dahil hanggang ngayon lutang pa rin 'yon. 'Wag ko na lang daw ipaalam sa iba.
"Ah, Dalawin ko kaya siya mamaya?"
"Naku, 'wag na. Hindi naman gano'n kalala 'yong sakit no'n. Papasok na rin naman siya bukas."
"Ah, sige." Buti na lang hindi na ito nagpumilit.
Napaupo na kami sa mga seat namin pagpasok ng room tutal wala naman akong katabi kaya do'n na naupo si Paulo sa tabing silya ko.
"Bakit parang napuyat ka yata?" Tanong sa 'kin ni Paulo.
Humarap naman ako rito.
"Madami lang akong iniisip. Halata ba ang eyebags ko?"
"Okay lang maganda ka pa rin. Kaya nga lalo akong nahuhulog sa'yo eh."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Paulo. Tama ba ang nadinig ko?
"Ah---Hehe. Ano ba 'yang hitsura mo? Mukha ka talagang labanos." Sabay tawa nito nang malakas.
"Loko ka." Pinaghahampas ko siya nang mahina.
"Aray! Ano ba, Labs?"
"Pumayag na nga akong mag patawag sa'yo ang Labs 'wag mo na akong tawaging Labanos!" Hinahampas ko pa rin siya. Siya naman todo salag sa mga hampas ko.
"Oy, masakit na, ah. Sige ka. Kukunin ko na yung libro ko."
"Feeling mo ibibigay ko? Haha."
"CLASS, good morning." Napatigil kami sa pagkukulitan nang dumating na si Sir.
After 30 minutes...
Ang aga-aga inaantok na kaagad ako. Nabo-bored ako sa pagle-lecture ni Sir. At si Paulo naman kanina pa hikab nang hikab.
"Here." I gave him candy.
"Baka mamaya may gayuma 'to."
"Kung ayaw mo 'di wag mo kainin." Irap ko sakanya.
Sa wakas tapos na ang klase.
"Bakit 'di ka pa umaalis, 'di ba may next subject ka pa?" Tanong ko kay Paulo.
"Hindi, dito na lang ako."
"Bakit naman? 'Di ba sabi mo may quiz kayo ngayon? Umalis ka na baka ma-late ka pa."
"No. Dito na lang ako wala kang kasama."
Napangiti naman ako do'n. Ang sweet ni Paulo.
"Ano tingin mo sa mga classmate natin. May mga kasama pa rin naman ako at saka okay lang ako, 'no. Sige na. Alis na."
"Aish. Sige na nga. Pero 'pag napapanis na talaga ang laway mo rito tawagan mo lang ako and I'll be here. Haha."
"Ewww, umalis ka na nga. Mang-iinis ka lang, eh."
Tapos 'ayun umalis na siya at ako naman nag soundtrip muna, may 30 minutes vacant pa kasi kami bago magsimula 'yong next class. Matutulog muna ako.
Nagising ako nang may nangalabit sa'kin. I opened my eyes, literal na nanlaki ang mata ko.
"Sabi na nga ba, eh. Ikaw 'yan. Hahaha. Hello, classmate."
Siya 'yong kaibigan ng kapatid ni Paulo. 'Wag mong sabihing...
Tumingin ako sa loob ng classroom at WHAT?!! BAKIT SILA NANDITO?!
"Hi, miss. BILLY here."
"Hi beautiful, JHONG here."
"VHONG."
"Ako naman si TEDDY."
Tapos napatingin ako sa lalaking nakasubsob sa lukuran..... SI VICE!!!! OMG.
~•~•~•~•~•~•~
Sobrang Sabaw ng chapter na 'to, sorry na guise. ✌😂Babawi na lang ako Next Chapter. Bye guys 👋
-@SWEETVICEY
BINABASA MO ANG
She's Mine. Only Mine || Vicerylle
FanfikceSino ba ang mag-aakalang ang first meeting line nila Karylle at Vice ay: "Whatever! You're disgusting" naiinis na sabi ng babae. "I disgust you more" madiing sabi ng lalaki na nakapagpatigil sa babae at maang na napatingin dito. Na dahil sa tagal n...