Chapter 8

294 11 0
                                    

Karylle's POV

"HINDI KO TALAGA SIYA MAINTINDIHAN, BUDZ!!! NAKAKAINIS NA SIYA! I HATE HIM!" Paulit-ulit ng sinasabi ni Anne simula nang makabalik kami rito sa bahay. Para na siyang sirang plaka.

"Anne, try mo kayang magkwento para maintindihan ko."

"Basta i hate him. Bahala siya sa buhay niya!" Kanina ko pa siya pinipilit na mag kwento ayaw niya talaga. Change topic na nga lang.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kamusta ako no'ng nawala kayong DALAWA NI KUYA?"

"Ay, oo nga pala. How are you?" Tumapat siya sa 'kin at tinignan siguro kung may galos ako or something.

"Pero mukha ka namang okay, eh."

I pinched her. "Alam mo ba muntik na 'kong ma-rape, huh! Tapos kung sino-sino pa mga walang modong mga tao ang nakilala ko."

"Sorry K, 'yung kuya mo kasi eh. Nakakainis. Pero hindi ka naman siguro nabastos, di'ba? 'Yung bang sinasabi mong walang modo ay yung kausap mo kanina?" Tanong nito.

"Muntik na akong mabastos 'no buti na lang maliksi ako, at OO, siya yung walang modong lalaki na nakakabuwisit na akala mo kung sinong gwapo, na sobrang yabang, n----

"Hep hep hep hep! Okay, okay. I get it, pero aminin mo papable, no? Opps, wag nang i-deny kakasabi mo lang kanina. Hihi." Anne. Nakangiti pa nitong sabi.

"Duh! Para sabihin ko sa 'yo siya rin yung walang modong lalaki sa park." Walang gana kong sabi.

"Talaga?! So, ang gwapo niya pala talaga!" Napapalakpak pa ang bruha.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Whatever! Oo nga pala, Anne, nakita mo rin ba do'n sa bar si Nerdy guy? 'Yung sa canteen?"

Napakunot naman ang noo ni Anne sa sinabi ko. "Ano namang gagawin ng kagaya niyang nerd sa ganoong klase ng lugar? Hay nako karylle, napagkamalan mo lang siya."

"Okay, Okay. Siya. Let's sleep na. Walang magandang nangyari ngayong gabing 'to kaya itulog na lang natin. Good night, budz." Nakipagbeso siya sa 'kin, and then she headed to her room.

I didn't know why Anne was still mad at kuya pagkatapos kong mag paiwan do'n sa loob, wala naman din palang kahihinatnan. Kahit kailan talaga ang slow ni kuya. Napakatorpe pagdating kay Anne. Pag-ibig nga naman. Haha.

Tapos nakita ko pa do'n sa bar si nerdy guy. Naku-curious talaga ako sa kanya. Tapos 'yon nga nakilala ko pa 'yong si walang modo. Hays, ang sarap itulog na lang lahat ng 'to. Good night.

~●~●~●~●~●~

"KARYLLE, GUMISING KA NA KUNG AYAW MONG MA-LATE! MONDAY NA MONDAY." AHH! Nakakainis naman o. 'Di pa ko nakakaget-over sa weekend pasukan na kaagad. Ano ba naman?
Bumangon na ako at naligo, nagbihis at nag-ayos at bumaba ng hagdan para mag-breakfast.

"Budz, ang tagal mo naman. Malapit na tayong ma-late, o."

"Tapos na 'ko kumain." Kumuha na lang ako ng tinapay sa table.

"Tss. Tara na."

"Breakfast mo?" Tanong ni Anne sabay tingin sa lamesa.

"Wag na. Okay na ko dito. Hiya ko na lang sayo."

"Ikaw naman, Karylle. Pero sige, sa lunch ka na lang bumawi mamaya. Hahahaha. Dali tara na." 'Yon na talaga 'yon. 'Di man lang talaga ako pinakain ng breakfast. Eh, kulang pa sa'kin 'tong tinapay na 'to eh.

~●~●~●~●~●~

Nakarating na kami sa room buti naman wala pa si Ma'am. Naupo na kami sa mga seat namin hindi kami magkatabi ni Anne, alphabetical order kasi.

She's Mine. Only Mine || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon