Chapter 2

351 10 0
                                    

Karylle's POV

Pagkapasok namin sa gate ng Borja International kung saan kami nag-aaral. It is an exclusive school, na pili lang ang nakakapasok, halos patakbo na naming tinungo ang department namin dahil sa late na kami. Pagkapasok namin ng room...

"Miss Tatlonghari and Miss Smith, why are you both late? The two of you are 30 minutes late!" Sinasabi ko na nga ba. Terror pa naman ang prof. Namin sa first subject. Hays.

"Sorry, Ma'am." Sabay naming sabi ni Anne. We're Sophomores taking up Business Management.

Umupo na kami sa upuan namin, at dahil late kami do'n kami sa likuran.

"Grabe, Budz, Limang oras lang naitulog natin. Pakiramdam ko lutang na lutang ako." Bulong sa akin ni Anne pagkaupo namin.

"Ginusto natin 'to. Wag ka na magsisi." Pabulong ko ring sagot dito.

"Ewan ko sa'yo. Namamaga ang mata mo. Hahaha." Sabay tawa nang mahina nito.

"Lalo 'yong sayo. Hindi na matakpak ng make-up. Hahaha." Natatawa ko ring bulong dito.

"Kapal nito. Ito gusto mo?" She raised her fist at me.

Hinampas ko nga. "Ikaw, konti na lang malapit ka na maging tomboy! Act like a girl."

"HAHAHAHAHAHAHA." Tawang malakas ni Anne. "Di ka na mabiro." Sabay sabi pa nito. Patay! Lahat nakatingin sa'min, pati si Ma'am. Pahamak talaga si Anne.

"Oops. Sorry, ma'am." Anne

Binigyan lang naman kami ni Ma'am ng warning look. Buti na lang hindi niya kami nasermunan .nilingon ko si Anne at sinamaan ng tingin... kasi naman. Then, she just gave me her sweetest smile. Hmp. Yeah, she's my best friend.

LUNCH BREAK●

We were in the cafeteria. We were having lunch when we heard Kaye's (The flirt) voice.

"You! Bakit ka nakaupo dyan sa puwesto namin?!" She was talking to nerdy guy. Bago lang siguro 'yon dito, ngayon ko lang kasi siya nakita.

"I'm the only one who is sitting here. You can share the table with me if you girls don't mind." Ang cool ng pagkakasabi ni nerdy guy. May point nga naman siya do'n, pero knowing Kaye. Tsk.

"Transferee ka siguro, 'no. Well, let me Introduce myself." Sabay tahimik pa nito. "I'm Kaye Abad. My family owns shares in this school and--- Hey! Where are you going?!"

Hahaha. Nice. Ang yabang kasi nitong si Kaye. Hindi naman nila pagmamay-ari itong school kung makaasta akala mo kung sino.

Bigla na lang kasi tumayo si Nerdy guy at mukhang maghahanap ng ibang mauupuan. Hindi na pinatapos pa si Kaye makapagsalita. At 'ayun mukhang napahiya.

Nagsalita naman si nerdy guy. "You don't have to introduce yourself. I'm not interested. Pwede mo namang sabihin na umalis ako dito hindi kung ano---"

Itinapon ni Kaye 'yong hawak niyang Orange juice kay Nerd.

"Damn you!!" Kaye.

"Who does she thinks she is? Bitch!" Napatingin ako kay Anne.

Naku, mukhang makikigulo na naman 'to.

'Ayun nga, tumayo na siya at pumunta kina Kaye. At ako? Siyempre sinundan ko si Anne.

"Hoy, Kaye! Umiiral na naman 'yang pagka-bitch mo! Gusto mo bang makarating sa Dad mo 'to, huh???! Fuck off!" Bungad ni Anne kay Kaye. Family friend kasi nina Anne sina Kaye kaya may connection ito sa parents ni Kaye.

'Yun lagi ang panakot ni Anne sa tuwing may inaaway itong si Kaye sa school.

"Bakit ba lagi kana lang nakikialam, Huh, ANNE!!!" Hayaan ko na lang ang dalawang 'yon. Sanay na ako.

Kumuha ako ng panyo sa bulsa, and I gave it to the nerdy guy.

"Here." Napalingon naman siya sa 'kin.

"Transferee ka, 'no? Don't mind Kaye. Kagaya nga nang sabi ni Anne. Bitch talaga 'yon." I smiled at him. Siya naman ay nakatingin lang sa'kin. Hindi niya kinuha ang panyong ibinigay ko.

Weird.

Bahagya ko na lang pinunasan 'yung damit niya na natapunan. Hindi 'ata naka-get over kay Kaye.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Nga pala, I'm Kar---"

"Budz, Let's Go!" Bigla na lang ako hinila ni Anne.

Nilingon ko si Nerdy Guy. I Just waved at him. Mukha naman kasi siyang mabait. Ang cool nga niya, eh.

Pumunta na kami sa room namin para umattend ng next subject.

"Tara mag-cut, Budz?" Anne.

Mabilis ko naman siyang nilingon. "NO! Hindi porket na-bad-trip ka sa pag-aaway n'yo ni Kaye papayagan na kitang mag-cut. NO ANNE!"

"Oh! Yes, mommy!" She Answered.

"ANNE!" ako

"BUDZ!" Siya

"ANNE!" ako

"BUDZ!" Siya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA." Sabay tawa namin pareho. Yeah Right. We're friends!

She's Mine. Only Mine || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon